i.

12 1 0
                                    

Nasaan ako? ang tanong ng binata sa sarili niya, inikot niya ang kanyang paningin sa paligid. Napapalibutan siya ng matataas na mga puno, may mga huni ng ibon sa di kalayuan.

Nagsimula siyang maglakad, the dead leaves underneath him made plenty of crunching sounds. It was a little foggy but he could see a glimpse of river not far away from him. The sound of the water rushing was more audible as he went nearer.

Nananaginip lang ba ako? Napalingon siya sa kaliwa niya nang may narinig siyang hagikhik ng isang babae. Para bang may naaninag siyang puting bestida na biglang kinain ng hamog.

"Marcus!"

Hindi niya mahanap kung nasaan o kanino nanggagaling ang boses na iyon. Pero ang sigurado siya ay babae ang tumawag sa kanya. Sa hindi malamang dahilan bumilis ang tibok ng kanyang puso. Patuloy pa rin ang hagikhik na naririnig niya sa di kalayuan.

"Sino ka?!" pasigaw na tanong ni Marcus, nakarating na rin siya sa gilid ng ilog. "Magising ka na Marcus, kailangan mo pang pagbayaran ang kasalanan mo." anong pinagsasabi ng babaeng to? nalilito na ang binata.

Nanatili lang na nakatayo si Marcus sa tabi ng ilog, nakatuon ang pansin niya sa mga sanga na sumasabay sa agos ng tubig. Humupa na rin ang hagikhik ng babae, baka guniguni niya lang iyon. Yumuko siya para tingnan ang repleksyon sa tubig ngunit wala siyang makita. Tanging malinis lang na tubig. Bakit wala?!

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso niya, para na siyang mabibingi. Namimilipit na rin ang kalamnan niya sa kaba at takot. Dumapa siya sa gilid ng ilog at sinubukan uling tingnan ang tubig. Wala pa rin. Dahan dahan sinawsaw ng binata ang kamay niya sa malamig na tubig.

Unti unting umiitim ang tubig na kung saan ibinabad ni Marcus ang kamay niya. Buhok, makakapal na hibla ng buhok ang lumulutang paibabaw. "Aah!!" aalisin na sana ng binata ang kanyang kamay nang may daliring mahahaba at maputla ang kulay ang pumulupot sa pulsuhan niya.

Sa isang iglap ay nahatak ang binata sa ilog sa kabila ng pwersahan na paglayo ng kamay sa tubig. Hindi siya makahinga. Sinubukan niyang sumigaw sa ilalim ng tubig ngunit napasukan lang ang baga niya ng tubig. Malalamig na mga braso ang yumakap sa kanya. "Hindi ka pa pwedeng mamatay, Marcus."

Nagkaroon ng sigla ang itsura ng nobya ni Marcus nang dumilat ang mga mata ng binata. "Nurse! gising na siya!" kumaripas ng takbo ang dalaga palabas ng silid ni Marcus. Inikot ikot ng binata ang mata niya, puro puting dingding ang bumulaga sa kanya.

Nilalamig pa rin siya, na para bang nanggaling siya sa tubig at panandaliang nalunod. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatitig sa kisame.

KerubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon