Part Three

123 4 0
                                    

"Can I sing you a song or is it okay if I call you mine?" wika niya habang nakatambay kami sa student's park.


Ano raw? Actually wala akong naintindihan sa sinabi niya, liban lang sa kakantahan niya ako. Kaya sinabi ko, "Okay." Favorite ko kasi ang kantang 'yon. Kung bakit, sikreto ko na 'yon. H'wag niyo nang alamin kung bakit.


Hay, parang kailan lang, tatlong taon na pala 'yong matuling lumipas. Akala ko dati, wala nang katapusan ang lahat, na totoo ang happy ending. Pero 'yong ending lang ang nagkatotoo, at hindi happy ang kinahantungan.


Hindi ko akalaing ang araw pala na 'yon, ang huling araw na magkikita at magkakasama kami ni Kenzo. Oo, iniwan niya ako nang walang paalam. Ang sakit lang, kasi kung kailan sobrang mahal ko na siya, saka naman niya ako iniwan. Pero wala akong magawa kung 'di ang tanggapin ang katotohanang hanggang doon na lang kami.


Wala na siya, at kahit kailan hindi na magbabalik pa. Mahirap mang tanggapin, pero kailangan kong magpatuloy na hindi siya kasama. Mahirap man at masakit kailangan kong tanggapin na wala na talaga siya. 


Ang daya niya kasi, he never told me about his illness, na that night ay kailangan siyang operahan. Oo, inilihim niyang lahat sa akin. At ang masakit, hindi ko man lamang siya nasamahan sa panahong sobrang kailangan niya ako.


"Chasze," untang sa akin ni Renzo.


"Bakit?"


"Wala."


Nasaan ka man ngayon Kenzo, alam kong binabantayan mo pa rin ako. Salamat sa lahat lahat at mahal na mahal pa rin kita.

IS IT OKAY IF I CALL YOU MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon