ACUITY: Ang Umpisa ng mga Misteryo

519 5 0
                                    

Kabanata I

Dapit-hapon

5:30 ng hapon; Augusto 30, 2012; Dalampasigan ng Baler, Aurora

Palubog na ang haring araw at tanaw na tanaw pa rin ang mga turistang nagbabakasyon sa Aurora. Hindi man pangkaraniwang ang araw na iyon, damang-dama naman ng mga ito ang isang weeklong vacation.

“TULONG! TULONG!”

Gumimbal sa lahat ang isang patay na ginang sa loob ng kanyang tahanan malapit sa dalampasigan. Kitang kita sa kanyang katawan ang tatlong saksak sa kanyang dibdib malapit sa kanyang puso.

“Tumawag kayo ng pulis,” sambit ni Edna de Guzman, kaibigang matalik ng napaslang na ginang.

Agad namang nagtawag ng pulis ang naroroon sa eksena. Ilang minuto pa ang lumipas, umalingaw-ngaw na ang mga sirena ng mga pulis.

“Nasaan ang bahay?” tanong ni Police Inspector Miguel Tayoto.

“Doon po,” sagot ng isang lalaki sa kanya.

Pumaroon sa crime scene ang tatlong kasamahan ni Police Inspector Tayoto at kabilang na nga dito si Asher dela Cruz, isang kapita-pitagang secret junior operative ng Philippine National Police.

Nang makarating na sa pinangyarihan ng krimen ang tatlo, biglang kinutuban si Asher.

“Bakit ganito? Walang nagalaw na gamit, nakakapanibago yata.”

“Ms. De Guzman, anong oras mo nakita ang katawan ng napaslang?” tanong ni Inspector Tayoto.

“Mga 5:35 po ng hapon. Kukuha po sana ako ng bigas kasi ipinangako po niya sa akin na bibigyan po niya ako. Tapos nakita ko na lang na nakabulagta na siya at duguan,” sagot ni Edna.

Bumaling ang atensyon ni Asher sa mga gamit sa bahay. Ang kusina ay malinis at may napabayaan pang-basket ng kamatis na nahulog sa sahig; ang kwarto ng biktima ay ayos na ayos; at ang pinagkukuhanan ng bigas ay hindi nagalaw. Pagkatapos tinignan ni Asher ang lugar ng krimen, nagtanong siya sa kaibigan ng biktima.

“Mawalang galang  na po, may anak po ba ang biktima o may asawa o kinakasama?”

“Meron po ngunit hindi na po sila nagkikita kasi naghiwalay na. Sa pagkakaalam ko, nasa Maynila ang kaniyang mag-ama,” sagot ng ginang.

“Mr. Dela Cruz, may nahanap po ako. Sulat na may bakas ng dugo,” sambit ni Ms. Linda Maghirang, isang police.

“Sandali lang po,” sambit ni Asher sa ginang.

Nang makita nila Asher at Inspector Tayoto ang sulat, kinutuban na ang dalawa.

“Sinasabi ko na nga ba. Ang suspek ay naririto ngayon at nagmamasid lang. Ngunit bakit ganito ang kanyang sinasabi sa sulat,” bulong sa sarili ni Asher.

          7sa pa lamang iyan sa mga 9igimbal sa iyong lahat. Mag-ingat kayo at baka kayo ay mabiktima ko. Lalo ka na, Mr. Dela Cruz............................

/\/\/\\/\/\

“Mr. Dela Cruz, may nalalaman ka ba sa pumaslang kay Josefa Mabitang?” tanong ni Inspector Tayoto.

“Wala po.”

“Pero bakit kasama ka dito?”

“Inspektor, mawalang galang na po pero ang sulat na ito ay kapareho mismo ng sulat na natanggap ko sa aking e-mail ilang linggo na ang nakakaraan,” paliwanag ni Asher.

ACUITY: Ang Umpisa ng mga MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon