Chapter 4

38 0 0
                                    

Chapter 4

Athena's pov

Hanggang ngayon nagtataka padin ako kung bakit andito sa condo ng dalawang mag kamukhang babae na to. At ayun sa mga nakita ko sa condo style, design. Mukhang XYZ condominium to ah. Pero pano ko napunta dito?

Naalala ko naman yung nangyari. Naiiyak na naman ako. Pero pinigilang ko nang may biglang magsalita.

"Uhm. Masarap ba? Haha pasensya na ah. Simpleng adobo lang ang kaya kong lutuin eh." Babaeng may pulang buhok.

"Ang pangit nga ng luto mo eh. Tsk. Pero dahil gutom ako kakainin ko na lang." Sabi nung kamukha ng babaeng may pulang buhok. Pero blue naman buhok netong nagsalita. Ang cute nila.

Saglit silang tumahimik. Kinain ko yung adobo. Ok naman, masarap naman eh.

Nagsalita ulit sila.

"Kambal kame!" Sabay nilang sabi. Napatingin ako sa kanila, nakangiti sila sakin. Obvious naman na kambal sila eh. Bumalik na lang ako sa pagkain ko.

Nakarinig naman ako ng bulung bulungan.

"Ah. Red! Ayaw magsalita eh."

"Baka pipi?"

"Waaah! Wag namang sana ang ganda niya kaya."

"Wag ka ngang malikot dyan!"

Tumikhim ako kaya napatigil sila. Hinarap ko silang dalawa. Nakita kong parehas silang napalunok. Nag peace sign yung nakakulay blue na buhok.

"Sana hindi niyo pinag uusapan yung taong nasa harap niyo diba?" Mataray kong tanung sa kanila. Napayuko naman silang dalawa. Hindi ko alam kung bakit ganun yung naging reaction ko.

Agad akong napayuko ..

"S-sorry." Malamig kong sabi. Ang cold ko magsalita hindi ko alam kung bakit.

Nakita ko silang umangat ang ulo at ngumiti.

"Ok lang. Ako nga pala si Red, Red Adamson. Eto twin ko." Sabay turo nung babaeng pula ang buhok. Na red daw ang pangalan.

"Ako naman si blue Adamson… mehehe! Ikaw ano pangalan mo?" Tiningnan ko sila. Yung pangalan nila kakulay ng mga buhok nila. Ang gaganda nila.

"Ako. Ako si Athena Xy Imperial." Narinig ko silang napasinghap. Malamang kilala nila yung name ko. Ikaw ba naman maging anak ng pinaka mayamang tao eh.

"You mean, ikaw yung anak nila Mr. And Mrs. Imperial? At kapatid ni Papa Xander? Ikaw yung bunso ng royal family? Waaaah!" Tumango ako. Ang ingay naman netong si blue.

"Wait. Eh bakit nakita ka namin sa kalsada? Ano nangyari bakit may dugo?" Napatigil si blue sa kakatili. Napayuko ako, naramdaman kong tumulo na ang mga luha ko. Naikuyom ang mga kamay ko. At umiling iling.

"Wala na sila. Pinatay sila! At pagsisisihan nila na di nila ko naisama!" Cold kong sabi.

"Hindi ko maintindihan Xy." Napatingin ako kay blue.

"Wag niyo kong tawaging Xy. Athena ang itawag niyo sakin." Mabilis naman silang tumungo.

Mabilis tumakbo ang oras. Tahimik lang ako sa isang tabi habang yung kambal kinukulit ako. Ang iingay.

Alam ko na kung panu ko napunta dito. At medyo nakilala ko na sila. Nagkwentuhan kasi kami saglit. Umiyak pa nga sa Blue, dahil sinabi kong patay na si Kuya eh. Seriously? May fan si kuya. Hmp.


Nagpasya kong pumunta sa condo ko. Buti at harap lang ng room ni Red. Nag paalam nako sa mag kambal. Pag pasok ko sa condo dumiretso ko sa kwarto ko at humiga. Tumingin ako sa ceiling. Inalala ko lahat ng nangyari. Naiyak na naman ako pero pinunasan ko agad ang luha ko.


"Simula ngayon ako na si Athena. Papakita ko sa kanila ang isang side ko. Ang side kung saan pagsisisihan mong binangga mo ko. Mom, dad, kuya. Kung nasan man kayo I'll promise that i'll give you your Justice. Papaikutin ko sila sa mundo ko. Pangako yan." Tuluyan na kong napapikit.



**

Kamusta? Haha. Sana ok ka lang. Enjoy reading.

Fearless EmpresssTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon