Chapter 3

9 0 0
                                    

The rest of the day went by slowly.

Kapag hindi terror ang teacher,

Lumilipat ako sa tabi ng best friend ko.

Baka kasi may magawa pa akong karumal-dumal sa lalaking yun.

Ambagal ng araw ko ngayon,

Boring kasi. tsk.

Hanggang sa dumating ang pinaka-hihintay ko,

Dismissal na!

Yeeeah!

Syempre magkasama kami ni Fat at iba pa naming Abnormal na kaibigan. Sila CD, Diane at Philip. Sa kasamaang palad, Napad-pad sila sa ibang section dahil nga sobrang gulo namin last year noong kami ay mga Sophomores pa lamang.

Chaka! Makata masyado. haha! ^^

Kaya ayun,

Ngayong Juniors na kami,

Pinaghiwa'hiwalay kami.

kaya tuwing uwian na lang kami nagkaka'sama.

pero hindi namin maiwasang man-trip.

Ngayong magkakasama na kami,

Deretso kami sa gate para mag-abang ng tricycle...

hindi naman sa wala kaming mga magagarang sasakyan,

mas masaya lang talaga kapag sama-sama sa tricycle.

mas maganda ang bonding,

at mas lumalabas ang aming kaabnormalan.

"Maaga pa, San tayo?" tanong ni CD. Cristine Dianne, Ang pinaka-bata saamin. Bata talaga. 13 years old. halos isang taon ang agwat namin. Ewan ko ba kung bakit 3rd year high school na yan.

"Gamezone tayo" Sagot naman kaagad ni Philip. The only boy sa barkada at ang pinaka-matanda. Malapit na mag-sweet sixteen yan eh. haha. Pero isa sa may-pinaka'batang isip sa 'min.

"Sige!" Sigaw ni Diane. Ang pinaka'Makulit sa barkada. Pag nagsimula nang magtanong yan, Hindi titigil hangga't hindi mo nasasagot ang tanong niya. Pero pag tumawa yan, Jusme! wala ka nang maintindihan sa pinag-sasa'sabi nyan.

Sila lang ang natatakbuhan ko kapag buhat ko ang mundo. choss.

Totoo nga ang kasabihan..

'Mawala na ang taong minsan kong minahal,

Wag lang ang mga kaibigan kong ABNORMAL.'

At sila lang din ang nakaka'alam ng totoong ako. lahat ng past ko. basta lahat!

Tama nang chorvabelles yan. Naluluha na 'ko eh.

Charot!

Ayun nga. Nasa GameZone na kami. Dito lang naman kami nagpupunta kapag maaga ang uwian eh.

Bumili na ako ng limang token.

Ako lang naman ang laging gumagastos dito eh!

Kumuha si Philip, Diane at Fat ng tig-iisa nila.

At syempre dalawa kami ni CD sa humpty dumpty. Haha! Kambal yata kami noh.

(Kambal kasi magkamukha. pero walang blood relation)

Naubos yung mga token namin, Bumili ulit kami hanggang sa magkanda ubos pera namin at pamasahe nalang ang matira.

Ganito kami lagi.

Masaya.

Walang ibang iniisip.

at syempre

ABNORMAL! Hahahaha.

hanggang sa

6:30pm na.

Tokwa't baboy!

Gabi na!

Naglakad na kami palabas ng GZ at naghiwa-hiwalay na ng sasakyang tricy para mabilis makauwi.

Pero ako.

Sa Jollibee muna.

para bumili ng pagkain, Malamang!

Wala kasi akong kasama sa bahay ngayon, di rin naman ako marunong magluto.

I swear, last time nagluto ako ng insant noodles, Sunog!

May pinuntahan mga pinsan ko.

Sila lng kasama ko sa bahay eh.

Parents ko kasi, Nasa dubai nagta'trabaho. haaay..

miss ko na sila.

Nagorder ako ng spaghetti, coffee float, champ at fries.

Takaw! haha.

Pagkakuha ko ng orders ko. Naglakad na 'ko pauwi. Sa likod lng naman bahay namin eh.

Nakarating rin ako sa bahay.

Binuksan ko yung gate,

at pumasok na sa loob.

Nilapag ko na lang muna mga pagkain sa mesa.

di pa naman ako gutom eh.

Dumeretso na ako sa kwarto at tinanggal ang blouse ng uniform ko.

Opkors may sando! haha.

sabay biglang.

~i Love You

baby I'm not a Monster.

Neo al-janha

yejeon nae moseubeul

shi-gani chinamyeon

sarajyeo beorit tende

keu ttaen at tende baby.~

yaha! Bigbang ringtone ko. bwahaha! I love T.O.P!

Eksaherada!

Sino kaya tong mokong na to? Hindi nka save ang number eh.

Naah. sinagot ko na lang yung tawag.

"Hello?"

'Jazz?'

"Ako nga. bakit po?"

Chossera. Ang galang ng galunggong ah. haha.

'Miss na kita'

Jusme.

Tang na orange!

Mamatay man si batman.

Bakit tumutugudugs my heart ako?!

Online CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon