CHAPTER 11

44 10 0
                                    

MAKAILANG ulit na ba akong takbo? Hindi ko na lubos maisip na ganito ang dadatingan ko dito.

I mean bakit ako? Bakit kailangan may kasal kasal na ganyan? Umalis nalang kayo ako? Mag-drop nalang kaya ako tapos maging magaling na magtitinda nalang ng isda sa bayan.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, matapos sabihin sakin ni Irah ang bagay na yun hindi na ako nakatulog kagabi tapos panay pa ang pasok noon sa utak ko. Konti na lang mababaliw na ako!

Binilisan ko pa ang takbo Tuesday ngayon at strength training namin umagang umaga na takbo kami parang exercise na din, warm up.

Sumigaw ang teacher namin ng done pero umikot pa ako ng isa, nasa Field kami ngayon ng school.

Patihaya ako nahiga sa saminto pagkatapos ko. na ubos ang lakas ko sigurado along masakit ang katawan ko nito mamaya, well matagal na akong hindi natakbo simula ng matapos ko ang training ko kay Irah yung kay Suga kasi Archery tapos kay Irah combat.

"I'm tired as f*ck!" biglang reklamo ko at hinayaang damahin ng katawan ko ang init ng sahig sa field na kinalalagyan ko nag uunahan pa ang mga pawis ko sa pag-agos.

Laking gulat ko na lang ng may humagis ng jacket sa katawan ko dahilan para wala along makita.

Putik sino yun!

Napaupo ako bigla at sinamaan ang lalaki na may gawa noon sakin. 'Kainis ang bakulaw pala, ano na naman kaya ang problem ng isang ito.

"Stop showing them your body,"Madiin na bulong nito, masama niya akong tiningnan na parang may kremen akong nagawa.

What a Jerks!

I glared at him bago siya mawala sa paningin ko. Anong mali sa suot ko? malang makikita nila ang katawan dahil naka sport bra kaya ako.

"Oh! You must be our new classmate!" Sigaw ng isang babae kaya nabaling ko ang tingin sa kanya kong hindi ako nag kakamali kasama siya sa Royalties.

I wonder kong bakit wala sila kahapon puro muka lang ng mga prinsipe na bully ang nakita ko.

Tumango nalang ako at nilibot ng tingin ang paligid kami nalang pala ang natira.

"Nasaan na ang iba?" tanong ko

"In cafeteria!" she said excitedly and full of energy before running towards me.

Tumango nalang ako at nagsimula maglakad pabalik ng dorm.

"Bago ka lang ba dito?" biglang nalang siya sumulpot sa gilid ko kaya lumayo ako ng kaunti seriously mabilis ba siyang makalimot sila kaya yung sumalubong samin sa Heavenly Kingdom.

"Obviously, yes"

"Hindi ka pa ba nakakapalibot? Ako nalang mag to-tour sayo!" energetic na sabi niya

Napaisip ako doon, tinitigan ko siya ng mabuti para mabasa ang mga galaw at pagkatao niya naalala ko na dapat pala ay mag ingat ako sa mga taong pakikisamahan ko.

"Sure" simpleng sagot ko

Kailangan ko din naman ng tutulong saakin para lilibot ako dito sa malawak na school naka isang araw na ako pero room at dorm lang ang alam kong puntahan magpapatulong lang ako sa babaeng ito pero hindi ibig sabihin noon na pinagkakatiwalaan ko na siya.

Sinuot ko sa isang balikat ko yung backpack na may kaunting kabigatan may lamang mga lebro pero halatang di naman kailangan, Saka kami lumabas ng field. Pati siya ay suot suot din ang backpack niya at patalon talon pa habang nag lalakad. She's also humming a song while smiling like an idiot.

Pinagmasdan ko ang pigura niya dahil nasa likuran naman niya ako. Kulay blue ang mahaba niyang buhok at mas maliit siya saakin ng kaunti. Maputi ang kulay ng balat niya at halatang halata naman sa mukha at sa mga galawan niya ang pagiging hyper parang laging may baong battery na full charge parang di kami galing sa pagtakbo kanina.

Knight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon