"Talia!" agad akong napangiti nang marinig ko ang boses ni kuya Ar habang kumakain ako. Pag lingon ko ay nagtama ang tingin namin. Nasa labas siya ng bahay namin habang kumakatok sa bintana."Huy, kuya!" Patakbo akong lumabas ng bahay at dumeretso sakaniya. "Laro tayo," akay ko sakaniya, nakangiti siyang tumango. Pumunta kami sa likod ng bahay namin kung saan ang castle namin.
"Ano naman ang lalaruin natin?" tanong niya habang umaakyat kami sa treehouse. "Huwag princess-princess, ah?" sabi niya habang umaakyat kami. "Hala, bakit naman?" nababalisa kong sabi. Gusto ko 'yon eh! Wait... Ah alam ko na!
Tumigil ako sa pag-akyat. "May ginawa akong laro," nag baba ako ng tingin sakaniya. "Turuan kita?"
"Osige!" ngiti niya.
Nang makababa siya mula sa hagdan ay sinenyasan niya akong sasaluhin mula sa puno kaya naman tumalon ako. At nasalo naman niya ako.
"Game!" ngiti ko at tumakbo sa kung saan. Puro mga palumpong at iba't ibang uri ng mga bulaklak ang nakapaligid sa amin. Ang ganda! "Kuya Ar!" tawag ko. Nakangiti siyang lumapit sa akin, ngunit napawi ang ngiti naming pareho nang magsimulang umulan.
"Ihhh!!" sigaw ko. Bwisit ka, ulan! "Tumigil ka ulan!" reklamo ko, pero hindi tumigil si ulan. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nakita ko si kuya Ar na matigilan at lumapit sa akin.
"Huy 'wag kang iiyak, Talia," lumuhod siya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang palad niya, sa isang kamay ay hinahawi niya ang ilang hibla ng aking buhok.
"Eh kasi yung ulan," hindi ko napigilan ang luha ko. "Bad ka, ulan!" pinagsisipa ko ang mga damo.
Natawa siyang umiling sakin. "Pwede kaya tayong maglaro kahit umuulan 'no!" nakangiti niyang sabi at tumayo.
Nag angat ako ng tingin sa kaniya. "Talaga?" pinunasan ko ang luha at sipon ko. Ngumiti ako nang makitang tumango siya.
"Yehey!" tumalon ako sa tuwa. Ang galing ni kuya Ar! Yinakap ko siya. "Anong tawag sa ginawa mong laro?" nakangiti niyang tanong.
Kumalas ako sa yakap. "3 steps with you." tinignan ko siya nang may ngiti sa aking mga labi. "Wow. Sigurado akong magandang laro 'yan." nakangiting tango niya.
***
Napamulat ako. Panaginip lang pala.
To be continued...
YOU ARE READING
3 steps with you, R
RomansaTalia Kalani Noong bata pa si Talia ay may kaibigan siya na laging bumibisita sa lugar nila tuwing tag-ulan, ngunit bigla nalang hindi ito umuwi isang araw. Paglipas ng taon ay gustong hanapin ni Talia ang kaniyang kababata. Nang magtanong siya sa...