THIRD PERSON'S POV
"Abnormal talaga siya" nakangusong sabi ni Jullien at padabog na ibinagsak ang kanyang phone.
"Pabili poooo!" Napairap siya nang malaman kung kaninong boses ang sumisigaw mula sa tindahan nila. Padabog muli itong tumayo at pumasok ng tindahan nila.
"Ano yun?" Walang ganang bungad nito. Napangiti naman ang binata mula sa bintana ng tindahan nila.
"Candy nga. Yung kasing tamis ng ngiti mo" tinignan niya lang ito ng masama at hindi napigilan ang pag-ngiti.
"Ayieee, ngumiti naaa! Papasok ako baby ah" sabi ni Brix at tuloy tuloy na pumunta sa tindahan kung nasan nakatayo si Jullien.
"Galit yan" nakangusong sabi ni Brix at kunwaring nagpapaawa kay Jullien.
"Uy sorry na nga. Hindi na mauulit" maamong sabi ni Brix habang sinusubukang iharap si Jullien sa kanya.
"Kase naman ikaw. Akala ko naman may nangyare na sayo tapos nagbibiro ka pa" nagtatampong sabi ni Jullien at nagpunta sa sala para buksan ang tv.
"Sorry na nga kase." Sabi nito at sinundan din ang dalaga sabay upo sa tabi nito.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" Bumuntong hininga na lang si Jullien dahil feeling niya ngayon ay hindi niya kayang magalit kay Brix.
"Yieee. Bati na kami. Di niya ako matiis" pang-aasar ni Brix kaya naman ipinulupot niya ang braso sa dalaga at mahigpit itong niyakap na puno ng pagmamahal. Napangiti na lamang si Jullien at isinandal ang ulo sa balikat ng binata.
"Dati naman hindi ako ganito. Anong ginawa mo sakin?" Saad ni Jullien habang diretsong nakatingin sa tv at naka-sandal ang ulo sa balikat ni Brix.
"Hmm. Kase namiss mo talaga ako?" Napatingin naman si Jullien sa gwapong binata at ngumiti.
"Naalala ko yung sinulat mo sa freedom wall. Naiyak ako nun" sabi ni Jullien.
"Hindi ko kase masabi lahat sayo yun eh. Palagi mo kaya akong pinapaalis" nakangusong sabi ni Brix kaya naman napayakap din si Jullien kay Brix.
"Sorry. Sorry kung ang sama sama ko sayo noon. Ikaw kase eh" napatawa na lang si Brix at hinalikan ang noo nito.
"Wala na yun sakin babe. Ang mahalaga, kasama na kita ngayon" sabi nito kaya naman patagong kinilig ang dalaga.
"I love you" maamong sabi nito at hinalikan sa pisngi si Brix.
"Mas mahal kita. Hindi ko na ulit hahayaang mawala ka pa ulit" nakangiting tugon ni Brix. Kinurot lamang ni Jullien ang pisngi nito at bumalik sa panonood.
THE END..

BINABASA MO ANG
❛Store❜┇C.BG x S.RJ✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Pabili nga ng salamin, yung mataas yung grado. Para makita mo naman yung halaga ko❞ ➳In which Brix Choi always buy stuff to Jullien's store in order for him to make her fall in love with him again. 「ᴛxᴛᴢʏ sᴇʀɪᴇs #2」 ➤ Choi Be...