Chapter 2. The Princess

19 2 0
                                    

---

Paglampas ko sa kinakalawang na gate ng school ay pumasok ako sa building na puno ng graffiti art ang bawat dingding pati ang mga locker ay hindi pinalampas ng mga kumag.

Lumiko ako sa pinakadulo at umakyat ng hagdan papunta sa second floor, nakita kong nakatambay sa labas ng room ang ilan at kung ano ano ang pinag-uusapan habang nagyoyosi

"Hime" bati saakin ng lalaking si ano bang nga bang pangalan nito ah si Tin-Tin

I don't know why he chose that name Tin-Tin it's sounds like virgin name.

Nang marinig ng iba ang boses ni Tin-Tin ay nagsilingunan sa gawi ko ang iba at ang iba naman ay walang paki-alam at tuloy-tuloy lang sa kanilang ginagawa.

Maangas akong tumango sa kanila at taas noong naglakad sa gita ng hallway.

"Good morning Hime" naramdaman kong may lalaking sumabay saakin. Green

"Dalawang araw kang nawala ah" si Ralph

"Yo!" -Eric

Dalawa pang lalaki ang biglang sumabay saamin sa paglalakad gayon din ang ang ilan pa sa aking likuran patungo sa aming classroom.

"Kanina pa kami naghihintay sayo" -Vice

Pinagtititnginan kaming lahat ng ibang mga tao sa paligid pero wala kaming pakialam

"Hime uniform mo" iniabot saakin ni Tres ang itim na coat agad ko itong kunuha mula sa kaniya. Hinawakan ko ang kwelyo nito at ipinaikot sa hangin at isinampay sa aking balikat

Nagpatiuna ang dalawang lalaking magkapatid sa amin

"Tabi!" sigaw ni Uno sa mga lalaking nakaharang sa daan

"Hah!" siagw ng lalaki pero agad namang kinuwelyuhan siya ni Dos

"Lalaban ka?! Huh!" matapang na turan ni Dos habang nanlalaki pa ang kaniyang mga mata.

"Dos!" awat ko kaniya

"Tsk" tinanguan ko siya at sinenyasang magpatuloy.

Malakas na binitiwan niya ang kwelyo ng lalaki na hindi ko alam ang panagalan dahilan upang bumangga sa pader at mapa-upo sa sahig. Masama niyang tiningnan ang lalaki bago muling magpatuloy sa paglalakad.

Tila ba nag-slow motion ang aming kilos at sinamahan pa ng maangas na background music ang eksena namin habang naglalakad sa hallway patungo sa aming destinasyon.

May nadadaanan kaming nag-aaway sa isang bakanteng room habang nakapalibot sa kanila ang mga unggoy na kauri nila at parang may nagaganap na sabong.

Matapos ang isang makabagbagdamdaming entrance ay nakarating kami sa aming classroom.

Naabutan kong maiingay ang mga ito at naglalaro sila ng baraha, ang iba ay maingay na nagku-kwentuhan ang iba naman ay boring na boring naka-upo at nakataas pa ang paa ang iba naman ay tamang yosi lang habang nakupo sa may bintana.

"Yo!"

"Hime"

"Kamusta"

Bati nila ng ng makita ang pagdating namin. Nakisali naman ang tatlong magkakapatid sa naglalaro ng baraha

"Sali kami!"

"Wag na madaya kayo!"-

"Dalawang araw ka ng absent ah" si San, siya ang pinakamatanda sa classroom namin bente singko na ito at loyal na loyal ito dito sa school dahil ayaw niya pang umalis.

"Taekwondo lesson tay" simpleng sagot ko

Tumango lang ito at nanatili sa tabi ko. Siya ang nagsisilbing senior namin minsan tawag namin sa kaniya ay taytay or tay dahil siya ang pinakamatanda saamin.

Reign of the Gangster's PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon