Athena's P. O. V.
"Bw-bwahahahahaha!" i laughed very hard. "C-chosen? HAHAHAHAHA! Hatdog" nagiba ang expression ng mukha ko. "Ang korni nung joke nyo. " i sigh saka umiling.
"Hoy! Para sabihin sayo matalino kame! Ha?! At pinili kame bilang isang royal. At dahil kame ang pinili dapat at nararapat lang na tanggapin namin yun! Ha?! Makatawa to. Ano?! ha ano?! Suntukan nalang?!" napatingin ako dun sa Skie.
'Ako ba niyayabangan nito?! '
Lumapit ako sakanya at sinampolan sya
'Nyahahaha. Mayabang ako pero marunong naman akong tumupad sa usapan. Pag suntukan suntukan talaga. Muehehe'
Kaagad namang napaatras yung lalakeng si Skie habang hawak ang putok nyang labi.
"A-anong?!" gulat at galit ang mababakas mo sa mukha nito kaagad syang inawat ng mga kaibigan nya.
"Woah. Ang lakas non Kyle !"
"Astig nga Lhy! " sabi nung kaibigan ni Ace."Tss. " napalingon ako kay Rose. Nakaupo sya at masama ang tingin saakin.
"Op! Op! Op! Di ko kasalanan yun!" Sabi ko umiling sya.
"Teka. Kung totoo nga yung sinasabe ng hangin na to--" naputol ang sinasabi ko ng sumabat nanaman tong hangin na langit
"Hoy hindi ako yun si Collin yun!" di ko pinansin ang sinasabi nya at humarap kay Rose.
"So Totoo nga? Napili ka nanaman?" she look at me then rolled her eyes. "Ano ba naman kase yan?! Bawas bawasan mo nga pagiging matalino mo. Kung ayaw mong mapunta sa mga top jusko lang ha? Maliin mo din kase yung mga pisteng exam ng mga to." pagkasabi ko ay napaupo ako.
'Sobrang talino kase ng babaeng to. Kahit ako nagtataka. Pero okay na alam ko na rin lahat ng pasikot sikot nya muehehe'
"Tss." tanging sagot lang ni Rose.
"Pero teka nga bakit ba gusto nyong mapasama sa Royal. Saka ano yun? I mean ano meron don at pati si Rose pinipilit nyo?" takang tanong ko.
"Royals ang pinaka kinakatakutan ng mga Moorers. When they said Royals. Then it was more powerful than the lectures. Nor students. Masyado ng matagal na panahon ng matapos ang pagpili sa mga Royals. Umabot na ng tatlong taon. Kaya di pu pwedeng tanggihan ang isang ito. Dahil pag nakapili na ang mga director. At di ka pumayag sa pagiging Royals. Paniguradong di ka makakapag tapos ng walang aberya or worst expelled." Paliwanag nung isa ehe. Tumango ako.
"So ibig sabihin pag pumayag si Rose. Wala ng magiging aberya ang pagpasok nya?" takang tanong ko. Tumango naman ito.
"Kung ganon. Anong magiging kapalit kung mapilit ko sya?" tanong ko.
'Syempre dapat may kapalit ehe'
"Mapapasama ka sa Royals" sabi ni Ace. Tumango ako at humarap kay Rose na nakatingin lang saakin.
"Ayoko" madiing sabi nito.
"Bakit? Sinabi ko bang pipilitin kita? Sira. May nalaman lang ako pero bat ko sasabihin sayo? Ehe. " tumingin ako dun sa mga lalake. "Pano ba yan? Mukhang di papayag si Rose. At pag sinabi nyang ayaw. Ayaw nya talaga at--"
"Anong nalaman mo?" madiing tanong ni Rose. I smiled and look at her.
"Konting impormasyon lang at baka alam mo na bakit pag aaksayahan mo pa ng panahon? Sige na. Aalis na ako. Pupunta pa ako ng ibang lugar. Hinanap lang talaga kita para kamustahin. Akala ko patay ka na eh. Sige na babuh!" kaagad akong tumayo at kumaripas ng takbo. Narinig kong tinawag nila ako .
'Pero mabilis ako at wala ng makakapigil sa pag alis ko hshshs'
Nasa labas na ako ng kanilang eskwelahan ng may marinig akong nag uusap bigla akong kinabahan kaya nagtago ako sa gilid may dalawang lalakeng naguusap sa labas nito. At halatang ayaw iparinig sa iba dahil nasa gilid sila.
"Napili sila ng Director kase iniisip nito na baka isa dito sa mga ito ang taong hinahanap nya. Ewan ko ba pero parang kakaiba talaga sila. Para silang may tinatago. Lalo na yung babaeng ano nga ulet pangalan nun?"
"Si Rose Kim. " nanlaki ang mata ko.
'posible kayang si Rose ang tinutukoy nila? Andwae!'
"Ahh oo tama ka. Isa pa yun eh. Kung si Collins lang ang itatapat sa kaniya. Talagang walang mananalo sakanilang dalawa. Pero nakapagtataka na top student sila pero kahit projects and assignments di man lang nila magawa pareho."
"At nasa top list sila at parehong nasa 1st. Nakapagtataka nga yun. Naperfect nila yung exams. At ang mas nakakapag taka. Bakit sila napili ng Director?" sabi nung isang lalaki
"Anong balak nung director sa mga batang yun? Kinakabahan ako sa mga kinikilos ng board of directors. Parang mayroon silang binabalak sa mga to kaya sila ang pinili. Tanda mo pa naman siguro ang nangyari last three years simula ng mawala ng parang bula ang mga pinili nilang Royals? Nakakapag taka na kung kelan Graduating na ang mga yun ay saka sila nawala sa kalagitnaan ng School days. At bigla nalang nagkaroon ng delubyo at pinasarado ang gates ng school. Mas matindi nung pinabukas nila ng Dormitories. Para akong nasa preso. Kaya hanggat maaari gusto ko ng mag resign baka di ko na kayanin ang susunod na mangyayari dito. Marami akong gustong malaman pero. Nararamdaman kong mas magiging delikado kung marami tayong malaman tama na yun. Aalis na talaga ako at hinahantay ko lang ang proseso ng resignation letter ko."
"Di ko alam kung aalis ako dito. Nandito na ang buhay ko Marcus. Andito nag aaral ang anak ko. Hindi ako makakaalis hanggat ayaw nyang umalis. "
"Naiintindihan kita Joseph. Anak mo yan. Kaya sana makumbinsi mo sya. "
"San nga. Tara na. Baka may makakita pa saatin. " marahan akong sumilip at saka sila umalis parang nanlambot ang mga buto ko.
'Rose'
'Hindi pwedeng iwanan ko lang sya dito. Paniguradong may alam na sya. Pero bakit sya... Nagpapatuloy? Kaya ba sya tumatagal? Maldo Andwae! Baka mapahamak sya.'
Dali dali kong kinuha ang Telepono sa bag ko at tinawag ang tauhan ko.
"Hello? This is Athena. May ipapagawa ako saiyo. Lead me the papers i need. Mag papa transfer ako ng school. I need it as soon as possible. Ihanda nyo na rin ang gamit ko. Magiistay ako dito... Nang matagal" i ended the call saka ko inantay ang tauhan ko.
'Di ka pwedeng mapahamak. Alam kong may pina plano ka pero. Paniguradong may nakaratay na patibong sa pinasukan mo kaya hindi. Hindi ako papayag na mag isa ka lang. Sasamahan kita. '
BINABASA MO ANG
Girl In The Garden Of Thorns
Mystery / ThrillerPeople are greedy. she just wanted to live peacefully. but in this judgemental society. how can we live in peace if we judge others. and we doubts our selfs? How can we live happily if we dont know how to accept things that makes us sad ? Why did pe...