Kabanata XI: Ang Unang Salarin

51 1 0
                                    

4:01 ng umaga; Setyembre 1, 2012; Baler, Aurora

            Maagang nagising si Asher upang makapaghanda sa kanyang biyahe papuntang Cagayan. Habang nagkakape sa kanyang study room, binuksan niya ang kanyang secret e-mail address upang busisihin ng mabuti ang ipinadalang attachment ni Brylle Louie.

            “Ibig sabihin, gusto ng salarin na patayin lahat ng mga nakakaalam ng sikreto para hindi ito mabunyag. 78 na probinsya na lang ang babantayan. Ang kailangan na lang naming makuha ay ang sulat.”

            Nagbihis na ang binata at nag-impake nang ilang gamit. Kanyang ginamit ang mahimbing na tulog ng dalawa upang hindi nila mapasin ang kanyang pag-alis. Bago pa man siya bumiyahe, kanya munang pinuntahan ang kwarto kung saan natutulog sina Ivan at Glen. Nag-iwan siya ng kapirasong sulat na tanging si Ivan lamang ang makababasa. Nilapitan niya ang dalaga at hinalikan ito sa kanyang noo. “Paalam, mahal ko,” bulong nito habang hinahaplos ang kanyang buhok.

            “Asher!” bulalas ni Glen habang naghahabol ng hininga matapos ang isang masamang panaginip. Nagulat naman si Ivan habang tinititigan ang kanyang Ate Glen. “Ate, gusto niyo po ba ng tubig,” anyaya ng bata habang iniaabot ang isang baso ng tubig.

            “Salamat...Sandali, anong oras na?”

            “Alas otso na po ng umaga. Sabi po ni Kuya Asher, i-reheat na lang daw natin iyong niluto niya para sa almusal. Maaga po siyang umalis kasi may ap...po..,” sambit ni Ivan na nauutal-utal pa sa kanyang huling sinabi.

            “Appointment. Sige na, mauna ka na sa ibaba at ililigpit ko pa ang higaan,” utos ng dalaga sabay hinaplos ang buhok ng bata.

            Samantala, nakarating na sa opisina ni SPO1 Makalintal si Asher at agad naman itong kinausap ng pulis.

            “Magandang umaga, Mr. Dela Cruz. Maupo po kayo,” anyaya ng pulis sabay humigop ng kanyang mainit na kape. “Salamat po. Mawalang galang na po pero nakatanggap po ba kayo ng sulat, e-mail, o sulat na nakakalat sa crime scene,” usisa ni Asher bago ito umupo sa isang stainless na upuan.

            “Ito ang e-mail. Natanggap ito ng  biktima sa kanyang selpon bago pa siya pagbabarilin. Kinagabihan, may nahuli kaming mga nakamotorsiklo na may dala-dalang baril na tugma sa basyong nakita namin sa pinangyarihan ng krimen,” paliwanag ni SPO1 habang ibinibigay ang hard copy ng e-mail.

Ang pagtatanim ay minsang nakakapos..... 7sang palay para sa sandamakmak..... 8akit kailangang magpakahirap kung pwede namang gumapas na lang......Dugo para sa iyo.....

“Palay, tatlong tanim, at bituin. Bakit ganoon ang ibinigay na simbolo ng salarin. Hindi kaya sa Region 3 magaganap ang muling pag-atake,” bulong ni Asher habang tinitignan ang papel. “Mr. Dela Cruz, naglaan ng pera si Inspector Tayoto ng dalawandaang piso para magamit mo sa pag-iimbestiga,”sambit ng pulis habang iniaabot ang pera.

“Salamat po,”sagot ni Asher sabay kinuha ang pera.

“Tarlac o Pampanga,” gunita ng binata ngunit bigla niyang naisip ang lahat ng makita nito ang pera. “SPO1, tawagan po ninyo ang tanggapan ng San Fernando City, Pampanga Police Station. Doon po ulit aatake ang salarin.”

Agad na tumawag ang pulis sa istasyon ng nasabing lugar upang sila ay balaan. “Mr. Dela Cruz, may problema po ba?” usisa ng pulis. “Ipapaliwanag ko na lang po kapag nandito na si Inspector Tayoto. Maari niyo po bang ihatid ako sa kinalalagyan ng mga nahuli,” sambit ni Asher bago nito tinawagan si Linda.

“Hello, Linda. Paki-check sa database ng COGITO ang mga nakatira sa Pampanga. Tawagan mo ako kapag nahanap mo na. Kung maaari sana, pakibilisan,” hiling ni Asher sa kanyang tinatawagan.

ACUITY: Ang Umpisa ng mga MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon