Chapter 1

86 2 0
                                    

Ang Panyo

Aly's POV

"Hoy Alysson! Wag ka ngang epal dyan! Tabi!" sita sakin ng isang classmate kong feeling maganda at malandi. Nanonood kasi siya ng basketball game ng di umano'y crush niya nang tumayo ako sa gitna, blocking her view, to her dismay.

Actually, di naman ako nanonood, gusto ko lang inisin 'to. Kaya di ko siya pinansin... hanggang sa pumunta siya sa harap ko.

"Ano ba! Di mo ba ako narinig?! Namimihasa ka na ha!" banta niya sakin with matching monster eyes na hindi ko naman pinatos. Bored akong tumingin sakanya at huminga ng malalim.

"Dami mo pang satsat. Tabi nga." at tumayo ako at sinadyang binunggo siya kaya napa-upo siya sa semento. Tumili siya at hindi pa naka-tayo.

Lalagpasan ko na sana siya para umalis pero hinila niya ang palda ko. Malas lang niya kasi hindi naman ako lampa. Hinila ko rin iyon kaya naface-to-face niya ang semento. Pasalamat siya dahil kaming dalawa lang ang nanonood dito dahil kung hindi, baka siya nanaman ang magiging 'talk of the school' namin.

Ngumisi ako nang nakita kong naka-subsob parin ang mukha niya. Pinagpatuloy ko na ang paglalakad ko nang marinig ko ang sigaw niya.

"Alysson Ordanza! Tangina mo! Pagbabayaran mo 'to! Lahat na sana ng kamalasan sa mundo masalo mo!"

Lahat ng kamalasan sa mundo? I smirked. Eh nasa akin na nga ang lahat ng kamalasan eh. Wala naman akong hinihingi pero patuloy parin nila akong binibigyan.

**

Nate's POV

Laglag parin ang panga ko habang tinitignan ang babaeng naka-handusay sa gitna ng bleachers. Unti-unti na siyang tumayo at pinagpag niya ang palda niya at pati na rin ang blouse niyang madumi.

Hanep yung babae kanina ah! Ang astig! May galit ba siya sa mga babae at ganun na lang ang ginawa niya sa babaeng ito?

Pinuntahan ko ang babae na ngayon ay nagpupunas ng mukha.

"Hi. I'm Nate." sabi ko sabay ngiti. Tinignan niya ako at kumunot ang noo niya.

"Balak mo talagang magpakilala sakin habang ganito ang hitsura ko?" sarkastiko niyang sabi sabay irap at pinagpatuloy niya ang pag-punas sa mga braso niya.

Ang sungit naman nito! Aba, eh dapat lang pala na ginawa niya yun!

"Nakita ko yung ginawa sayo nung babae kanina..."

Umangat ang tingin niya sakin at umirap ulit siya.

"So? Nandito ka para pag-tripan ako? Edi go."

Ang sungit talaga! Pasalamat ka maganda ka!

"Anong pangalan niya at bakit ang laki yata ng galit niya sayo?" tanong ko.

Ngumiwi siya at tumingin sakin.

"Ano bang pakealam mo?! Unang una sa lahat, hindi kita kaano-ano."

"Schoolmate mo ako."

Umirap ulit siya at natahimik kaming pareho.

Tinitigan ko ang mukha niya. May mga duming hindi pa natanggal. Kinapa ko naman ang panyo ko sa bulsa at inilahad ko iyon sa harap niya.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Pamunas mo, malamang." Umirap siya pero kinuha niya ang panyo.

"Ano nga ang pangalan niya?" tanong ko ulit. Tinigilan naman niya ang pag-punas sa mukha at bumaling siya sakin.

"Bakit ba ang chismoso mo?"

"Ano nga?"

Napa-buntong hininga siya.

"Alysson. Alysson Ordanza."

"Ang ganda naman ng pangalan niya."

"Yeah, right. Kung anong ikina-ganda ng pangalan niya, e yun ang ikina-pangit ng ugali niya." sabi niya.

Hindi ako nagsalita.

"Sana nga mamatay na lang siya, no? Para naman mabawas-bawasan ang mga problema sa mundo."

"Ano bang problema niyo?"

Ewan ko ba kung bakit ako nacu-curious dito kay Alysson. Dahil siguro ang angas niya?

"Wala samin ang problema. Nasa kanya. Sige. Mauna na 'ko. Salamat sa panyo." sabi niya at naglakad na.

Pero bago pa ako tumalikod eh tinawag niya ako. Lumingon naman ako.

"Trina."

"Huh?" Trina? Anong Trina?

Nakita kong ngumiti siya.

"Trina ang pangalan ko. Nice meeting you, Nate." at umalis na siya.

Habang papauwi ako ng bahay, napa-isip ako sa nasabi ni Trina.

"Wala samin ang problema. Nasa kanya."

Ano bang problema ang sinasabi niya?

Her Damn, Cold HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon