1

835 12 1
                                    

Chapter 1

"Ma!" tawag ko nang hindi ko mahanap ang pinaka una kong ukulele. Kanina pa ako naghahanap ngunit hindi ko talaga makita.

"Nasaan yung ukulele ko, Ma?" sigaw ko habang nagliligpit ng mga gamit ko sa kwarto. Lilipat na kasi kami ng ibang bahay. Linibot ko ang paningin ko sa maliit kong kwarto. Mamimiss ko 'to. Bigla naman akong nakaramdam ng kaunting kalungkutan sa dibdib.

Dito kaya ako lumaki at dito ko rin nagawa halos lahat ng "firsts" ko sa buhay. Sino ba naman ang hindi magiging emosyonal?

"Hay naku! Hindi ko alam! Andami mo kayang mga gitara," inis na sigaw pabalik ni Nay saakin habang linalagay yung mga pinggan sa box. Natawa ako.

"Ma," lumapit ako sakaniya. "Ukulele ang tawag dun. Magkaiba ang ukulele sa gitara. Mahalaga 'yun kasi 'yun ang pinaka una kong ukulele. Si Tatay kay ang nagbigay sa akin non!" Haplos ko naman sa likod niya.

Napabuntong hininga ako. Nasan na ba yun? Napakamot tuloy ako ng ulo. "Talia!" napatalon ako sa gulat. Lumingon ako sakaniya "Ano po yun, Ma?" kunot-noo kong tanong. Katabi mo lang ako, ha? No need to shout, my dear mother.

"Tignan mo sa attic at baka andoon lang 'yon. Paki kuha na rin yung mga photo albums natin sa taas." utos niya habang nagliligpit ng gamit. Pinaka tignan ko si mama. Napangiti nalang ako bigla.

"Labyu, ma." At bigla ko siyang hinalikan sa pisngi.

Napatigil siya sa pagliligpit at kumunot ang noo sa akin. "Oh? Anong meron? May papabili ka nanaman noh?" natawa ako sa nakabusangot niyang mukha.

"Ma naman! Di ba pwedeng mag I love you dahil mahal kita? Kailangan talaga may ibang rason?" natatawa kong sigaw at dumeretso na sa hallway.

Kinailangan ko pang kumuha ng upuan para maabot yung pintuan sa attic. Hinila ko yon at agad lumabas pababa ang attic ladder.

"Uh" tinakpan ko yung ilong ko pagkatapos kong maubo. Andami namang alikabok dito. Tinaas ko ang paa ko para makaakyat ako. Nang makaakyat ako ay napatigil ako. Marahan kong inilapit ang kamay ko sa balikat nang may maramdaman akong gumalaw.

"Ahh!!" sigaw ko nang may gumapang na gagamba sa balikat ko. "Ahh!! Gagamba! Ma!" Biglang namang kumalabog ang buong attic. Aray! Hinawakan ko ang ulo ko dahil sa sakit.

"Talia!" biglang lumapit si Nay sa akin at yumakap. "Susmaryeosep! Talia naman! Anong nangyari? May masakit ba sayo?" alalang tanong ni mama habang hinahaplos ang mukha ko.

Pinunasan ko ang luha ko. "Nadulas lang po, Nay.." at ngumiti ako sakaniya para mapakita ko na okay lang ako. Bigla naman niya akong pinalo sa braso.

"Aray!" hawak ko sa kamay ko. "Ikaw bata ka ah! Mag-ingat ka naman!" turo niya sa mukha ko. Wow. Thanks for the concern, ha? Etong si nay tinanong ako kung ayos lang ako tapos bigla banaman akong pinalo!

"Mahal mo talaga ako." Ngisi ko sakaniya. Lalo namang umasim yung mukha niya. "Mag-ayos ka na nga ng gamit!" palo niya ulit sa braso ko. "At ingatan mo ang ulo mo!" Shempre pinitik muna niya ako sa balikat bago bumaba.

Napailing ako nang nakababa na siya. Bakit nga ba ako nadapa? Nasan na ba ang gagambang 'yon? Susunugin ko tapos ililibing ko. Shempre ililibing ko pa, mabait ako eh. Dahil madilim, binuksan ko ang bintana para makakita ako nang maayos. Ngunit mayroong kung anong bagay na umagaw sa atensyon ko.

May parang... kuminang? Paglingon ko naman ay may nakita akong maliit na Spongebob tin lunchbox. Nakapatong ito sa itaas ng shelf kaya naman kinailangan ko ulit kumuha ng upuan para maabot ito.

"Bwiset, bakit ko ba naisipang kunin yon?" inis na bulong ko sa sarili habang nahihirapang binubuhat ang upuan papunta sa may gilid ng shelf.

Umakyat ako sa upaan at inabot yung lunchbox. "Ah," biglang kumirot ang ulo ko kaya napatigil ako saglit. Binalewala ko ang naramdaman ko at inabot ko na ang lunchbox.

Tumunog ito nang igalaw ko. Mukhang may laman. Mabilisan akong bumaba ng upuan at tumakbo pabalik sa kwarto ko dahil excited akong malaman kung anong nasa loob ng lunchbox. Hindi ako sigurado kung akin ito dahil hindi naman ako mahilig sa spongebob dati.

Ang cartoon na pinapanood ko lang madalas dati ay ang pink na aso na may binabantayan na matandang babae at lalaki na laging malas. Pero ako lang naman at si mama ang nakatira dito kaya malamang sa akin itong luncbox.

Agad kong linagay ang lunchbox sa desk ko pagkapasok sa kwarto. Ano kaya ang laman? Time capsule kaya ito? Wala akong matandaan na kahit ano tungkol sa lunchox na ito kaya excited ako.

Maraming alikhabok sa taas ng lunchbox dahil sa tagal na hindi ito ginagalaw. Baka mas marami kaysa sa isang dekada na itong hindi ginalaw. Nag-lilinis naman kami ng attic paminsan minsan pero nasa taas kasi itong lunchbox kaya hindi naming ito nakikita ni mama.

Baka kung hindi ko binuksan ang bintana ay hindi ito kikinang at hindi ko ito makikita. Bubuksan ko na sana ang lunchbox nang "Talia!" tinawag ako ni mama.

"Ma, naman! Kumatok ka naman! Nagulat ako sayo!" hawak ko sa puso ko kunwari. Paano kaya ay nasa likod ko na siya at bigla niya akong tinawag. Hindi ko man lang narinig ang pagpasok niya sa kwarto ko. Ano ka, ma? Si courage the cowardly dog sa tahimik?

"May bista ka." sabi niya. "Sino po?" tanong ko naman. Sino ba? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon. Pagkalabas ko naman ng kwarto ay may nahagip akong tao sa sala. Lumaki ang mata ko at napabukas ang aking labi sa gulat. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

3 steps with you, RWhere stories live. Discover now