Night school

310 8 0
                                    

Buong araw ay wala akong ginawa kundi magtrabaho sa bahay.

Buti na lang at ginagawa ko agad ang mga assignments ko pagkagaling sa school kahit pa hating gabi pa ko umuwi. At least di na masyadong tambak ang gagawin.

Di na nga ako masyadong nakakapagbeauty rest e. Buti na lang at pinanganak akong maganda.

Nagbibihis na ko para pumunta na sa school ng bigla na lang pumasok si tita Amanda sa kwarto ko.

"Samantha, next sem mag-oojt ka na diba?" wow bigla atang naging concerned si wicked step-mom sa studies ko!

Dahil sa pagkabigla ay napatango na lang ako ng mahina. But in my heart hopeful ako na sana mabuti ang pupuntahan nitong usapan namin. Never niya kasi akong kinausap regarding sa studies ko.

"So ibig sabihin sa umaga yun diba? Which means wala ka dito sa bahay para gumawa ng mga gawain." She said.

"Opo tita." Nakangiting sagot ko.

"Okay. I see. So simulan mo ng maghanap ng malilipatan dahil tutal wala kang silbi dito next sem ay lumayas ka na. Di ko kailangan ng palamunin dito." dire-diretso nyang sabi.

Tumango lang ako bilang sagot. Pero teka.

Pinapalayas ako?

What??

Wait!!

Ngayon ko lang napagtanto yung sinabi niya sakin.

"Teka tita bakit po? May karapatan naman po ako sa bahay na to dahil kay papa to ah." angal ko.

"Ipinamana sakinng tatay mo ang bahay na to kaya wala ka ng karapatan dito." Mabangis nitong sabi.

"Seriously?" Di makapaniwalang bulalas ko.

"Wag mo nga akong ma-english english bwisit ka! Narinig mo ko. Maghanap ka ng malilipatan mo o sisipain kita palabas dito!" nanggagalaiting bulyaw ni tita.

Tumulo na lamang ang mga luha ko.

Dyos ko naman! Paano na ko?

"Pero tita saan naman po ako kukuha ng pera para lumipat?" Sambit ko ng akmang tatalikuran na niya ako.

"Problema ko pa ba yun?" Ealang pakundangang sagot niya sa akin. "Basta ang gusto ko, pagkatapos nitong sem dapat wala ka na dito. Finals niyo na next week diba? Pagkatapos nun lumayas ka na. O ayan ha pinapatapos ko sayo itong sem para naman di mo isiping malupit ako." Sabi nito saka ngumiting tumalikod sa akin.

Hindi pa siya malupit sa lagay na to? Sabi ko na lamang sa sarili ko. Nakakabaliw! Saan naman ako lilipat? Baka ang ibig niyang sabihin ay sa kalsada na lamng ako tumira!

Nawala ako sa sarili pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni tita Amanda kaya para akong zombie habang papasok sa eskwela. Hindi mawala sa isip ko kung paano ako mabubuhay pagkatapos ng finals.

Lumagpas pa sa yung nasakyan kong dyip. Buti na lang at di pa masyadong kalayuan nung natauhan ako. Wala akong choice kundi maglakad na lamang pabalik habang nag-iisip.

Pagpasok ko ng gate may tumawag sakin. Paglingon ko wala namang tao. Kung sinuswerte ka nga naman. Minumulto pa yata ako.

Lakad takbo na ginawa ko dahil sa takot ng bigla lang may humawak sa kamay ko. Oo matapang ako sa life peri hindi ko naman keri ang makipagpatintero sa multo.

Napakagat ako sa labi ko sa sobrang takot.

Dyos ko Lord! Ilayo mo po ako sa mumu. Nakakaloka to.

Nanginginig na ko sa takot ng bigla na lang may humalagapak ng tawa.

Napakunot noo akong lumingon sa pinanggalingan ng tawa.

My Little Love (Twisted Fairytale)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon