Chapter 3

61 2 0
                                    

Kinabukasan, maagang nagising si Gema at tiningnan ang oras sa kanyang cellphone. Napansin niya ang pinadalang mensahe na ikinaiyak niya. Tinawagan niya ang cellphone ng asawa ngunit nakapatay ito. Kinabahan siya at hindi niya alam kung bakit. Inilapag niya ang cellphone sa lamesa at sa hindi niya sinasadya ay nasagi niya ang litrato ng kasal nilang mag-asawa sa lamesa. Nabasag ang lalagyan ng litrato na mas lalong nagpakaba sa kanya. Maya-maya ay narinig niya ang malakas na katok ng anak niyang si Gelli na parang umiiyak at humahagulgol  na. “Mama, mama, labas ka ma, si papa wala na daw”, umiiyak na wika ni Gelli. Nabigla si Gema at nilabas niya ang anak. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ng anak na si Gelli na halos mawalan ng ulirat dahil sa kaiiyak. “Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?”, pagtatanong ng gulat na gulat na si Gema. “Sa TV, may lumubog na barkong papunta saMasbateat ibinalita na isa sa nawawala ay si papa”, walang reaksyong balita ni Geline sa kinakabahang ina. “Diba ma nag-eroplano si papa? Baka kapangalan niya lang ang nasa barko”, pampalubag-loob na sabi ni Gelli. “Anak, totoo iyon, barko ang sinakyan ng papa mo papuntangMasbate”, umiiyak na pagpapaliwanag ni Gema sa anak. “Pasok na po muna ako!”, sabi ni Geline. “Ano? Papasok ka? Ngayong nag-aalala tayo sa papa mo? Papasok ka!”, nagtatakang tanong ni Gema kay Geline.

            “Opo, ano pong gusto niyong gawin ko, tumunganga ditto at maghintay ng balita kay papa?”, pabalang na sagot ni Geline sabay alis. Wala nang nagawa si Gema sa inasal ng anak. Nakatabi sa kanya ang anak na si Gelli at umiiyak. Lumipas ang ilang araw at wala pa ring balita na natatanggap si Gema. Narekober na rin ang bangkay ng kumpare niyang si Joey. Isang lingo ang lumipas at may tumawag kay Gema. “Ito po ba si Mrs. Gema Gonzaga?”, tanong ng hindi pamilyar na boses. “Oo, ito nga. Sino ito?”, sagot ni Gema. “Kayo po ba ang asawa ni Mr. Mario Gonzaga? Staff po ako ng shipping lines na barkong sinakyan niya. Ikinalulungkot ko po ngunit natagpuan pong patay ang inyong asawa at lumulutang sa baybayin ngMasbate. Halos hindi na po siya makilala at tanging mga identification materials nalang po ang nagpatunay na siya iyon. Mabuti po kung pumunta nalang po kayo dito para maconfirm niyo”, paliwanag ng hindi pamilyar na boses. “Sige po, maraming salamat po”, mangiyak ngiyak na sagot ni Gema. Pagkatapos ng tawag na iyon ay halos hindi malaman ni Gema ang gagawin. Tulala at parang wala sa sarili na pumunta sa morgue kasama ang anak na si Gelli. Sinalubong sila ng mga pulis at ipinakita ang nakuhang gamit sa asawa. Ibinigay ang cellphone, wallet at kuwintas na kaagad na nakilala ni Gelli na naging dahilan ng paghagulgol ng bata. Niyakap ni Gema at Gelli ang bangkay ng padre de pamilya at hindi napigilan ang mga kinikimkim na emosyon na itinago ng buong lingo dahil sa pag-asang buhay pa ito. “Papa, bakit mo kami iniwan! Diba sabi mo babawi ka sa amin? Mamamasyal tayo diba”, pahagulgol na wika ni Gelli. “Mario, patawarin mo ako sa ginawa ko. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa iyo bago mo kami iwan. Ang daya mo naman eh!”, umiiyak na sabi ng asawang si Gema.

            Inilibing kaagad ang bangkay ni Mario dahil sa amoy nito at dahil sa mabilis na pagkaagnas ng katawan nito. Ang anak nitong si Geline ay hindi man lang makikitaan ng luha. Ang bunso naman nitong si Gelli at tanggap na ang pangyayari samantalang si Gema ay ilang araw nang tulala at inaalala ang nakaraan nilang mag-asawa simula nang nililigawan siya nito. Noong kolehiyo palang sila ay mabilis silang nagkahulugan sa isa’t-isa. Naging matiyaga si Mario sa panliligaw sa kanya hanggang sa makuha nito ang matamis niyang oo. Nang magtapos sila ay niyaya siya nitong magpakasal at bumuo ng pamilya. Pumayag siya sa nais nito. Nagpakasal sila hanggang sa nagkaroon sila ng dalawang supling,  si Geline na 6 taon ang tanda sa kapatid na si Gelli. Nagkaroon sila ng negosyo hanggang sa lumago at naging isang malaking kumpanya at ditto nagsimula ang pagiging subsob ni Mario sa trabaho at nawalan na ng oras sa kanyang pamilya.

            Larawan sila ng masayang pamilya ngunit nagkaroon ng sama ng loob sa kanyang ama si Geline dahil nakikita niya na parang si Gelli lang ang paborito ng kanilang ama at hindi siya mahal nito. Nagpapa-impress siya sa papa niya. Lagi niyang nakukuha ang pinakamataas na pwesto ngunit hindi niya man lang nakukuha ang atensyon ng papa niya kaya mas lalong lumayo ang loob niya sa kanyang ama. Napabarkada si Geline at gabing-gabi na kung umuwi sa kanilang bahay kaya lagi nalang siyang pinapagalitan at ang ina niya ang tanging sandalan niya.

            Ilang araw nang nagkukulong si Gema sa kwarto at nag-aalala ang magkapatid dahil hindi ito kumakain o kahit umiinom. Inakyat siya ni Geline dala-dala ang pagkain at inumin. “Ma, kumain ka po muna, magkakasakit ka niyan”, bungad ni Geline. “Ayoko, ilabas mo na iyan”, sagot ni Gema. Ibinagsak ni Geline ang pagkain at nagsalita. “Ano ba ma! Si papa na naman ba? Nawala na si Papa, tanggapin niyo na!” “Bakit ganun kadali niyo makalimutan ang papa niyo? Dahil bag alit kayo sa kanya at hindi niyo siya pinapahalagahan?”, sigaw ni Gema. Litung-lito na pumasok si Gelli dahil sa narinig na mga kalabog. “Mama, tama na ma! Kami ni ate nandito lang kami. Hindi ka naming iiwan”, wika ni Gelli sabay yakap sa ina. “Ma, andito pa kami.Sananaman wag huminto ang mundo mo dahil wala na si papa. Hihintayin mo pa bang mawala kami bago ka bumalik sa dati?”, umiiyak na sabi ni Geline. Pagkatapos ng mga sinabi ng kanyang mga anak ay natauhan si Gema at niyakap ang dalawang anak. “Pasensya na kayo mga anak. Hayaan niyo, simula ngayon, ang mga anak ko nalang ang aasikasuhin ko! Kayo!”, nakangiting sabi ni Gema.

Dance with my FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon