"pinaghahanap ka na talaga ng mga magulang mo men" sabi ni Lucas sabay bigay sakin ng isang papel. biglang nanlamig at nanginig mga kamay ko sa nakita ko
'Dana jewel shyroline Millario: Missing'
1 million for whoever who can turn her in to us
andun yung picture ko tsaka address ng bahay namin, shet anong gagawin ko nito?
"Lucas, oras na ba para mag bigti ako?" naiiyak kong tanong sakaniya, nakita ko yung paglambot ng mukha niya habang tinitignan ako
"wag mong hinaan loob mo, konting problema suicide agad nasa utak mo. wag ka lang muna pumunta sa samin baka matsyempuhan ka habang hinahanap ka don" at tumango ako
"bakit ba kasi ang unfair ng mundo. bakit ikaw kahit saan ka tumalbo okay lang sa iba tapos pag dating sakin lahat bawal?!" reklamo ko sakaniya habang nararamdamang tumutulo na yung mga luha ko
tinitignan na ako ng mga tao dito, tulo na ng tulo yung luha ko. ayoko nang bumalik sa bahay, I was never happy there from the very start
"iba kasi yung babae sa lalake dana, I grew up as a different man. tinuruan ako nila Trist para mabuhay ng simple at normal. ikaw, maganda ka dana pero babae ka kaya ganito, lahat sayo bawal" sabi niya habang pinupunasan mga luha ko, pero ayaw parin nila tumigil
"maraming nag mamahal sayo kaya please, wag ka nang umiyak" sabi niya habang ginugulo buhok ko, gusto ko siyang yakapin pero bawal. ang issue naman ng mga kulangot na babae dito
"pano yung mahal?" tanong ko sakaniya habang pinipilit kong ngumiti, inakbayan niya ako habang lumalakad "tulad ng pagmamahal mo kay Tristan" biro niya
"Baliw, si Hades mahal ko" saad ko habang nilipadan siya ng tingin, ito naman ai insan parang di na kumbinsi "sa lahat ng mahihingi ko sayo insan, yung di ka lang mapamahal kay Tristan yung hinihingi ko sayo"
nalito ako "bakit?"
"basta, masasaktan ka lang" sasagot pa sana ako nung bigla siyang tumigil, pinatiko niya yung panga ko sa isang direksyon-sa locker ko
"dana, what's that?" may malisyang tanong niya sakin habang tinuturo yung mga rosas na halatang sumisilip sa locker ko, humiwalay ako sa hawak niya tsaka siya pinasunod sakin
binuksan ko locker ko at andun nanaman yung mga rosas at tsokolate, agad ko pinasok yung mga chocolate sa bag ko.
matagal ko nang kinakain mga chocolate na to eh wala namang lason kaya why not?as usual nandoon nanaman may nakasulat sa papel
'Good morning princess, is there something you want to tell me?'
napangiti ako tsaka hinukay kamay ko sa pantalon ni Lucas, "hoy ano ba?" iritadi niyang sabi sakin. kinuha ko yung ballpen niya don tsaka sinulatan tong ewan na to
'thanks sa blessings, baka naman sa sunod may lahing pusa ibigay mo sakin.
Hart, dana'binalik ko yun sa locker ko tsaka kinuha yung mga rosas, napatingin siya sa mga bulaklak na nasa kamay ko
"Hindi to galing kay Tristan, hindi ko alam kung sino" sinagot ko na yung tanong sa utak niya, sa sobrang close na namin ni Lucas kahit di na kami mag salita alam na namin yung mga sasabihin ng isa't isa sa titig lamang
"lagot ka non pag nalaman na galing pala diyan sa secret admirer mo yung mga tsokolate na shinishare mo samin" naririndi niyang saad habang inoonserbahan yung mga rosas na hawak ko

BINABASA MO ANG
My Mr. Ma attitude
ספרות חובביםputang inang buhay oh, mas ma attitude pa tong jowa ko kesa saken