iii.

7 1 0
                                    


May iniwang sulat si Hana para kay Marcus na nakapaskil sa refrigerator nila gamit ang de flower na magnet. Nakasaad sa note ay gagabihan ng uwi ang nobya niya dahil mag oovertime siya, to make up for the days she missed.

Inaantok na binuksan ni Marcus ang ref at kumuha ng gatas na nasa karton. He drank straight from it, he just stood against the sink as he pondered about what he should do. Suddenly, the telephone in the living room rang loudly.

Iniwan ng binata ang wala nang laman na karton ng gatas sa hapag at pumunta sa sala. Sinagot niya ang tawag. "Hello?" saad niya. May kaluskos sa kabilang linya na hindi niya maintindihan. ".. Akala mo makakatakas ka sa kasalanan mo?" mahinahon ngunit nakakapagtayo ng balahibo sa batok ang boses na nanggaling sa isang babae.

The call went static when Marcus roughly slam the telephone to its place. Gulat ang nasa itsura niya. What the? Tinitigan niya ang telepono ng ilang minuto. It was the same girl, same goddamn girl who kept haunting his sleep.

Dahil sa babaeng iyon, minsan nagigising siya ng madaling araw at naliligo sa pawis. Mabuti na lang at hindi nagigising si Hana. Hindi na ito biro. Who the hell was that girl? Anong ibig sabihin niya sa kasalanan? kasalanan ko? Marcus pondered. Ano naman ang nagawa ko? His head throbbed when he tried to think hard.

". . Fuck." bulong niya sa sarili, tinalikuran niya na ang telepono pero muli itong tumunog. Wag mong sabihin na siya to uli? "Ano bang kailangan mo?" naiinis na saad ni Marcus. This time, it was a different voice. More deep, it was a man. "Woah, tol! Kagagaling mo lang sa ospital at ganyan ka na? akala ko magbabagong buhay ka na." pagbibiro ng nasa kabilang linya.

Naguluhan saglit si Marcus. "Sino ka nga uli?" tanong ng binata. "Oh shit, totoo talaga yang amnesia mo tol?" may halakhakan na naririnig si Marcus. "Oo nga, sino ka? Baka maalala kita." natawa ang lalakeng kausap niya. "Tol, I'm hurt, you're hurting me!  ako to! si Paul."

Ah, oo tanda na ni Marcus. Matalik na kaibigan niya si Paul, bakit hindi naman agad nagparamdam tong mokong na to? "Last time na bisita ko sayo sa hospital, para ka nang bangkay!" natatawang puna ni Paul. Iniba ni Marcus ang paksa. "Tol, may alam ka ba sa aksidente ko?"

Tumahimik si Paul at di nagtagal ay napatikhim ito. "Wala eh, ang alam ko lang hindi ka namin macontact ng ilang araw at ayun nalaman na lang namin na naaksidente ka."

Pinutol na rin ni Marcus ang pag uusap nila ni Paul pagkatapos ang kamustahan. He paced back and forth in the living room. Nasaan siya ng mga araw na hindi siya macontact? anong ginagawa niya? sa mga panahon ba yon siya nakagawa ng 'kasalanan?'

Sumapit na ang gabi, hindi ito namalayan ni Marcus dahil nasa loob siya ng study room niya. Niligpit niya ang mga kalat roon at inayos ang mga kagamitan. Winalis niya na rin ang mga bubog. Dinampot niya ang basag na picture frame.

Ang nasa litrato ay si Marcus na may inaakbayang babae. Hindi ito si Hana, maiksi ang buhok ng nobya niya at ang babaeng nasa litrato ay may kahabaan ang buhok. Mestisa ito, halos maputla na at masyadong pamilyar. Maaliwalas ang pagmumukha nilang dalawa sa litrato.

"Oh shit!" naitapon bigla ni Marcus ang picture frame na hawak niya nang gumalaw ang babae sa litrato at sinubukan siyang abutin. Malulutong na mga mura ang naisasambit ng binata ng paulit ulit habang hinihilamos ang mukha gamit ng palad niya. Lalong nasira ang picture frame. Parang ayaw tong kunin muli ni Marcus.

Napalingon ang binata sa ingay na nanggaling sa labas ng silid. Baka nakauwi na si Hana. "Hana?" tawag ni Marcus nang nakalabas na siya mula sa loob. Nakabukas ang pinto nang pumunta ang binata sa sala, ngunit hindi niya naaninag si Hana. Nakalimutan niyang i on ang ilaw sa sala, masyado siyang natagalan sa study room.

Nang lumiwanag na ang sala, napansin niya na may bakas ng tubig sa sahig. Kumunot ang noo ni Marcus, saan nanggaling tong si Hana at basa siya? Hindi naman umulan ah. May naririnig siyang kaluskos sa kusina, pumunta siya rito dahil doon rin patungo ang tumulong tubig.

"Hana, asan ka ba nanggaling?—" napatigil sa pagsasalita si Marcus sa kanyang nakita. Nakatalikod sa kanya ang isang babaeng nakaputing bestida at may tumutulong tubig sa paanan neto. Napaatras si Marcus.

May tumapik sa likuran ni Marcus at napaharap siya rito. Halos lumabas sa bibig ng binata ang puso neto sa sobrang panginginig. Hana. Hana. "Huy, bakit mo iniwang nakabukas yung pinto— Oh anyare sayo?" agad na hinagkan niya si Hana.

"May tao ba sa likod ko?" bulong ni Marcus sa dalaga habang yakap pa rin to. Sumulyap naman si Hana sa balikat neto. Tanging cabinet lang at ang hugasan ang naroroon. "Wala.. wala."

KerubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon