This chapter is dedicated to masterjeycee. Nag update na ulit ako kaya mag-update ka na din haha.
Celina
Linggo ngayon Kaya day off muna si Inday sa trabaho haha. Pero sandamakmak naman ang gawain ko.
Binuksan ko ang closet ko may magilan - ngilang damit na pumatak pagkabukas ko nito. Ako lang ba ang ilang beses sa isang buwan mag-ayos ng damitan? May habit kase ako na kapag okay na at naayos ko na ay kung alin ang nasa ibabaw,yun ang lagi kung sinusuot pero dahil nga nagtatrabaho na ko kailangan kong maging presentable kaya pati ilalim nahahalwat. Pag sinukat ko at ayaw ko inihahagis ko na lang sa loob ng closet kasi lagi akong nahuhuli ng gising. Yun din ang dahilan kaya di ako nagmemake up kase baka tuluyan na kong malate sa opisina.Tinitiklop ko ang mga damit ko ng makita ko ang isang coupon, nakasipit ito sa paborito kung T-shirt. Napangiti ako ng maalala ko na ito ang isa sa bagay that start our friendship.
Stressful na araw na naman ang bumungad sakin, tuwing lunes ay palagi akong ganito. Tuwing weekends kasi at wala akong klase ay umuuwi ako samin. Nagdodorm kase ako malapit sa school, walking distance lang. Tuwing umuuwi ako nasasaksihan ko palagi ang pag aaway ng mga magulang ko at ang pagbubulakbol ng kuya ko. Sa totoo lang lagi ako umuwi tuwing weekend kasi weekly ang allowance ko.
Naglalakad ako mag-isa sa hallway, tapos na ang huling klase ko kaya magpapahinga na ako sa dorm. May sumabay sa paglalakad ko at nagulat ako sa taong nakatingin din sakin ngayon ng nakangiti kaya lumabas ang malalim nitong dimple.
"Hey," bati nito sakin."Pauwi ka na?" Tanong nito.
Tumango lang ako.
"Kumain ka na ba?" Tanong nito.
"Sa dorm ako kakain para makatipid"
BINABASA MO ANG
The Unconditional Love
HumorWhat if you fall in love with your gay best friend?? Kaya mo bang magmahal ng walang hinihinging kapalit??? Its battle between Celina and her feelings for Leon..