Kabanata VII: Sundae

80 0 0
                                    

7:35 ng umaga; Augusto 31, 2012; Ilagan, Isabela

            Naalimpungtan ng haplos sa mukha ang mahimbing na pagkakatulog ni Asher sa maliit na sofa. Gaya ng karamihang bagong gising, sila ay nayayamot bumangon sa kanilang pagkakatulog. “Kuya Asher, nandito na po si Ate Glen,” unang pangungusap na narinig ni Asher na siyang bumati sa kanyang umaga. Dali-dali bumangon sa pagkakatulog ang binata at sandaling naghilamos sa maliit na CR ng kwarto.

            “Nabayaran ko na ang bill sa ospital. Sabi kasi ng doktor, pwede na daw umuwi ang bata. Siya nga pala, dinalhan na kita ng paborito mong kape para naman magising ka,” sambit ni Glen kay Asher.

            “Kuya, nasaan na po ang booklet na sinusulatan ko kagabi?” usisa ni Ivan kay Asher.

            “Ah, nandoon sa ilalim ng unan mo. Sige, ihahanda ko lang ang kotse. Malapit na kasing maubusan ng gasolina baka mawalan tayo sa gitna ng daan,” sambit ni Asher sa dalawa sabay kinuha ang kanyang kape at lumabas. Habang nagpapakarga ng gasolina si Asher, kinausap naman ni Glen si Ivan tungkol sa kanyang sinasagutang booklet.

            “Ivan, ano iyan?” usisa ni Glen.

            “Marami pong parisukat na may number sa gitna. Iyong iba po, walang number,” sagot ni Ivan.

            “Sumasagot ka na ng ganyan. Maski ako, mahihirapan pa lang kung ako ang sasagot niyan. Tinuruan ka ba ni Kuya Asher mo na sagutan ito,” sambit ni Glen sabay haplos sa likod ng bata.

            “Hindi po. Sabi po niya, maglalaro daw po kami sa kaniyang bahay pagkarating ko doon,” paliwanag ng bata habang patuloy pa rin nitong sinasagutan ang booklet ng Sudoku.

            “Aba, lokong Asher na ito ah. Punong-puno ng libro ang bahay niya. Huwag mong sabihing ipapabasa niya ang lahat ng iyon kay Ivan,” mga pangungusap na sumasagi sa isipan ni Glen sa mga oras na iyon. Habang hinihintay ng dalawa ang pagbabalik ni Asher, kinuha ni Glen ang regalong Rubics Cube sa kanya ni Asher noong Pasko. Tuwang-tuwa naman ang bata ng makita niya ang laruan.

            “Ayan, regalo iyan ni Kuya Asher mo sa akin noong Christmas. Siyempre, hindi ko alam laruin iyan kaya ibibigay ko na lang sa iyo,” masayang sabi ni Glen kay Ivan.

            “Talaga po. Salamat po.”

            “Alam mo ba, iyang si Kuya Asher mo. Matalinong tao iyan. Sa bahay niya, makakabasa ka ng iba’t ibang libro. May piano rin siya doon. Alam mo noong bata pa kami, lagi kaming naghihiraman ng laruang iyan pero ni minsan hindi ko mabuo-buo. Samantalang ang kuya mo, ilang minuto lang, buo na niya. Ganoon katalino ang Kuya Asher mo kaya ikaw, mag-aral ka ng mabuti ha,” paliwanag ni Glen kay Ivan. “Yakapin mo nga si Ate Glen,” dugtong pa nito sabay yumakap naman ng mahigpit ang bata. Ilang minuto pa ay dumating na si Asher galing sa pagpapagasolina sa kanyang kotse. Habang nasa daan, hindi pa rin maipinta ang malalagkit na tingin ni Glen kay Asher dahil may lihim itong pagtangi sa binata na matagal na niyang inililihim simula pa noong first year high school sila. Ilang saglit pa ay biglang kinalabit ni Ivan si Glen upang ipakita ang nabuo nitong Rubics Cube.

            “Ate Glen, nabuo ko na po,” masayang balita ni Ivan habang iniaabot ang laruan. Napa-isip naman ng malalim si Glen sa mga kakaibang ipinapamalas ni Ivan.

            “Glen, naalala mo ba noong bata pa tayo. Kagaya ko rin Ivan. Sumasagot na ng mga word and number games, Rubics Cube, at mga brain teasers. Ilang araw mo ring sinasagot ang isang booklet ng brain teasers noon eh. Di ba?” pamukaw sabi ni Asher kay Glen.

ACUITY: Ang Umpisa ng mga MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon