Pagkahatid ni Mario sa kanyang anak ay dumeretso ito sa kwarto nilang mag-asawa at himbing na himbing sa pagtulog ang kanyang asawa na halata ang mga luhang tumulo sa basing unan nito. Kinuha niya ang mga inimpakeng damit at isang case na lalagyan ng kanyang laptop at mga dokumento. Suot niya rin ng kwintas na binigay sa kanya ni Gelli noong kaarawan niya. Bago siya umalis ay hinalikan niya ang asawa niya sa pisngi ngunit lingid sa kaalaman niya na gising pala ito at umiiyak muli. Pinuntahan niya rina ng dalawa niyang prinsesa at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Mga alas 12:00 ng hatinggabi nang lumabas siya sa kanilang bahay at napansin niya ang napakalakas na ulan at hangin sa labas. Tinawagan niya ang kumpare niyang sasama sa kanyang business trip. “Hello, Joey.”, bungad ni Mario sa kausap. “O’pareng Mario nandito na ako sa airport, huwag ka nang tumuloy. Kanselado ang flight natin papuntangMasbatedahil sa bagyo. Mabuti pa bukas nalang tayo bumiyahe”, pagbabalita ni Joey sa kumpare. “Hindi pwede yan pre, kailangan natin pumunta ng umaga doon dahil kailangan kong isara ang deal na ito pata maisalba ang kumpanya natin. Tutal mukhang mahina naman ang hangin, kakayanin pa naman siuro nating sumakay ng barko”, sambit ni Mario. “Mamaya hihintayin kita ng alas 2 saBatangasPort.Bahala ka kung pupunta ka pero aasahan kita”, dagdag ni Mario. “Pag-iisipan ko pre”, sagot ni Joey. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay humarurot siya papuntangBatangasPort.Wala naman masyadong traffic kaya nakarating siya ng 1:30 ng madaling araw sa Pier. Kumuha siya ng ticket na pandalawahan para sa kumpare niya at naghintay ng pagdating ng barko. Habang naghihintay ay nagtext siya kay Gema. “Hon, nandito na ako sa Pier papuntangMasbate. Hindi kami nag eroplano kasi kanselado ang flight namin dahil sa bagyo. Babalik ako sa makalawa atsanapatawarin mo na ako sa mga nagawa ko. Pangako, babawi ako. Mahal kita!”, sabi niya sa text. Dahil 2:30 pa ang biyahe ng barko at hindi pa dumadating ang kumpare niya ay minabuti niyang matulog muna.
Pagkalipas ng isang oras ay may tumapik sa kanya. “O, pareng Joey dumating ka na pala. Akala ko hindi ka na darating”, bungad ni Mario. “Sigurado ka bang tutuloy tayo? Malakas pa rin ang ulan at hangin. Nabalitaan ko signal no. 1 na daw sa Batangas”, pag-aalalang tanong ni Joey. “Andito na tayo pare, ngayon ka pa ba aayaw?Tarana!”, yaya ni Mario sa kumpare. “Sige alis na tayo, andyan na pala ang barko”, sambit ni Mario. Nakasimangot na sumakay ang mag kumpare sa barko. Ramdam na ang malakas na hangin na dala ng bagyo dahil sa medyo pag-alog nito paminsan-minsan. “Nakakatakot itong gagawin natin pre”, takot na sabi ni Joey. “kinakabahan din ako pre pero kailangan nating gawin ito para sa kinabukasan ng kumpanya at ng pamilya natin”, matatag na sabi ni Mario habang sila ay nakaupo sa loob ng barko. Nagsimula nang umandar ang barko. Sa una ay kalmado naman ang biyahe dahil medyo tumigil ang malakas na ulan at ang ihip ng hangin ay humina. Ngunit pagsapit ng alas 3:30 ay nagbago ang lahat. Malakas na ang hangin at ulan at hampas ng alon. Malakas na ang alog ng barko at parang sa bawat galaw nito ay tutumba ito. Namamayani na ang kaba sa dalawang magkumpare dahil sa mga sigawan na naririnig mula sa mga takot na mga pasahero. “Pare sinasabi ko na, dapat pala hindi na tayo tumuloy!”, takot na sabi ni Joey. “Wag ka nang manisi, ang kailangan nating gawin ay kung paano tayo makakaligtas kung sakaling lumubog itong barkong ito!”, takot rin na sabi ni Mario. Maya-maya ay nawalan na ng kuryente ang buong barko hanggang sa tumirik ito at mas lalong binalot ang kaba ang dalawang magkumpare. Maraming tao na ang nag-iiyakan at sumisigaw. May mga lumilikas na gamit ang mga lift boats ngunit ang iba ay tumaob din sa lakas ng alon. Unti-unti nang tumataob ang barko hanggang sa magkahiwalay ang dalawang magkumpare. Nagdarasal nalang si Mario nasanaay makaligtas siya at hayaan muna siyang bumawi sa kanyang pamilya. Tuluyang tumaob ang barko dahil sa malakas na hangin at paghampas ng malaking alon sa dagat tanda ng nagagalit na panahon.