Part Two

122 5 0
                                    

Parang kailan lang, ang bilis naman ng panahon, dati tuwing nakikita ko si Kenzo ay naiinis ako, lalo na tuwing ngini-ngitian n'ya ko nang ubos ng tamis, pero ngayon 'di ko maipaliwanag 'yong nararamdaman ko tuwing nasa malapit siya.


Oo, kami na nga, matapos ang insidenteng iyon ay opisyal na nga siyang nanligaw sa akin at mula rin nang araw na iyon, unti-unting nagbago ang tibok ng puso ko, habang unti-unti ring nagbago ang tingin ko sa kaniya.


Sa loob ng anim na buwan niyang panliligaw sa akin, nakita ko naman  na hindi for good time lamang ang lahat. Saka sino bang lolokohin ko, sarili ko lang din naman ang niloko ko kung patuloy akong magkakaila na unti-unti na siyang napapamahal sa akin.


"Babe, ang lalim ata ng iniisip mo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.


"Hindi naman, 'di lang ako makapaniwala na kasama kita ngayon. Alam mo ba, dati inis na inis ako sa 'yo, ang yabang mo kasi, tapos akala mo lahat ng babae may gusto sa 'yo." Na totoo naman.


"'Yon na nga ang ikinaiinis ko, ang daming may gusto sa akin, pero 'yong nag-iisang babaeng gusto ko, wala namang gusto sa'kin. Alam mo ba 'yong pakiramdam ko noon, babe." 


Ang drama talaga nitong babe ko, p'wede nang pang best actor with matching teary eye pa.


"Drama nito, dami mong alam." nailing ko na lang na wika.


"Babe, promise me na you will never forget everything about us. Tandaan mo Babe, mahal na mahal kita at kahit na anong mangyari, ikaw lang ang nag-iisang babaeng mamahalin ko," malungkot niyang wika, habang matamang nakatitig sa mga mata ko.


Bakit ganoon ang pakiramdam ko, bakit parang may hindi siya sinasabi? Ewan ko naguguluhan ako.


"Babe, may problema ka ba?" tanong ko sa kaniya.


Pero iling lang 'yong sinagot niya, sabay gagap sa kamay ko.


"Is it okay if I call you mine?

Just for a time

And I will be just fine

If I know that you know that I'm

Wanting, needing your love Oh


If I ask of you is it alright

If I ask you to hold me tight

Though a cold dark night

'Cause there may be a cloudy day in sight

And I need to let you know that I might

Be needing 'your love oh."


Ang ganda talaga ng boses ni Kenzo, 'yong pakiramdam na para kang hinehele. Sana lagi na lamang kaming ganito, laging magkasama. Ewan ko ba, pero habang tumatagal lalo ko siyang minamahal. Ni minsan nga hindi ko inakala na magkakagusto ako sa kaniya.

IS IT OKAY IF I CALL YOU MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon