Chapter 3

49 2 0
                                    

Hindi Titigil

Nate's POV

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Eh gusto ko lang naman siyang makilala eh.

Wag mo ngang pakealaman ang buhay ko. Di tayo close.

Paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang sinabi niya.

Nawala nalang iyon nang may tumapik sakin sa likod.

"Bakit?" tanong ko kay Brian. Kapatid ko na mas nagmumukha pang Chowder kesa sakin. (Ewan ko ba kay Alysson!)

"Kumakain ka ba ng agahan mo o hindi? Bilis na! Male-late na tayo!" sabi niya habang inaayos niya ang kanyang coat.

"Oo na kuya! Basta mauna ka na sa sasakyan! Susunod na nga ako!"

"Bilisan mo." sabi niya at umalis na.

**

Pagdating ko sa school, inabangan ko kaagad si Alysson. Kaya ang nangyari, kunwaring papasok na ako pero nang umalis na si kuya, naghintay ulit ako sa gate ng school.

Asan na ba siya? Tinignan ko ang relo ko. 7:45 na. 8:00 nagsisimula ang flag ceremony namin.

Naghintay pa ako. Nagtago ako habang nagf-flag ceremony sila. Tinignan ko ulit ang relo ko. 8:30 na! Alysson, nasan ka na ba!

Nasa classroom na ang mga estudyante habang ako nandito parin, mukhang tanga. Hay Nate! Bakit ba hinihintay mo pa si Alysson?

Saktong papasok na ako nang makita ko siya sa gate. Tamad na naglalakad. May sinabi pa sakanya ang guard pero umirap lang ito. Tinignan ko siya habang nagtatago ako. Medyo magulo ang buhok niya. Hindi ito straight pero hindi rin ito kulot. Sakto lang. Hindi rin siya naka-necktie. Kaya nga nagtataka ako kung bakit pinapasok siya nung guard eh NIPU siya. Dumapo ulit ang tingin ko sa mukha niya. Walang kaartehan. Walang pimples. Maputi. Plain. Plain pero mala-anghel. Anghel ang mukha pero sadista. Yung noo niyang laging naka-kunot.

Nagulat naman ako nang dumiretso siya sa garden at hindi sa classroom kaya sinundan ko siya.

**

Aly's POV

"Alysson ah. Namumuro ka na. Pag di ka pa pumasok ng maaga bukas, isusumbong na talaga kita." sinabi sakin ng kalbo na guard namin.

Umirap nalang ako at di nalang siya pinansin. Para namang may pake ako. Edi sana noon pa niya ako sinumbong. Hindi ko naman siya pinipigilan.

Dumiretso ako sa garden. Ayoko munang mag-klase ngayon. Masyado pa akong inaantok. Si Arjen naman kasi eh. Pinilit pa akong gumising. Edi sana hindi na ako pumasok.

Nilapag ko ang bag ko sa puno at hinigaan ko iyon.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko nang may nag-ingay.

"Alysson." tinignan ko kung sino ang istorbong iyon at nakita ko ang lalaking chowder na nakausap ko kahapon. Nag-poker face nanaman ako at bumangon.

"Wag kang humiga ng ganun. Nasisilipan ka." sabi niya at tumabi siya sakin.

"Wala kang pake sakin." sabay tayo ko.

"Hindi ka ba papasok? Nagcu-cutting ka nanaman."

Pakealamero talaga. Eh siya nga rin nandito e.

"Ano bang pake mo? Hindi tayo magka-ano ano at mas lalong ayoko sayo. Kaya pwede ba?" sagot ko at tumalikod na para maka-alis.

Tss. Papasok nalang ako kesa magsama kami ng chowder na 'to.

"Alysson! Pwede bang makipag-kaibigan?" sigaw niya. May ngisi namang namuo sa labi ko. Siya? Kaibigan?

Tumigil ako sa paglalakad at dahan-dahan ko siyang hinarap.

"Hindi." at nag-poker face ulit ako.

"Bakit naman hindi?" tanong niya ulit at lumapit sakin.

Ba't ba sobrang kulit ng lalaking 'to?!

"Hindi ako pala-kaibigan. At ayoko rin sayo. Ayoko sa inyo." bored kong sinabi.

Wala akong kaibigan. Ni isa, wala. Kita naman siguro sa ugali ko, diba. Pero okay na ako dun. Ayoko na masyadong may nakikialam sa buhay ko.

"Pero gusto kitang maging kaibigan."

"Ako, hindi." at tumalikod na ulit ako para pumasok.

"Alysson Ordanza! Hindi ako titigil hangga't hindi ka nakikipag-kaibigan sakin!" sigaw niya.

Pinaikot ko nalang ang mga mata ko at binilisan ang pag-lakad.

Para namang masisindak ako sayo. Tss.

Her Damn, Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon