CHAPTER 2
Apple's POV
"Excuse me! Tabi po! Makikiraan! Wiwuwiwu~" sabi ko habang nakikiraan sa mga estudyante sa hallway. Late na kasi ako, huhu! Yari na naman ako sa prof namin, kaines
It's been a week since that incident happened and THANKFULLY. Hindi na ako napeste ng mga so called 'fans' nila. Well, may ibang nang-aasar sakin. Kesyo sinadya ko daw na matamaan ng bola =__=
Bakit ko naman sasadyain na masaktan ang sarili ko? Utak lang mga dre.
"APPLE VENICE MAE PEREZ!"
O___O
>___<
YARI NA AKO HUHUHU! Dear readers, ihanda ang ballpen at papel. Ipapasulat ko na yung last will ko
"Hindi mo ba alam na 'NO RUNNING IN THE HALLWAY'?" tanong ni prof at mukhang sasabog na sa inis. Trip na trip akong pagalitan nitong prof na to eh "Alam ko po prof." sagot ko at yumuko, huhu nakakahiya!
"Eh bakit mo ginagawa, ha?!?!" inis na tanong ni prof, hindi nalang ako nakasagot. Ma-office pa ako kapag sinagot ko siya dahil pag sinagot ko siya, walang pakundangan ang mga lumalabas sa bibig ko
"Late ka na nga, naglalabag ka pa ng school rule!" sabi nito, bakit di mo ako pahiya sa buong school para masaya, ano po?
"Sorry po, prof." sabi ko
Narinig kong huminga ng malalim yung prof namin, kalmado na siya. Okay na ang lahat, hindi na sasabog ang eardrums ko! Pinapasok na ako ni prof at umupo sa usual place ko, sa likod sa may tabi ng bintana. Lilingon ako doon sa bintana kapag gusto kong inisin yun prof. >:)
Ayaw kasi nyang may tumitingin sa labas or sa bintana kapag trip niyang mag-explain ng bongga sa lesson. Boring naman kasi siya mag-explain, kinareer pa yung pagiging teacher. Tsaka alam ko na naman yung tinuturo niya, matalino yata ito!
Lumingon ako sa bintana at nakita ko yung field ng football. Varisity din siya ng football? Aba, aba.
Nakita ko yung isa sa FB doon, yung si Kevin. Gosh, ang puti niya! Nakakainggit huhu! Kahit ibabad ko yung sarili ko sa aircon at gumamit ng bato pag naliligo ako, hindi parin ako puputi kagaya niya.
"APPLE VENICE!"
Ayy putek. Ano na naman kailangan nitong prof na 'to? Aish. "Bakit po, prof?" tanong ko "MASARAP BANG MAG-SIGHTSEEING SA LABAS?!" sigaw niya
Oo, bakit? Pakielam mo? Hahaha jk lang.
"H-Hindi po." sagot ko at yumuko "Halika dito, Ms. Perez." sabi nung prof at pinasunod ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa football field kung saan maraming football varsity ang nagte-training or naglalaro?
"Ano pong ginagawa natin dito, prof?" tanong ko tapos lumingon siya "Diba gusto mong mag-sightseeing? Nandito na tayo!" sabi niya at naglabas ng dalawang makakapal na libro, teka? Saang lupalop niya nakuha yun? Ahh okay. May dala pala siyang bag.
"Spread your arms." utos niya, teka? PARUSA BA ITO?! "Prof! Wala namang ganyanan!" sabi ko at nag-please ng kamay "Hindi!" sabi niya at pinatong yung dalawang makapal na libro sa dalawa kong kamay. Tig-isa yung kamay ko sa pagbuhat nung makapal na libro
TAPOS MAINIT PA! NAKAKAHIYA DIN KASI NAGKALAT YUNG CHEERLEADERS AT VARISITIES SA FOOTBALL FIELD!
"Stay there. Until my subject is done!" sabi ni prof at tumawag ng isang football varsity, di ko naman nakikita dahil nakatalikod ako sa field. Nakakahiya parin! Iisipin nila 'sino ba yung kawawang nerd na pinarusahan ng prof.' mga ganung kaechusan
BINABASA MO ANG
She Kissed The Ice Prince
Teen FictionSi Apple ay isang simpleng babae or isang nerd sa school nila. Isang babaeng, grades lang ang importante pag dating sa eskwelahan. Ang reputation niya bilang isang mabait na estudyante ay nasira sa hindi inaasahang pag halik sa kanya ng pinaka-sikat...