CHAPTER 5

70 27 0
                                    

Nagising naman ako kinabukasan dahil sa pag-iingay ng dalawang katulong na animo'y maguguho na ang mundo. Lakad sila ng lakad sa buong silid habang nagtatalo na animo'y may malaking problema kaya agad ko silang pinatigil parehas at hihikab hikab silang tiningnan.

"Ano po ang ganap at di kayo mapakali?." sita ko sa kanila.

They were surprised when I suddenly spoke and immediately knelt down to apologize.

Spell O.A

"We apologize, Dear Princess pero may importante lamang pong kaganapan ngayong araw." Natatakot na sambit nila sa akin dahilan para mapaayos ako ng upo.

"Ano naman po iyang importanteng kaganapan na iyan?" tanong ko sa kanila. Muli na naman silang napayuko parehas bakit ba ang hilig nilang mangatog.

"The other kings have already found out that you have arrived, especially your father. Ipinapatawag po kayo para sumabay sa pag-aagahan." Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi nila.

"Importanteng kaganapan po iyon dahil kasama ang lahat ng Royalties." Naasar naman akong pumadyak ano ito compress meeting?

Napaka big deal ng pagdating ko.

"All right I'm just taking a bath." They looked at each other at agad na ring kumilos para ihanda ang mga kailangan.

'Irah?' tawag ko sa aking isip.

'Five minutes' bulong nito hmm mukang tulog pa sya hayaan na natin. I got out of bed and went straight to the bathroom. Tinulungan naman nila ako. Sinabi ko na nga sa kanila na kaya ko na pero ayaw nilang sumunod they were worried about being punished.

After taking a bath, isinuot ko na ang inihanda sa aking damit isang simpleng bestida na kulay pula. May kalumaan na ito at medyo masikip na sa akin hindi ko gusto ang outfit na ito pero okey na din.

They fixed my long hair. Tied half of it and braided it para hindi sumabog sa aking mukha. I stared at my face in the mirror and smiled. Fortunately, I'm really beautiful. Buti na lamang at maganda talaga ako kaya hindi na kailangan sa mga makakapal na kolorete sa pagmumukha. Ito lang siguro ang pwedi kong ipagmalaki sa aking katawan dahil wala naman akong kapangyarihan.

"I'm ready, let's go." Nangingiti kong sambit dahil sabik na talaga akong kumain.

Lumabas na kami ng silid kasama si Luna mula sa aking tabi. Pinauna ko silang maglakad pagka't hindi ko naman kabisado itong malaki at malawak na kaharian na ito. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilang magmasid sa kapaligiran. Magagarbo ang mga kagamitan dito sa kastilyo. May mga ipinintang larawan sa mga dingding at karamihan ng mga kagamitan ay simbolo at kakulay ng kalangitan.

"Princess Diantha is entering the hall!" Malakas na sigaw ng lalaki sa gilid ko dahilan para saglit akong mapapikit at pasimpleng nagtakip ng tenga.

Nang matapos na siya magsalita ay inilibot ko na ang aking paningin sa mga taong nakaupo na sa hapag at malamig ang pagkakatingin sa akin.

"Please bow and pay your respects, princess Diantha." Pasimpleng bulong sa akin ng dalawa habang parehas na silang nakayuko.

Tinitigan ko muna ang lalaking nakaupo sa gitna bago ako tipid na yumuko agad rin akong tumayo dahil pakiramdam ko ay hinahalukay nila ang buong pagkatao ko.

Isa-isa ko tiningnan ang nasa mahigit sampung tao na nakaupo sa hapag kahit isang bakas ng mga prinsipe at prinsesa ay wala umalis na sila?

Ngumiti ako nang pagkatamis-tamis na sa harap nila para masisiguro kong magmumukha akong mabait.

"Watzup!." Pagbati ko sa kanila dahilan para magulat ang mga Reyna samantalang napatigil naman sa pagkain ang mga Hari.

Hindi naman sila sumagot o kumibo sa aking sinabi kaya imbes na magmukhang tanga na nakatayo lamang sa puwesto ko ay naglakad na ako palapit sa isang bakanteng upuan. Pero agad na namang bumulong sa akin ang dalawang kasama ko.

Sino nga ba sila pagkagising ko kanina sila na agad ang nabungaran ko hindi ko manlang natanong ang pangalan nila.

"Hindi ka pa po maaaring umupo mahal na prinsesa hangga't hindi pa sinasabi ng Emperor." Napatigil naman ako at nahihiyang tumayo ulit.

Nakalimutan kong may ganito nga palang pakulo sa kanila.

Sinuri ko ang Emperor ang kanyang itsura ay nakamamangha ganito pala ang itsura ng ama ni Phoenix. Si Emperor Light ang hari ng mga Hari sa hitsura niyang yan, kulay puting ang buhok, matangos ang ilong, makinis at mamula-mula ang kutis, manipis na labi, at malamig na mga mata ay hindi mo aakalain na siya ang ama ni Phoenix hindi man lamang kababakasan ng katandaan amg mukha niya na batang-bata ang itsura.

"Magandang umaga, Emperor Light. Maari na ba akong umupo?" Pabiro kong tanong sa kanya kinakabahan kase ako sa tingin nya.

Nagulat naman ulit ang lahat ng nasa silid hindi ko mawari kong bakit.

"Ayusin mo ang pananalita mo, Diantha isang Emperor ang kausap mo!" Sigaw ng isang Hari sakin.

Kinunutan ko naman siya ng noo what did I do? Pasimple kong siniko ang dalawang katulong sa likod ko upang itanong kong sino ang sumigaw sakin.

"Siya po ang iyong Ama princess Diantha." Napatango naman ako I only have one father in my life and that's not him diko bet ang isang ito.

"HAHAHAA! Kakaibang binibini ang prinsesa mo King Densir." Nawiwiling himig ng Emperor.

"Ngunit kalabastanganan iyon Mahal na Hari hayaan nyong parusahan ko ang aking anak," Saad ng isang Reyna na asawa ni King Densir.

Isang lubong kulay brown ang mabilis pumunta sa aking direction, kahapon lang prinsesa ang bumati sakin ng paliso ngayon naman ay isang wolf guardian.

Malapit na akong sakmalin ng biglang sumunggab din si Luna sa brown na lubo puro angil nila ang narinig ng lahat.

Sa pangalawang pagkakataon nakita ko na naman ang katawan ni Luna na humagis.

'Shit! Irah where are you? please help Luna' sigaw ko sa isip ko.

'at your service your highness.'

Isang malalim na buntong hinga ang pinakawalan ko bakit palaging nalalagay ang isang tulad ko sa kapahamakan wala naman akong balat sa pwet.

Ayst!

Muling pinadaloy ko sa aking alaala ang nakaraan.

It's all started in just one night, where there was a shadow showed in front of me it manifested itself as a vision of how my parents were getting killed by unknown creatures.

Everything is change after that night nagising nalang ako na nandito na ako I almost went crazy because of that. I'm thinking about what I should do next cause I don't know where to start, I had no were to go. I suddenly remembered the last word I heard before shadow disappeared.

"If you want to save your parents complete your mission, changed the history. You need to be strong enough until the day comes."

"This is it Diantha, see this all royalties wala kahit isa sa kanilang makakapagkatiwalaan kaya wag kang magpapakita ng kahinaan mo show them that you are strong and brave be observant because you never know who is your enemies is." Paalala ko sa aking sarili tama! I have to go with the flow and learn everything and starting prepare for the worst.

Binalot ng makapal na yelo ni Irah ang lubo para dinaako sugurin.

Suminghap ang lahat dahil doon.

"Goddess Irah" Mahinang bulong ng Emperor parang kinalibutan naman ako ng banggitin ng Emperor ang pangalan ni Irah.

Okey what's happening?

"Buhay ka?"

Knight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon