Prologue

14.7K 370 15
                                    

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, business, places, events and incidents either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidential.

Prologue

Pinagpapawisan na ako habang tumatakbo.

Sino ba sila!?

Ano ba ang kailangan nila sa akin!

Magmamadaling-araw na pero panay pa rin ang takbo ko rito sa madiliim na daanan!

Ni hindi ko na alam kung nasaan na ako!

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa naging dead end na.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan lalo na nang biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin.

'Shete naman oh!'

Hanggang sa may maramdaman naman akong tila ba may nakatayo sa likuran ko.

Dahan-dahan ko naman itong nilingon at nanlaki na lamang ang mga mata ko nang makakita ako ng dalawang mapupulang mata.

Nahigit ko pa ang akin hininga nang tila ba aatakehin na ako nito.

"Ayesha!"

Naimulat ko naman ang mga mata ko saka napalingon sa paligid.

Nakita ko naman si Ate Sidney na tila ba nag-aalala.

"Ayesha?"

Napalingon naman ako sa kanya saka napatingin sa bukas na bintana ng kwarto ko.

"Kanina ka pa sigaw ng sigaw. Binabangungot ka yata. Sure ka bang okay ka lang?"

Tanong niya ulit kaya napahinga nalang ako ng malalim saka sumagot.

"Oo, okay lang ako. Pasensya ka na kung pinag-alala pa kita."

Sabi ko sa kanya kaya napatango naman ito.

"Oh siya bumaba ka na rin. Katatapos ko lang magluto. Sabay na tayong maghapunan."

Tumango naman ako saka siya nginitian.

Lumabas naman siya sa kwarto ko kaya dali-dali kong tinungo ang bintana saka sumilip rito.

May naaninag naman akong bulto sa may madilim na kanto.

Napasinghap nalang ako nang bigla itong lumingon sa gawi ko.

"Ayesha."

Nanlaki naman ang mata ko saka napalingon sa may likuran ko kung saan may salamin.

Nakita ko naman ang sarili kong nakasuot ng bistidang pula at maputlang-putla.

"Ayesha."

© When Devil Calls Out Your Name.All Rights Reserved.Rikamadz.2020

When The Devil Calls Out Your Name (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon