CHAPTER THREE
Apple's POV
*ring ring*
Napatingin ako sa cellphone kong tumutunog, bumangon ako mula sa kama at kinuha yung phone ko sa bed-side table. Weekend ngayon kaya walang pasok, bored na bored nga ako eh.
Sawang sawa na ako sa kain, tulog, internet chuchu na yan.
"Hello?" sabi ko nung sinagot ko yung cellphone "Si Apple ba 'to?" biglang tanong nung nasa kabilang linya, babae yung boses niya eh hindi ko kilala kasi unknown number
"Oo. Bakit? Sino 'to?" tanong ko
"Pumunta ka sa park malapit sa subdivision niyo. Bilisan mo." sabi niya at biglang binaba yung cellphone, sino ba yung babaeng 'yun? Aish.
Tumayo ako sa kama at nagbihis, ano kaya yung kailangan nung babaeng 'yun sakin? Wala naman akong ginagawang masama ah. Tsaka paano niya nakuha yung number ko? Kinakabahan na tuloy ako.
"Apple. Saan ka pupunta?" tanong ni ate Cherry nung paalis na ako "Diyan lang sa park. Babalik ako agad." paalam ko at lumabas na ng bahay
Naglakad ako papunta doon sa park. Malapit lang naman kasi, nung makarating ako doon may isang babaeng nakaupo doon sa bench at nanlilisik yung tingin niya sakin. Teka? Ito yung--
FLASHBACK
Nagulat nalang ako ng biglang lumapit dito yung Andrea at sinampal ako, shocks! Masakit yun ah! Agad naman siyang pinigil ni Dave at 'concerned' na hinawakan ni Kevin yung pisngi ko
"Fvck! Andrea will you stop that?!" galit na sabi ni Dave
"Stop what? Kung nakakalimutan mo, Mr. Cruz. Fiancé mo ako! At ayokong may mga umaaligid na malalanding babae sayo! Grabe ka naman Dave. Kung manlalandi ka, yung babaeng may class naman!" sigaw ni Andrea at tumingin sakin
Grabe naman. May manners naman ako. :(
"Andrea, shut up and leave." sabi ni Kevin
"Wow. Kelan ka pa naging knight in shining armor ng mga naaapi, huh? Nagba-bagong buhay ka na yata Kevin." hindi nagpapatinag na sabi ni Andrea
Magsasalita pa sana si Kevin pero biglang marahas na hinila ni Dave si Andrea sa braso at lumabas ng clinic
Tumayo ako sa kama ng clinic at mukang nagulat si Kevin "Where are you going?" tanong niya tapos nginitian ko nalang siya
"Nice meeting you Kevin. Ayoko nang lumala ang sitwasyon kaya please, wag niyo nalang ako lapitan sana hanggang dito nalang yung gulong nagawa ko." sabi ko at lumabas ng clinic
END OF FLASHBACK
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, natatakot ako baka kung ano ang gawin niya. Gusto kong tumakbo pero baka mas lalong lumala yung sitwasyon
"Hey." mataray na sabi niya "Paano ka ba nakalapit kela Dave? Nanlalandi ka ba?" dire-direchong tanong niya
"Hindi ko sila nilalandi, Andrea. Hindi ko rin plinano na makalapit sa kanila." sabi ko at napabuga siya ng hangin "Tinatanong ko kung paano ka nakalapit. Hindi yung i-defend mo ang sarili mo. Akala ko ba nerd ka? Hindi naman pala, you're stupid." panlalait niya
"Tinamaan ako ni Kevin ng bola." simpleng sagot ko
"That's it? Lame." sabi niya at nang-irap "Like I said, hindi ako nanlalandi--" "I get it! Wag ka nang mag-defend." sabi niya
"Yun lang ba ang tatanungin mo sakin?" tanong ko
"You know, Apple. I want to slap the hell out of you because you're so damn stupid. I want you to stay away from Dave." sabi niya tapos nag-shrug nalang ako "Kaya ko 'yun. Ayoko naman talaga siyang lapitan eh." sabi ko
BINABASA MO ANG
She Kissed The Ice Prince
Teen FictionSi Apple ay isang simpleng babae or isang nerd sa school nila. Isang babaeng, grades lang ang importante pag dating sa eskwelahan. Ang reputation niya bilang isang mabait na estudyante ay nasira sa hindi inaasahang pag halik sa kanya ng pinaka-sikat...