First Year: Clarkwaine Nagisaram
"Yehey! Achiever ako! " sigaw ko at sabay yakap kay Sofia, bestfriend ko siya.
"Yey! Congrats! Pasok tayo parehas! " sabi niya.
"Oo nga e. Anyway, laro tayo ng volleyball. Sali tayo kina Ela. " aya ko sakanya
"Sige. "
Tapos nun, pumunta kami sa Gym. Para makipaglaro ng volleyball.
Laro.. Laro..
Hanggang may isang tangang lalaki ang nakatama ng bola ng volleyball sakin.
"Aray! "Sigaw ko.
"Ay sorry, miss. Di ko sinasadya. " sabi niya sabay ngumiti.
"He he he. Sige, okay lang. "Sabi ko sabay abot ng bola.
At naglaro uli ako.
Pagkatapos naming maglaro, umupo kami sa may bench, para magpahinga at magpatuyo ng pawis.
"Pam! Andyan ka pala! " sigaw ni Ate steph, siya yung ka-service at family friend namin yung family niya. Ahead siya sakin ng 1 year.
"Hi Ate! "
"Hello, anyway, Pam, mga kaibigan ko, si Kizia, Ghian at Chelsea. " pakilala niya.
"Hello po. "
"Halika sama ka samin. " hinila ako ni Ate steph.
Lumabas kami ng Gym at nagtungo sa may puno ng Acacia, sa may Elementary Department.
"Dito muna tayo, panoorin natin sila maglaro ng volleyball. " ate Steph.
"Ayiee. Gusto niyang. Mapanood si Baby niya. " pang asar na sabi ni Ate Kizia? Ay mali. Ate Ghian pala. He he he.
May nakita akong 3 lalaking naglalaro, yung si Orven, yung sinasabi nila na crush ni Ate Steph, si Mark Daw, at si Clarkwaine?! Eh siya yung tanga e. Haha hayaan na nga.
Magaling sila.
"Galing talaga ng Pinsan ko! " ate Ghian, she's referring to Clarkwaine.
Natapos sila at umupo sa tabi namin.
"Sino siya? " Kuya Mark ata. Oo, tama.
"Hello, I'm Pam. "
"Oh. Hello! " kuya Orven.
BINABASA MO ANG
All The Boys I've Loved Before
Ficción GeneralThis is my Story. So bare with me. I'm not a Pro-Writer, I'm just trying my best to entertain you. Thanks. ^___^v