[C1] Cloud + Mico + Dave + Kevin = Fabulous Boys

69 0 0
                                    

CHAPTER ONE

Apple's POV

"Wooooooo!! Go Kevin Shin!!"

"I love you, Dave Cruz mahal ko!!"

"Ang gwapo mo, Mico Ramos!!"

"Sakin ka nalang, Cloud Valdez!!"

Ayy putek. Grabe namang magsigawan yung mga babae sa gym. Kala mong nagra-rally sa EDSA, kaloka. Sa totoo lang, wala pa nga kami sa gym eh. Papasok palang kami ng gate rinig na rinig na yung mga boses nila.

Oh. Hello, nandyan pala kayo. Ako nga pala si Apple Perez. Full name? Apple Venice Mae Tuazon Perez. 17 years old at nag-aaral sa Black Lily University. Astig ng pangalan ng school namin noh? Hahaha. Anyway highway, tatlo kaming magkakapatid at inaalagaan kami ng tita namin. Nasa States kasi yung parents namin at busy sila sa pagpayaman. Hehehe

Tatlo kaming magkakapatid, tapos bunso ako. Ang pinaka-ate saming lahat ay si Peaches Victoria Mae tapos ang sumunod naman ay si Cherry Vivian Mae at ang huli ay syempre ako. Si Apple Venice Mae.

Ano napansin niyo sa mga pangalan namin? Lahat kami may Mae at pangalan ng prutas mga pangalan namin. Sabi ni mommy kaya daw ganun kasi sa mga prutas na yun kami pinaglihi. Paano kaya kapag sa pakwan ano?

Kami ang Tooty Fruity Family! Yay!

"UHEMJI! Apple, sobrang hot ni Cloud!!" kinikilig na sabi ng bestfriend kong Jenny "Ahh. Okay." sagot ko at inayos yung glasses ko

"Napaka-sama mo, bessie! Hindi ka man lang maki-joy ride sa kilig moment ko eh." malungkot na sabi niya, nag-drama pa talaga siya sa harap ko?

"Eh ano naman sasabihin ko? 'Oo nga sobrang hot niya' mga ganun? Eh hindi nga ka-akit akit yung mukha nung Cloud mo kahit sa harap ng mga magulang ko eh." sabi ko

Nag-pout naman siya "Sungit mo ah. Tara na nga!" sabi niya at hinila ako "Saan tayo pupunta?" tanong ko "Edi sa gym!" excited na sabi niya

"Baliw ka ba? Ayoko nga dun! Ikaw nalang, kaya mo na yan malaki ka na." sabi ko at tinanggal yung pagka-hawak ng kamay niya sa wrist ko

"Ehhh! Sige na please? Gusto ko lang talaga makita si Cloud!" pagpipilit niya "Diba may klase kayo sa Anthro? Makikita mo din naman siya eh." sabi ko

"Varsity nga siya diba? So it means, excused sila sa klase kasi malapit na yung game nila kalaban yung White Rose. To make the long story short, HINDI KO SIYA MAKIKITA MAMAYA!"

Hays. Wala talaga akong kawala dito kay Jenny, harujusko!

"Fine. Tss." sagot ko, I give up. Patay na patay kasi yang si Jenny dun sa Cloud Valdez na yun simula 1st year college kami, ngayong 4th year na kami. Go parin siya ng go kahit alam niyang di naman siya papansinin ni Cloud

"Yay! Aylabyu, Apple!" sabi ni Jenny at tumalon-talon tsaka niyakap ako "Ayheychu." sabi ko

Tumawa lang si Jenny at hinila na ako papuntang gym. Sa totoo lang, ayokong nanonood ng mga lalaki. Hahaha. I mean, wala pa ako sa stage na nagkaka-crush ako sa kanila ganun. Naga-gwapuhan ako pero di pa ako nagkaka-crush.

HINDI NAMAN AKO TOMBOY. Ang akin lang, marami pa naman akong taon para lumandi. Ito namang si Jenny, live while we're young or YOLO ang motto sa buhay.

Humanap ng pwesto si Jenny sa may gilid-gilid. Practice pa lang ng varsity ngayon pero punong-puno na yung gym. Ganun na ba kadami yung fans nila dito sa school? Sabagay, wala pa namang klase kaya wala din sigurong mapagtambayan yung iba.

Yung tambayan ko? Library or yung garden ng school na malayo sa kabihasnan. Gusto ko kasi ng tahimik. Yung walang gumugulo unlike this place, sigawan, takbuhan, etc.

She Kissed The Ice PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon