NICOLLE
Napabangon ako sa kama dahil sa malakas na ingay na nagmula pa sa labas ng aking apartment.
"Hindi ka pa nakakapagbayad ng utang mo Nicolle!Ilang Buwan ka ng hindi nagbabayad ng renta mo!
Ang kaninang tulog kong diwa ay nagising.Agad akong naglakad papunta sa drawer at kinuha ang pambayad saka binuksan ang pintuan at malungkot na ibinigay sa kanya ang pera.
"Kulang pa ito ng isang daan iha".tugon naman niya at inilahad ang palad sa akin.
"Teka lang ho".Sagot ko at nilapitan ang pantalon kong nakasabit lang sa tabi ng drawer.Kinapa ko pa ang bulsa,nagbabakasakaling nanganak yung perang naiwan ditto kahaponkasohindi yun mangyayari.
Alanganin kong kinuha ang limang pirasong bente pesos sa pantaloon at muling lumapit sa pintuan.Pagdating ko sa harap ni aling Sarah ay hinawakan niya agad ang pera pero hindi ako bumitaw.Naghilaan kami don at may pailing iling pa ako hanggang sa tapikin niya ako sa balikat at bigyan ng makahulugang tingin kaya naman napayuko nalang ako at binitawan ang pera.
Agad naman siyang ngumiti "Salamat iha.Sa susunod agahan mo ha!"Paalam niya na may pakaway kaway pa.
Sinara ko nalang ang pintuan at napabuntong hininga.Naligo ako at kumain nalang ng cup noodles saka kinuha ko na ang bisikleta at agad na nagtungo sa maliit na grocery store.
"Magandang umaga Nicolle!"Bati sakin ni Nikki.
"Walang maganda sa umaga, nawala na lahat ng pera ko. Nilamon ng renta." Sabi ko habang papunta kami sa staff room.
"Okay lang yan. Sabi ko naman kasi sayo don ka nalang samen, edi sana wala kang binabayaran."
"Baliw ka ba?Hindi naman ako ganon kawalang hiya saka ayaw kitang istorbohin."
"Ang sabihin mo ayaw mo ng istorbo.Pag isipan mo Ms. Nicolle ang top 1 ng buong school.Youll have a house to stay in,with pagkain and all that you need only for being my tutor."You dont even need one,stop pretending sasabihin ko sana pero naisip kong wag na.
"No." I dont wanna be a burden.
"Oh,wala akong narinig bahala ka diyan sabihin ko kay mama um-oo ka"
"Hoy Nikki tumigil ka,kababayad ko lang ng renta aalis agad ako?Ano ako timang?"
Hinarap niya ako ng nakangiti.
"So ibig sabihin non, mag momove in ka na nexth month?"
"No, makulit ka."
"Eeeh sige na.Ayaw mo ba ng kapatid?"
"Kung ikaw rin lang at ang ate mo wag na."
"Hoy harsh yon!Sige na ampanget nung ate ko mas gusto kita hahhahaha"
"Ayoko!Ganda ka?"
"Oo!"
"Bahala ka diyan!" Binato ko sa kanya yung name tag niya at kinuha ang mop.
"Hoy Nicolle!" sigaw niya pero dumiretso na ako sa loob ng grocery. Kung tutuusin hindi naman niya kailangang magtrabaho nagtataka nga ako kung bakit kailangan niya akong sundan dito eh mayaman naman sila.
Normal day, linis diyan linis ditto lagay lagay ng mga bagong stock ng gamit .Pagod na ako, buti nalang malapit naring matapos ang shift ko,hinihintay ko nalang na dumating si Hershey.May klase pa ako mamaya.
Tumunog yung bell kaya naman agad akong lumingon sa pintuan.
"Welc-"Hindi pala customer,magnanakaw pala .Limanh lalakeng nakaitim ang pumasok at dalawa ang may hawak nab aril.Agad nilang napabagsak ang security guard.
"Tumahimik kayo kung ayaw niyong masakatan! "Sigaw nung isang lalaki at agad namang tumakbo ang mga kasamahan nito upang hindi makapalag ang iba pang customer na nandito.Tinipon lahat ng customer sa tabi ko.
Naistatwa nalang ako sa kinatatayuan ko nang may biglang nanlaban na customer at dahil ditto ay nasaksak siya ng lalaking naka itim.
Ang sino mang magtangkang lumaban ay matutulad sa kanya! Sigaw ng isa at naglakad papunta kay Nikki saka siya binigyan ng isang bag.
"Ilagay mo lahat ng perang laman niyan dito!" Sigaw niya habang nakatutok ang baril sa ulo ni Nikki.
Kita ko ang pagprotesta sa mga mata niya pero nanginginig ang mga kamay niyang sumunod.
Aba!Kung makukuha nilang lahat ang pera rito ay mawawalan ako ng sweldo, baka pati trabaho.
"Wag!"Malakas kong sigaw at agad na nagtinginan sa akin ang lahat.
Nakarinig ako ng halakhak kaya naman medyo kinilabutan ako.
"Anong sabi mo?"Unti unti akong nilapitan ng mistulang lider nila at tinutukan ng baril,dinikit niya to sa nook o at hinawakan ko naman.
"Ang sabi ko wag".Ngumisi siya at humalakhak ulit.Diniinan niya ang pagkaktulak sa baril.
Habang nasa mukha ko ang atensyon niya at wala ng pakialam samin ang mga kasama niya ay unti unti kong ipwinesto ang mop na hawak ko.Nang matantya kong okay na ay hinigpitan ko ang hawak sa baril niya.
Hindi ko alam kung anong katangahan tong gingawa ko pero ayokong mawalan ng trabaho,wala akong pera.
Ginalaw ko yung kamay kong nasa baril niya,tinutok ko sa gitna mismo ng nook o.Narinig ko pa ang pagmamakaawa ni Nikki na itigil ko yung ginagawa ko at ibibigay nalang niya yung pera pero binalewala ko yun.Nasa akin narin ang atensyon nung iba niyang kasama,kita ko pang palapit yung isa pang may hawak ng baril sa likod ko gamit yung salamin.How convenient haha!
"Pull the trigger."Titig na titig ako sa mata niya habang sinasabi ko yon kita ko pang kumunot yung gitna ng noo niya.
Sa wakas ginalaw niya yung daliri niya papunta sa trigger ng baril .Nakatutok ang paningin ko don.
"Sige ba".Pagkasabi niya non ay agad kong tinulak sa ano niya yung mop.Tapos hinablot ko yung baril niya na kanina ko pa hawak, ang tanga naman neto di man lang niya tinanggal yung kamay ko.
Hiniwalay ko yung stick sa mop at binato yun sa kasama niyang nasa likod ko kaya nabitawan niya yung baril at napunta yon sa pwesto ng mga customer.Tinutukan ko muna siya bago utusan ang isang customer na hawakan ang baril.
"Wag kang kikilos."Nagkukunware akong malakas pero isa lang yung namumuo sa isip ko.
Putang ina,pano to gamitin?
BINABASA MO ANG
Lost Memories: Two Worlds
FantasyThe story of people living in two worlds after a separation. They then seek to find their true selves.