ii.

10 1 0
                                    

"May naaalala ka ba?"

Kumunot ang noo ni Marcus sa tanong ng doktor, sandaling ipinikit ng binata ang mga mata niya at sinubukang isipin ang huling pangyayari bago siya nawalan ng malay. Blangko. Wala. Kirot lamang ang natamo niya sa pagpilit na may maalala.

"Name mo?"

"Marcus.. Marcus Saavedra." mabilis na tugon ng binata. Ang tanging bumabalik lang sa kanya na mga alaala ay nakaraan niya, yung bata pa siya at ang pamilya, nobya at pangalaan niya. "No need to worry, soon your memories will be back." saad ng doktor at iniwan na muna siya sa silid kasama ang nobya nito na kanina pa tahimik.

Nagpahid ng luha ang dalaga na nasa tabi ng kama ni Marcus. Suminghot siya at ngumiti habang hawak ang kamay ng binata. "Akala ko gaya to sa mga mababasa ko na makakalimutan mo ako." pabirong saad ni Hana. Pinisil pisil ni Marcus ang palad ng dalaga, assuring her that he will never forget her.

There was a small smile playing on his lips while staring at Hana. This feeling, it was familiar, it was home— he thought to himself. Pero ikinababahala niya pa rin kung bakit siya napunta rito sa hospital. "They found your car crashed against the bridge last month." tila ba nabasa ng dalaga ang gustong itanong ni Marcus. "It wasn't because of liquor, you weren't drunk that night." dagdag pa ng dalaga.

Hana leaned and planted a kiss on his forehead. "Kung may problema ka, tell it to me okay? I don't want you to find lying in this hospital bed again." nag aalalang sambit ng dalaga. Ngumiti si Marcus. "Yes, of course. I'm sorry kung pinag alala kita."

Walang trabaho si Marcus, naaalala ng binata na may hawak siyang resignation letter at inabot to sa manager nila. Baka iyon ang dahilan kung bat binangga niya ang kotseng minamaneho sa tulay? But it doesn't sit right to Marcus, masyadong mababaw raw kung tutuusin. He's not that pessimistic.

Nakabalik na rin siya sa condo kasama ang nobya niya, live in silang dalawa. Wala namang kaso yon kay Marcus lalo na at ang tanging buhay na kamag anak niya ay ang ate niyang nasa abroad.

Rinig mula sa sala ang pag agos ng tubig sa banyo, naliligo pa si Hana kaya dumiretso muna si Marcus sa pamilyar na silid na nasa tabi ng kuwarto nilang dalawa. May nakapaskil sa pinto na No Trespassing, isang sticker na mabibili kahit saan. Pumasok siya sa loob at kinapa ang switch sa pader.

Makalat ang paligid, naka taklob ang office chair at may mga nakumot na papel kahit saan. Pumulot siya ng isa na nasa paanan niya. He straightened the crumpled paper and his familiar cursive writing was there. Sulat niya ang nasa papel. "Kung pwede .. lang sana ng ibalik ang nakaraan.." he read out loud. Paulit ulit lang ang nakasulat rito.

Maingat siyang lumapit sa mesa dahil sa basag na mga vase at picture frames. Tila ba dinaanan ng buhawi ang nasa mesa dahil sobrang kalat ng mga nakatambak na papel rito. May mga alikabok na ang nasa itaas neto nang kumuha ng isa muli si Marcus. Nagtaka siya nang parehas lang rin ang nakasulat. Kung pwede lang sana ibalik ang nakaraan? walang napukaw ni isa sa mga memorya ng binata.

Maliban sa mga kumakalat na papel, meron rin namang mga papel na naka stapler at mukha itong manuscript. Kinuha ito ni Marcus at binasa ang pamagat. "The Girl Who Floats." tila ba isang apoy ang hawak niya sapagkat mabilis niya itong nabitawan.

Pumintig ang sentido ni Marcus at napakurap .kurap siya. Isang hagikhik ang naririnig niya sa likod ng isipan, parehas na parehas sa babaeng nasa panaginip niya.

Tila ba may tumutulak sa kanyang lumabas kaya sinunod niya ito. Mabilis ang tibok ng puso ng binata, para bang hinatak siyang muli sa malamig na tubig.

"Marcus!" halos mapalundag ang binata paalis sa kanyang balat. Niloloko lang yata siya ng pandinig niya. "Huy, you okay? Kanina pa kita tinatawag sa kusina." saad ni Hana. Napansin ng dalaga ang pagkaputla ni Marcus, tila ba may nakita tong multo.

Tinapik tapik siyang muli ni Hana sa braso. "Huy, baby.." malambing na saad ng dalaga. Bumalik naman sa ulirat si Marcus. He blinked plenty of times. The curtains few feet away from them fluttered.

"May iba ba tayong kasama rito?" seryosong tanong ng binata. Hana glanced to where he was looking at and shook her head. "Wala ah, malabo pa nga yata memorya mo." natatawang saad ni Hana. Natahimik si Marcus at ngumiti na lang rin, pero sigurado siyang may babaeng dumaan na naaninag niya sa window glass nila.

KerubinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon