CHAPTER 6

79 28 1
                                    

"Buhay ka?" Nanghihinang tanong ng Emperor.

"Parang ganon na nga Emper Light, nasapangangalaga ko ang binibini na ito kaya umaasa ako sa kanyang proteksyon sanay wag mo akong biguin sa ikawalang pagkakataon." Tumango ang Emperor at naglaho nalang si Irah sa harap namin.

'Irah anong meron?'

'Irah?' madami kang dapat ipaliwanag sakin tapos dimo manlang ako papansinin

Tsst!

Pilit kong tawag ulit siya pero wala akong nakuhang sagot sa kanya kaya hinayaan ko nalang sya.

"I'm safe!" Nakangisi kong sigaw dahilan para bumalik ang diwa ng lahat.

Pero nang makabawi ang lahat ay mabilis akong dinuro ng Reyna ang aking Ina kuno. Ganito ba talaga kamaldita ang  isang ito?

"You! Paano mo naging guardian si Goddess Irah? Sigurado akong gumamit ka ng pinagbabawal na mahika!" Muling sigaw nito dahilan para pasimple akong mapairap dahil sa matinis nitong boses.

Hindi ko naman siya pinansin at binalingan na lang ang Emperor.

"Emperor, maaari na ba akong maupo? Kung wala naman pala kayong balak ipaliwag ang lahat ay maaari na ba akong kumain ng agahan?" Malamig kong pahayag sa Emperor habang binabalewala ang lahat ng tingin sakin.

Kita ko naman ang pagkainis ng Reyna sa pangbabalewala ko sa kanya.

"Hayaan mo siya, Reyna Elena." Napalingon naman sa kanya ang halos lahat ng nasa hapag. Maging si Reyna Elena ay natahimik dahil sa turan ng Emperor.

Hindi naman ako nagpatalo sa kanila at binigyan sila ng mapang asar na ngite.

"Simula bukas ay sa Knight Academy kana mananatili Princess Diantha." Anonsyo ng Emperor.

"Sure your majesty." Doon naman talaga dapat ang punta ko bakit napadaan pa ako sa kaharian na ito.

Natapos ang magulong agahan ng lahat na una na akong magpaalam sa Emperor baka may away na naman na maganap.

"Akala mo ba ay makaliligtas ka na sa amin? Pwes nagkakamali ka, Diantha!? Hindi porke't nakabalik kana ay palalagpasin na kita!?" Galit na sigaw ng Reyna Elena sa gilid ng pasilyo.

"Ehh? Mahal kong ina bakit mukang galit na galit kayo sakin? Ang sweet mo naman sa anak mo." Pinagmukha kong inosenteng ang aking itsura.

Napasigaw naman sa inis si Reyna Elena saka sunod sunod akong pinagmumura pero natigil din siya sa pagmumura nang makitang nakangiti lamang ako sa kanya at masama ang mga titig.

"Kung sa tingin mo ay papalampasin ko ang ginawa mong pamamahiya sakin kanina ay nagkakamali ka maalam akong gumanti sa mga taong may kasalanan sakin kaya maghanda kana." Iyon lamang ang sinabi ko sa kanila saka ako muling tumalikod at naglakad palabas nang may ngite sa labi.

Ilang minutong nangibabaw ang katahimikan sa naiwang mag-asawa nang makaalis na si Diantha. Hindi sila lahat makapaniwala na ibang iba na ang dalaga magmula nang bumalik ito.

Patuloy pa rin sa pagngingitngit sa galit si Reyna Elena kahit nakaalis na si Diantha.

"Ano bang ginawa mong pagpatay kay Diantha at imbis na maglaho nalang ang babae na yan ay nakabalik pa!" Gigil na tanong ni Elena sa asawa.

"Sinunod ko lang ang plano Elena sadyang may sa demonyo lang ang bata na iyan." Inis na sagot ni Densir ang ama ni Diantha.

"Hindi dapat mangyari ang mga ito, ang anak dapat natin ang maging asawa ng crown prince." Kinakabahang sambit ni Elena habang palakad lakad sa kanyang puwesto tinitingnan lamang siya ng asawa.

Knight AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon