Kabanata II: Dilim

162 0 0
                                    

            6:37 ng gabi; Augusto 30, 2012; Makati, Maynila

            Pumasok sa isang dormitoryo ang isang nakaitim na nilalang. Ang kanyang katawan ay may kakisigan; may katamtamang tangkad; at ang kanyang mga kilos ay  kasingtitipuno ng mga sundalo. Agad niyang kinatok ng pintuan sa room 13 at binuksan naman ito ng isang hindi kilalang katauhan.

            Ang silid ay nababalot ng dilim at ang tanging nagpapaliwanag dito ay ang nag-iisang bintana sa bandang kaliwa ng kwarto. Humakbang ng ilang beses ang nakaitim na nilalang at kanyang inilahad ang mga nangyari sa dalampasigan ng Baler, Aurora.

            “Boss, naidispatcha na namin siya,” sambit ng nakaitim na nilalang.

            “Magaling. Ang kinokorner natin, nagpakita ba?” tanong ng isang tauhang nakasumbrero ng itim habang naninigarilyo ng tabako sa kanyang magarang upuan.

            “Opo.”

            “Natutuwa ako at nasusunod na ang mga plano. Magaling. Kung ganoon, magtungo na kayo sa Cagayan upang patayin ang susunod na biktima.”

            “Masusunod po.” Umalis na ang nakaitim na nilalang at naiwan sa loob ang kanilang kinikilalang boss. Tumawag sa kanyang telepono ang huli at agad na sinagot ng isang hindi kilalang boses.

            “Magandang gabi. Nais ko sanang sabihin sa iyo na pakibantayan mo ang iyong minamahal at baka mailibing siya ng wala sa itinakda,”sambit ng huli.

            “Sino ito! Gago ka. Huwag na huwag mong............”naputol na mensahe ng kanyang tinatawagan.

            Ilang saglit pa’y binuksan na niya ang kanyang laptop at pumindot ng ilang letra sa keyboard. Pagkatapos nito, agad-agad na nagpakita ang larawan ni Asher sa screen.

            “Tignan natin kung hanggang saan ang makakaya mo, Dela Cruz,” bulong nito. 

ACUITY: Ang Umpisa ng mga MisteryoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon