Chapter 2

65 2 1
                                    

Pakealamerong Chowder

Aly's POV

"Oh Ms. Ordanza, ano? Matutulog ka nalang ng mag-hapon dyan sa desk mo? I said bring out one whole sheet of paper!" sita sakin ng teacher ko sa Math.

Napamura ako at bumangon sa desk ko. Tinawanan pa ako ng mga classmates ko pero hinayaan ko nalang. So? Ganito ang eksena palagi. Last period namin ng hapon ang Math. At trip ko talagang matulog imbes na matuwa at maging alive dahil last subject namin 'to bago kami umuwi.

Nilabas ko ang notebook ko sa Math. Sabi niya, one-whole sheet eh, edi mag no-notebook ako. Di naman ako isusumbong ng katabi ko eh, walang pakealamanan samin.

Sinimulan na niyang isulat sa board yung equations. Tinignan ko ang katabi ko at nakita kong mabilis niyang sinagot ang mga equations.

Pasimple akong tumitingin sa papel niya kapag hindi nakatingin ang bruha naming teacher at kinokopya ko ang mga sagot niya. Ani nga nila:

"Look up for inspiration, look down for concentration, and look left or right for more information."

Malapit na akong matapos sa quiz at pangongopya ko nang sumigaw ang isa naming classmate.

"Mam! Si Alysson po! Nagiging giraffe nanaman!" tinignan ko kung sino iyon at nagdasal na sana magkaroon ng sandamakmak na pimples ang mukha niya. Inirapan niya ako.

"Ms. Ordanza! How many times do I have to tell you to stop cheating! Pang-15th time na ito, alam mo ba?! Gusto mo ba na ipatawag na namin ang mga parents mo?!"

Umirap ako. Kinuha ko ang bag ko at mga gamit at naglakad ako papunta sa harap niya.

Nang nasa harap na niya ako, pinunit ko ang isang page na quiz ko sa notebook at nilapag ko iyon sa teacher's table.

"Tapos na ako, mam. Perfect yan." sabi ko at dire-diretsong lumabas na nang sumigaw siya.

"Ms. Ordanza! Wag ka munang umuwi! Kakausapin kita mamaya!"

Tinignan ko ulit siya nang nasa pinto na ako at pinakita ko ang poker face ko.

"Mam, 3:54 na. 6 minutes nalang. Uwian na. Sorry po, advance relo ko eh." at lumabas na talaga ako.

**

Nate's POV

Nagtuturo ang guro namin sa Math ngayon. Halata ring bad mood siya dahil lahat ng mga nagtatanong sakanya ay pinipilosopo niya lang. Pinaglaruan ko nalang ang ballpen ko at tumingin nalang ako sa labas dahil katabi ko naman ang bintana.

Boring rin naman kasi ang Math.

"Hoy ikaw mister na nasa bintana. Anong pangalan mo?" narinig kong sigaw ng guro.

Akala ko naman hindi ako iyon kaya hindi ko nalang pinansin. Hanggang sa siniko ako ng katabi ko.

"Uy ano raw pangalan mo." sabi niya kaya napatingin naman ako sa guro namin. Naka-kunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

"Nate po." sagot ko.

"Please stand." ginawa ko naman.

"Nate po. Nathaniel Jordan Cruz." ulit ko.

"Okay Nate. Since nakatingin ka lang naman sa bintana sa buong period, I assume na alam mo na ito? Kindly go to the board and answer the algebraic expression." utos niya. Bad mood parin.

Napalunok naman ako at sumunod.

Habang nasa harap ako, pinagpawisan ako. Eh ano bang alam ko sa algebra algebra na ito? 7 minutes na ang nakalipas pero wala parin akong equation.

"Pambihira naman oh! Yan ang sinasabi ko sa inyo class! Makinig kasi kayo! Nang hindi kayo tatanga-tanga pag pina-solve kayo sa board! Pambihira naman oh! Alysson Ordanza na nga sa kabila, meron din dito?"

Umupo naman ako sa kahihiyan.

Pero sandali, sinabi ba niyang Alysson Ordanza? Ibig sabihin napagalitan rin siya?

Pagkatapos nito, isang period nalang. Uwian na. Nagdasal ako na sana bumilis na ang oras para maabutan ko si Alysson.

**

Aly's POV

Naiimagine ko palang ang expression kanina sa mukha ni mam e napapangiti na ako. Hindi naman ako umuwi.

Pumunta ako sa garden ng school at sumandal ako sa puno doon. Doon lang kasi tahimik. Walang nagtitiliang mga babae. Walang naglalambingang magkasintahan. At walang mga istorbo.

Pinikit ko ang mga mata ko.

Pagdilat ko, nagulat ako. Nanlaki ang mga mata ko pero saglit lang iyon. Pagkatapos nun, suminghap nalang ako at nagpoker face.

Ano bang kailangan nito sakin?

"Hi." sabi ng lalaking mukhang chowder na ngayon na ay tumabi sakin sa pag-upo. Lumayo naman ako. Ngumiti siya at naglahad ng kamay. Umirap ako.

"I'm Nate. Ikaw?" sabi niya ulit sabay lahad ulit ng kamay niya. Poker face ulit ako.

Ba't ba ang kulit ng lalaking chowder na 'to?

Napansin niyang hindi ako nagsasalita kaya nagsalita ulit siya.

"Alysson, diba? Nice meeting you." sabi niya ulit sabay ngiti. Napa-kunot ang noo ko. Ang kulit! Tanga rin!

Siya yung nagtanong tapos sinagot niya rin. Tanga.

"Sariling tanong mo, sinagot mo." sabi ko. Pokerface.

Tumawa siya. Ano namang nakakatuwa dun? Tinatawanan niya siguro ang sarili niya.

"Sorry... teka... napagalitan ka ni Mam Reniedo kanina, diba?" tanong niya. Mahilig ba talaga siyang ngumiti? Naiirita ako.

At teka, paano niya nalaman yun? Eh hindi ko naman siya classmate.

"Hoy ikaw, pakealamerong chowder ka, wag mo ngang pakealaman ang buhay ko. Di tayo close." sabay kuha ko sa bag at gamit ko.

Linayasan ko siya dun. Naiirita ako sakanya. Naiirita ako sa mukha niya. Naiirita ako sa ngiti niya.

Her Damn, Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon