Boys overload

264 8 0
                                    

Umaga na naman. As usual ang aga aga kong nagising para ipagluto ang mga mahal na prinsesa.

Daily routine.

Hay minsa talaga nakakapagod. Lalo na pag wala talagang inspiration at motivation. Di man lang naaacknowledge ang mga effort ko. Buti na lang tanghalian na. At least maiibsan na ang gutom.

Wow ang sarap ng mga leftovers. Susubo na sana ako ng--

"You look so beautiful today.
When you're sitting there it's hard for me to look away...."

May nanghaharana sakin. Siyempre joke lang. Ringtone ng phone ko yun. I can wait forever ng simple plan. Kakantahin din para sakin ni Matty baby yun soon. O awat na Sam. Too much of my kalandian sasagutin ko muna yung tawag ha.

"Hello?" malambing kong sagot. Unknown number kasi. Baka si Matty baby to! Baka may himala na nangyari habang natutulog ako at ito na yun.

["Kailangan ba talagang malandi magsalita kapag sumasagot sa phone?"] si ate Ashley pala.

"Ay ate ikaw pala. Bakit po?"

["Nakalimutan ko yung book ko sa econ dalhin mo dito."] napakaulyanin.

["Tapos magdala ka ng dress ko dahil nadumihan yung suot ko."] narinig kong sigaw ni ate Aira.

["Bilisan mo ah."] dagdag pa ni ate Ashley.

Wala na kong magawa kundi sumunod. Mamaya na lang siguro ako kakain pag-uwi. Nagbihis na ko. Simpleng pants at fitted red shirt tapos red doll shoes ayan okay na. Pero hindi ako si little red riding hood ah?

Pagdating ko sa school dun ko narealize na hindi ko alam kung asan sila. So umupo ako sa isa sa mga benches at nagtext kay Ate Ashley.

To ate Ash

Ate andito na ko sa school pero san kayo banda?

Sent!

"Hi miss. You look unfamiliar. Are you a transferee?" biglang may nagsalita.

Lumingon ako para samaan sana ng tingin ang ponsyo pilatong nagsalita habang busy akong isipin si Matty baby pero nagulat ako dahil isang greek god ang tumambad sakin.

Maputi matangkad at sobrang gwapo at damn super duper HOT!! Shit. I need air. I need air! Give me oxygen. I so need air! Oh my goshhh!!

Those tantalizing blue eyes partnered with thick eyebrows, napakamanly. At hindi lang yun! Perfect yung ilong niyang matangos. Tapos those lips (gulp) thin pinkish kissable lips. Parang gusto kong sunggaban. Oh no! Landi mode on to te!

"Hey it's rude to stare." putol niya sa imagination ko. Feeling ko kasingpula na ko ng kamatis. Nakakahiya. Yumuko na lang ako.

"You're a shy type eh? Haha. Are you a transferee?" tanong niya.

"Ah..uhmm..n-no" bakit ba ko nauutal? "I'm from the night school."

"I see. You're very pretty and uhm sexy." pakiramdam ko ay namula na naman ako. Di ko alam ang isasagot.

"By the way I'm John you are?" sabay lahad ng kamay niya. Napalunok ako sa inakto niya. Gosh! Makakadaupang palad ko siya.

Pinunas ko yung kamay ko sa pants ko namamawis kasi e nakakahiya. "Uhm I-i'm Sa--

"Hoy muchacha asan na yung dress ko? At bakit ka nakikipaglampungan sa boyfriend ko?" si ate Aira yun for sure! Kilalang kilala ko ang mga boses nila.

Hay wrong timing naman.

Pero boyfriend niya si John? What?! Kawawa naman si John. Tsk!

"Ay ate andito po." sabay abot ng paper bag sa kanya. "Ate si ate Ashley po?

My Little Love (Twisted Fairytale)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon