Chapter 2

5.3K 254 20
                                    

Chapter 2

"Full moon ba?"

Bulong ko sa sarili saka bahagyang dinalian ang paglalakad.

Ayan na naman kasi iyong pakiramdam kong tila ba may nakamasid sa akin.

Mas dinalian ko pa ang lakad ko nang may marinig na akong yabag.

'Lord naman, sana pala tinawagan ko nalang si Clint.'

Nagsimula naman akong magdasal.

Dahil sa pagmamadali ko ay hindi ko na napansin na mababangga na pala ako.

Napaupo naman ako dahil sa lakas ng impact.

Napahawak pa ako sa noo ko saka napatingala.

Napasinghap pa ako nang biglang itong ngumisi.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Napalunok.

"What's with the rush, Missy?"

Nakangisi nitong ani.

Napasinghap nalang ako nang mukhang aabutin na niya ang kamay ko kaya agad nalang akong napikit.

Pero ilang segundo na ang makalipas pero wala.

Walang nangyari kung kaya't agad-agad ko nalang na iminulat ang mga mata ko pero nawala na ito.

Inilibot ko naman ang tingin sa paligid pero wala na ito!

Kaya walang paligoy-ligoy ay agad akong tumayo at pinagpag ang damit ko saka nagsimulang tumakbo.

Hanggang sa may bumusina kaya napaigtad at napalingon ako rito.

Sumilip naman ang driver ng kotse at agad naman akong napabuga ng hangin nang makitang si Ate Sidney ito.

"Ayesha!"

"Ate Sid!"

Parang nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang makita ko siya.

Nagtataka nalang tuloy itong napatingin sa akin.

"Sakay na."

Aniya kaya tumango nalang ako saka dali-daling binuksan ang pintuan ng kotse at sumakay.

"Hindi ba't sinabihan na kitang magpasundo ka o magsabi kung uuwi ka na? Ang tigas ng ulo mo. Gabing-gabi na oh. Kung hindi lang ako tinawagan ni Mae na umuwi ka na eh baka napano ka na rito. At mukhang may plano ka pang maglakad patungo sa bahay."

Napangiwi naman ako.

"Eh baka kasi may importante kayong ginagawa kaya--Ayesha naman."

Napabuga nalang tuloy ako ng hangin dahil sa pagputol niya sa sasabihin ko sana.

"Okay ka lang ba? You looked so startled earlier."

Aniya kaya napatango naman ako.

"Okay lang po ako."

Sagot ko kaya tumango nalang ito at nagfocus sa pagda-drive.

Napalunok nalang ako habang inalala iyong nangyari kanina.

Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan.

Ano bang nangyayari?

* - *

Napangiwi nalang ako nang makita ko ang sarili sa salamin.

Masyado talaga siyang hapit sa katawan.

Mas lalo pa akong napangiwi nang pumalakpak si Ate Sidney nang makita niyang kabuuan ko.

"Ang ganda mo talaga Ayesha! Manang-mana sa akin."

When The Devil Calls Out Your Name (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon