Chapter 5

4.5K 227 13
                                    

Chapter 5

Naimulat ko naman ang mga mata ko at nagulat nalang nang makitang nasa kwarto pa rin ako.

Pero mukhang panaginip lang naman pala yata lahat ng iyon.

Napahawak nalang tuloy ako sa dibdib ko.

Buti nalang.

Napabuga nalang ako ng hangin saka hinawakan ang labi ko.

I don't know but why do I feel na nangyari talaga iyon?

I can even feel his lips into mine!

Napalunok naman ako nang may kumatok sa pintuan.

Kaya agad ko naman itong tinungo at pinagbuksan ang kung sino mang bampira nag kumakatok.

Nakita ko namang napailing sila nang mapasulyap sila sa leeg ko.

"May kailangan kayo?"

Mataray kong tanong.

"Wala, we're just telling you that we will be giving you enough time to think about it. You can start a new life once na pumayag ka sa gusto ng prinsipe or maybe pumayag ka naman talaga unconciously pero hindi mo lang maramdaman."

Nakasimangot na sabi ni Eleazer.

Nakita ko namang siniko siya ni Xander at pinanlakihan ng mata ni Nathan.

"One week, we'll be giving you one week. Pag-isipan mo ng mabuti."

Sabi ni Xander.

"Sige, Ayesha. Ingat ka."

Paalam ni Nathan kaya napabuntong-hininga ako.

Biglaan naman silang nawala.

Maybe that's why they call teleportation.

Pero hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa leeg ko.

Kaya dali-dali naman akong tumungo sa harap ng salamin at tiningnan ito.

Napakunot noo naman ako nang makita kong ang marka ay tila namumula.

Napatitig pa ako rito nang tila ba may napopormang imahe.

"Rosas?"

Bulong ko sa sarili.

* - *

(Earlier. .)

Natahimik naman sina Xander nang may maramdaman silang isa pang presensya sa bahay ni Ayesha.

"He's here."

Anunsyo ni Xander.

Gusto sana nilang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa pero hindi naman nila mainvade-invade ang pangba-block ng prinsipe sa kanila.

"Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila? Or should I say, ano naman kaya ang pinagagawa nila?"

Sambit ni Nathan kaya napangiwi sina Xander.

"This is the first time that I saw the Prince this desperate and aggressive. Masyado siyang territorial sa babaeng iyon. Hindi naman siya mapili sa blood source, but hell! Hindi ko maintindihan kung anong meron sa kanya."

Sabi ni Eleazer kaya napailing si Xander.

"Alam kong alam mong may kakaiba kay Ayesha, Eleazer. I know you can feel it. Iyon nga lang ay hindi ko ma-gets kung ano ito."

Sabi ni Xander na siyang sinang-ayunan ni Nathan.

Ilang minuto pa ang makalipas ay nakita na nilang pababa ang prinsipe galing sa kwarto ni Ayesha.

When The Devil Calls Out Your Name (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon