Tumingin ako sa mga kaklase ko at halos lahat sila ay tapos ng magsulat.Butil-butil na ang pawis ko sa noo dahil sa pag-aalala na baka mahuli ako.Tumingin ako sa bintana at nakita ko ang mga kapatid ng mga kaklase ko na sinusundo sila.
Hmm..ano ba yan bat wala si ate?!
Pag tingin ko sa paligid ng klase ay ako at si Brylle na lang ang natira.Hala!kailangan kong bilisan.
Kagat kagat ko ang labi ko habang nagsusulat ng mabilis.
Dalian mo,kaya mo yan Mira.Go!
"Ano Mira,matagal kapa ba dyan?"
Tanong ng aking guro na nagpagulat sa akin.Tumingin ako sa kaliwang gilid ko at nakita kong papalabas na si Brylle kaya minadali ko ang pagsulat at binigay na agad ito sa aking guro.Tumakbo agad ako papunta sa pintuan kung saan naghihintay si ate.
"Ano ba yan?!Ang tagal tagal mo!"
"Eh ate.."
"Buti pa yang si Brylle,lalaki pero mas nauna siya sayo!"
Agad akong nanlumo sa sinabi niya at tatalikod na sana ng makita ko si Brylle at ang ate niya na nakatingin sa akin.
Tinitingin-tingin ng mga yan?Eh alam na ngang napagalitan ako,titingin-tingin pa!Tss.
"Halika na Mira,hinahanap na tayo nila Granny"
Sumunod na ako kay ate at inunahan ko siyang tumakbo.Nagtakbuhan kami hanggang bahay.Hingal hingal tuloy kami nang nakauwi.
"Granny!"
Tawag ko kay lola sabay halik.
"Oh meryenda na kayo at alas tres na"
Kinuha niya ang bag namin at pinunasan kami sa likod.Nagsimula naman na kaming kumain.
"Kamusta school niyo?"
"Ayos lang granny,sumayaw ulit kami at nagpractice ng todo."
Napa-irap na lang ako sa sinabi ni ate dahil puro pagsasayaw lang ang alam niya sa buhay.Isumbong kaya kita,hmm!
Pinakita ko ang kamay ko kay Granny.
"Oh bat may bukol na naman yan?"
"Nagsulat po kasi kami ng curve letters granny back to back."
Pa-awa kong sinabi.Kaya naman susugod daw siya sa school bukas at irereklamo ang aking guro pero agad ko din namang pinigilan.
Pagkatapos naming kumain ay pinatulog kami.
Kinabukasan.
"Daaaaad!"
Sigaw ko ng nakitang may doughnut sa lamesa ng kwarto namin ni ate.
Yes!Andito na si Daddy.Saturday ngayon lalabas kami.
"Ate,ate wake up!"
"Hm..."
Ginising ko si ate pero hindi parin siya bumangon kaya pumunta nako sa kwarto ni Daddy.Kinatok ko ang kulay puting pinto nito.
"Daaad?"
Mahabang tawag ko habang kumakatok.
Ah!Baka tulog pa.Makapasok nga.
Pinihit ko ang door knob at hindi ito nakasara kaya pumasok ako.Agad kong iginala ang paningin ko sa malaking kwarto ni Daddy at mahimbing siyang natutulog sa kanyang malambot at puting kama.Lumapit ako sa kanya at kinumutan siya.Umakyat ako sa kama niya ng maingat para hindi siya magising.
Yumakap ako sa kanya at dinama ang kanyang amoy na paboritong paborito ko.
"I miss you dad."bulong ko
YOU ARE READING
Until The Dawn
RomanceMay nakilala akong isang babae na nagparamdam at nagturo sa akin kung ano ang kahulugan ng tunay na pag-ibig.Ngunit isang araw biglang nagbago ang lahat iniwan niya ako.Kaya hanggang ngayon ay naghihintay ako dumaan man ang maraming paglubog ng araw.