Hindi ako siya.
Iba ako sakanya.
Magkaiba kami,
Kaya wag mo akong ikukumpara sakanya.
Kase, hindi ako maging sya,
At mas lalong hindi siya maging ako.Simula nung dumating at nkilala mo sya,
Lagi nalang tayo nag-aaway.
Palagi mo pang bukang bibig na,
Buti pa sya, mabait.
Buti pa sya na iintindihan ako.
Buti pa sya, may pake sakin.
P*t@, Buti pa sya.
Ilang beses ko bang uulitin na hindi ako sya?Ang sakit! Sobrang sakit na ikukumpara ka sa iba.
Kailangan mo ba talagang ikumpara sya sakin?
Na kahit alam mong hindi sya magiging ako,
At lalong hinding hindi ako magiging sya.Kaya napa isip ako nalang ako.
Bakit sya pa? Nandito naman ako ah?
Kulang paba yung presensya ko?
Na nakaya mo akong palitan ng ganun ganun nalang?Paano na yung ikaw at ako?
Kung sya na yung pinalit mo sa pwesto ko.Sya na ngayun mo lang nakilala.
Ako na matagal mo ng nakilala
Sya na dinamayan ka lang.
Ako na nanatili kahit ang sakit sakit na.
Sya na. Samantalang ako? Na e-chapwera mo na.Pero sya pa din yung pinili mo.
Ako yung iniwan mo.
Pero isa lang yung pinag-sisihan ko,
Yung pinaglaban kita, habang ako sinusukuan mo na.Mali yung ikukumpara mo ako sakanya.
Dahil hinding hindi sya mgiging ako.
Ibang iba kami.
Kaya kung mahalin mo sya,
Siguraduhin mong, hindi mo nakikita yung presensya ko sakanya.
Dahil hindi ako sya.