Uno(The Love At First Smell?)

51 1 0
                                    

Celina

"Leon,"

Nandito kami ngayon sa isang stall ng milk tea, malapit sa office namin. Lunch time na pero itong si Bakla nagpumilit na milk tea na lang ang bihin namin.

"What?" Mataray nyang tanong.

"Magrice meal naman tayo." Kanina pa ko nagpupumilit sa kanya pero pinaninindigan nya ang pagtatampo nya kay  Jess.
Jess is our officemate, gwapo kaya type nitong si bakla. Kaso may pinopormahan sa ibang department.

"No, hindi  ako kakain sa canteen ng kompanya, makikita ko sya."

Hindi ko napigilan na matawa, "ang daming fastfood chain dito sa paligid, 'day"

"Isinama ba kita  dito? Your free to eat anywhere you want." Inirapan pa ko.

"Syempre kailangan nandito ko lagi sa tabi mo,kase..." I stare at him.

"Anong tingin yan? " ngumiti sya ng nakakaasar. "Hindi tayo talo sis"

"Asa, andito lang ako palagi kase best friend mo ko" umiwas ako ng tingin."Bahala ka nga dyan, kakain ako ng spicy chicken." Tumayo na ko at kinuha ang bag ko ng padabog.

"Bye sis." Aba't nag ba bye pa ang hinayupak na bading, Hindi nya ba alam  na hulog na hulog na ko at alam  ko na wala namang sasalo kundi sahig.

Second year college ako noon nung makilala ko sya personally that time. Napapansin ko na sya previous year kase nakakasalubong ko siya sa hallway. Pero ngayon nalaman ko na magkaklase pala kami sa isang subject.Sa unang pagpasok pa lang nya napatitig na agad ako kase mas  makinis pa siya sakin. Tapos ang  linis  nya tingnan at parang ang bango bango nya. Mukhang suplado ,yun agad ang pumasok sa isip ko kase mukang hindi  palangiti. 'Ito yung type ko e' sabi ng malandi kung utak. Saktong sa likod na upuan ko pala siya  uupo kaya nung dumaan sya nagkunwari akong  nagbabasa ng libro. At shook ako ang bango nga nya sobra, napakamanly nang  amoy nya kaya napalingon ako at laking  gulat ko na naglalagay sya ng sanitizer at kulay pink ang lalagyan, at nakataas pa ang isang kilay habang nilalagay nya ito  sa bag nya pagkatapos. 'Hmmm I smell something.... Good?' Kase ang bango nya talaga. Nagising ang judgemental kong utak ng magsalita sya.

"May problema  ba miss?" Sarcastic nyang tanong.

Tumighim ako. "W-WalaSabay tingin muli sa libro kong  binabasa.

Sakto namang dating ng classmate ko last year at tumabi sya sakin.

"Celina ano yang ginagawa mo? Bagong trend ba yan?" Natatawa nyang tanong.

"Bakit?" Naguguluhan Kong tanong.

"Uso na bang magbasa ng libro na nakabaliktad" at sama siya tumawa.

My gosh. Pakiramdam ko may nakatingin sakin sa likod ko at hindi  nga ko nagkamali kase paglingon ko nakangisi siya na nakatingin sakin, obviously girl nakita nya ang katangahan mo.

"How's lunch?" Tanong ni Leon pagkadating ko sa office. Aba't ang kapal ng mukha mag tanong.

"Hmm, Masarap, much better than milk tea" I sarcastically said.

Author's Note:

On this first update, bigla lang pumasok sa isip ko na magsulat kaya tinuloy ko na kahit mababaw haha. Baka kasi lalo akong  walang  maisip.

Meron din kasi akong isang story, which is "indayog" na nagdadalwang isip ako ituloy kase scripted style sya kailangan pa e-edit mula sa simula.

Pero dito muna ko magfofocus kung sakali mang may magbasa haha.
Happy Reading.
#NewStoryof2020

The Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon