❀fifty eight

688 37 1
                                    

BRIX

"BRIIXX! BUMABA KA NA DITO, HINIHINTAY KA NA NI JULLIEN!" bumilis naman yung tibok ng puso ko ng marinig ko ang pangalan niya. Kahit anong gawin ko, sa kanya parin tumitibok yung puso ko. Ewan ko ba!

Nakaharap lang ako sa salamin habang sinusuklay at inaayos yung bangs ko. Ayos na din siguro 'to bago man lang ako umalis diba? Huminga lang ako ng malalim bago lumabas ng kwarto ko.

Pagbaba ko ay sinalubong niya ako ng may malaking ngiti. Marupok ako para diyan eh.

"Tara na?" Nakangiti niyang yaya sakin kaya ngumiti lang din ako

Sumakay kami ng bus papunta sa bayan. Nandun kase yung Amusement Parks at medyo malayo sa village namin.

"Thank you sa pagsama ah?" Nakangiti niya lang ulit na sabi sakin.

Tangina naman, Jullien. Wag kang ngumiti ng ganyan.

Napaubo lang ako ng kunwari at umiwas ng tingin. Hindi ko kinakaya kapag nginingitian niya ako ng ganyan.

"Brix?" nagulat naman ako dahil tinawag niya ako. I mean hindi yung gaya ng dati na bakas lagi sa boses niya yung inis niya kapag tinatawag niya ako. Nakakapanibago lang.

"Hmm?"

"Are you still mad?" Pakiramdam ko ay pinako ako sa mismong kinauupuan ko. Bakit naman kase sa lahat ng itatanong niya eh yan pa talaga.

Hindi naman ako nagalit eh. Kase in the first place wala akong karapatang magalit. Meron akong konting tampo but it doesn't mean na galit talaga ako. Gaya ng sabi ko, gusto ko muna siyang iwasan habang papalapit na yung flight ko.

"Brix? Still there?" natauhan naman ako nang ikaway niya sa harap ng mukha ko ang kamay niya.

"A-ano ulit sabi mo?" wala sa sarili kong sabi

"I am asking if you are still mad"

"Saan naman?" tanong ko.

"Dun. Dun sa nangyare noon. Galit ka parin ba dahil sa sinabi ko?" hindi naman ako tanga para hindi malamang tinutukoy niya yung about sa supposedly na confession niya para kay Rian.

"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit? Saka isa pa, wala akong karapatang magalit, Lien" nakita kong lumungkot yung mukha niya. She must've feel so guilty about it. Hindi ko naman siya kinokonsensya eh, sinasabi ko lang yung totoo.

"I'm sorry" rinig kong sabi niya. Please, just don't say it.

"It's fine, Lien. Ako yung mali. Dapat ka lang magalit sakin kase iniwan kita noon. I know how it has been hard for you. I should be the one to say sorry. I should've waited for you" we're getting the closure that we have been asking before pero bakit mas masakit? Mas masakit sa akin na magkaroon kami ng closure.

Siguro kase alam kong after nito, talagang mawawalan na ako ng kwenta sa buhay niya.

"Don't worry about it, Lien. Okay na naman eh" nakangiting sabi ko ar i-cheer siya.

Hindi ko na siya narinig pang nagsalita kaya nagdesisyon akong lumingon sa kanya to see her sleeping. She must've been so tired, physically and emotionally.

Kaya gusto kong bago ako umalis, mawala lahat ng doubts and sadness.

I smiled bitterly at saka isinandal sa balikat ko ang ulo niya para hindi na siya mahirapan pa.

I missed those old times na sasandal siya sa akin at doon matutulog. Sayang pala, sayang.

Sana hindi ko na lang siya pinakawalan but then sana kapag umalis ako, maging masaya ulit siya gaya ng dati. Kase simula pa lang, yun lang ang gusto kong mangyari.

TO BE CONTINUED..

❛Store❜┇C.BG x S.RJ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon