Chapter 1
First time pa lang po..Sana magustuhan niyo..
Masungit ang panahon, tinatakpan ng maitim na ulap ang gabing madilim na wari’y nagbabadya ng malakas na ulan. Malamig ang simoy ng hangin na parang may bagyong darating. Kasabay nito ang namumuong tension sa bahay ng pamilya Gonzaga.
“Anong oras na?, gabing-gabi na nasa labas ka pa rin parang wala kang inuuwiang bahay ah!”, galit na sabi ni Mario sa kanyang panganay na anak na babae na si Geline. “kung makapanermon ka akala mo napakabuti mong anak ah!”, pabalang na sagot ni Geline sa ama. “Geline!”, saway ng ina niyang si Gema. “Bakit ma, totoo naman di’ba?, uuwi lang si papa ditto kukuha ng damit, ni wala na siyang oras na inilalaan sa atin tapos kung manatili man siya dito sa bahay, wala ng iniisip kundi ang trabaho niya at parang walang pamilyang inuuwian dito!”, dagdag ni Geline. “Ate! tama na!”, umiiyak na bunsong anak na si Gelli. “Geline! Hindi mo alam ang sinasabi mo. Lahat ng ginagawa ko para sayo para sa inyong lahat! Ang kumpanya, pinipilit kong palaguin para pagdating ng araw ikaw ang magmamana ng lahat ng pinaghirapan ko!”, ang katwiran ni Mario. “Naiintindihan ko ang lahat ng iyan pa pero ang hindi ko matanggap ay wala ka na ngnag oras sa amin ay nakuha mo pang mambabae!”, sabi ni Geline habang umiiyak. Nagulat ang buong pamilya sa sinabing iyon ni Geline. “Anong sinasabi mo Geline? Ganyan nab a talaga kalaki ang galit mo sa akin?”, pasigaw na sabi ni Mario. “Pinipilit ko na hindi na magalit pa, pinipilit kong unawain ka pero wala akong magawa dahil puro galit na ang namamayani sa puso ko!” Pagkasabi noon ni Geline ay pumanhik na siya sa kanynag kwarto kasabay ng malakas na kalabog ng pinto. Umiiyak siya dahil sa sama ng loob sa kanyang ama at parang wala nang puwang sa kanyang puso ang kapatawaran sa kanyang ama.
Naiwan ang tatlo sa kanilang sala na gulat na gulat pa rin sa nangyari. Nagsimula ng umiyak si Gema at pinaakyat ang 13 taon niyang anak na si Gelli. “Gelli, pumasok ka na sa kwarto mo!”, matigas na sabi ni Gema. “Pero ma,…”, hirit pa ni Gelli. “Umakyat ka na!”, pasigaw na sabi ni Gema. Walang nagawa ang kawawang bata kundi ang sumunod sa kanyang ina ngunit lingid sa kaalaman nila na hindi tumuloy si Gelli sa kwarto at nakasilip lamang ito sa rehas ng kanilang hagdanan at nakatingin sa mangyayaring pagtatalo na mamamagitan sa kanyang mga magulang.
Tahimik na naiwan ang mag-asawa, hindi malaman kung sino ang mag-uumpisa. “Hayaan mo akong magpaliwanag Gema!”, simula ni Mario. “Ano ang ipapaliwanag mo? Sige, makikinig ako!”, galit na sagot ni Gema. “Misunderstanding lang ang lahat, yung sinasabi ni Geline kliyente ko iyon!”, pagpapaliwanag ni Mario. “Kliyente? Kailangan nakayakap sayo?”, galit na sabi ni Gema. “Hindi sa ganun! Pero siya ang unang yumakap sa akin!”, malumanay na sagot ni Mario. “At nagpayakap ka naman? Siguro tama ang sinabi ng anak mo na hindi ka mabuting ama pati na rin mabuting asawa!”. Pagkatapos itong sabihin ni Gema ay tumakbo ito paakyat at parang hindi napansin si Gelli na nasa hagdan at umiiyak habang nakikinig sa kanila.
Naiwang umiiyak si Mario at napagtanto niya ang lahat ng mga pagkakamali niyang nagawa sa pamilya. Hindi niya napansin na lumapit nap ala ang bunso niyang anak na si Gelli. “Papa, tama na! Alam ko naman na hindi mo kami ipagpapalit sa iba diba?”, sambit ng umiiyak na bata. Naantig ang puso niya sa sinabi ng anak niya at niyakap ito sabay sabi “Oo, baby hindi iyon magagawa ni papa, pangako ko sayo babawi si papa pagbalik ko sa business trip ko ha!”, umiiyak na sabi ni Mario. “Opo papa, tahan na papa, naiiyak rin ako eh!”, paglalambing ni Gelli. “Gabi na baby, matulog ka na, hatid na kita sa kwarto. Malelate na rin si papa sa flight niya eh. Hatid na kita sa kwarto.”, lambing ni Mario sa anak niya.