Prologue

263 5 0
                                    

Nagsimula ang lahat sa isang awitin.


"Can I sing you a song or is it more okay if I call you mine?" wika niya habang nakatambay kami sa student's park.


Ano raw? Actually wala akong naintindihan sa sinabi niya liban sa kakantahan niya ako. Kaya sinabi ko na, "Okay." Favorite ko kasi ang kantang 'yon. Kung bakit, sikreto ko na 'yon. H'wag n'yo nang alamin kung bakit.


Siya nga pala, bago ang lahat, magpapakilala muna si ako. Hi! I'm Chasze 17 years of age at second year college na ako, taking up MassCom major in Journalism. Wala, pangarap ko kasing maging kilalang writer, alam mo iyong tipong shine like a diamond lang ang peg. Actually, mali pala ako, hindi ang sarili ko iyong gusto kong sumikat kung 'di ang makilala ang mga gawa ko, hindi dahil sa ako ang gumawa kung 'di dahil sa laman nito. Nakuha n'yo ba? Oo na, alam kong ang gulo ko. Pasensiya naman, bipolar lang este weird nga kasi ako. Alam n'yo naman 'pag writer, sadyang may pagka-weird lang nang kaunti.


Actually hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang k'wentong ito, lalo na nga at hindi ko rin alam kung paano nga bang nagsimula ang lahat. Bahala na nga lang talaga si Batman este si Spiderman my love pala sa tatakbuhin ng k'wento na 'to. Ang kwentong walang plano, ang k'wentong 'di ko alam kung kailan nagsimula bukod sa ngayong araw na isulat ko ito. Pero isa lang ang sinisiguro ko ito ang k'wentong walang ending, because love never ends. Wait, love ba 'yong sinabi ko? Okay, first of all ,define muna natin ang love from my own point of view.


"Ang pag-ibig ay malaya at nagpapahalaga sa kalayaan ng minamahal."

"Ang pag-ibig ay mapagbigay, at hindi maramot. It is about giving and sharing."

"Ang pag-ibig ay mapagkumbaba, hindi mapagmataas."

"Ang pag-ibig ay mapagparaya at ito'y hindi sakim."

"It is easy to give but hard to get, or the other way around."


Okay na ba 'yang definition ko? Well kani-kaniya tayo ng definition ng love. In addition to that, love can change people, especially if they wanted too.  Lupit 'no, kung makapagbigay ako ng definition akala mo naman may kaalaman ako o experiences ukol sa bagay na 'yan. Kaya nga writer, anong silbi ng imagination and perspective ko sa buhay kung hindi ko gagamitin.


Nga pala bago tayo maligaw at tumahak ng ibang landas, tara na at simulan na nating taludturin ang daan tungo sa isang wagas na pag-iibigan, chos!


Paano nga ba nagsimula ang lahat?

IS IT OKAY IF I CALL YOU MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon