Nakaupo siya sa may batuhan at nakatanaw sa may dagat.Nang umalis siya ilang buwan na ang lumipas ay tumungo siya sa isang isla malayo sa kinaroroonan ni Crix.
Napahinga siya nang malalim nang maalala na naman ang lalaki.Kahit anong pilit niyang kalimutan ang lalaki ay hindi niya magawa bagkus ay mas lalong bumabalik ang ala alang mayroon sila sa nakaraan.
Kung mgiging okay lang sana ang lahat ay hindi na siya nahihirapan sana nung una palang ay naging mortal na lamang sila at nang sa ganon ay nagkasama pa sila at marahil hanggang ngayon ay sila pang dalawa
"Bakit ayaw mo pa siyang kalimutan halos ilang dikada na rin ang lumipas Shara pero siya parin ba hanggang ngayon?" Napa iling na lang ako sa aking tinuran "Kinalimutan ka na niya at alam mong may mahal na siyang iba"
"Kung nakalimutan man kita pasensiya na"
Nagulat ako nang may nagsalita sa aking likuran at mas lalo akong nagulat nang makita ang lalaking nagsalita
"Crix?"
Napatayo ako sabay atras sakanya at muntik nang matumba
"anong-"
"shh masusugatan ka kapag nagpadalos dalos ka lalo pa at malapit lang ako sayo."
Sabay hila nito sakanya palapit dito na siyang paglapit nila sa isat isa.
"Crix ba-bakit ka n-nandito?"nauutal niyang sabi
"simple lang kasi nandito ang mahal ko"nakangiting turan nito kaya napayuko siya at muling lumayo
"nasan si Doctora wala naman siya dito ah"
"Doctora?haha Si Margo? Wala nga siya dito bakit?"
Napa angat siya nang tingin at nakitang naka titig ito sa kanya na siyang ikina ilang niya
"diba siya ang mahal mo?"
"haha sinong maysabi eh nasa harapan ko ang babaeng mahal ko"
Biglang kumabog ang puso ko sa sinabi nito.Pero kahit na ganon ay umiling parin ako
"Anong pinagsasabi mo"
"Alam mo bang nung una pa lang kitang makita ay kusang tumibok ang puso kong matagal nang patay.Hindi ko alam pero nakuha mo ang buo kong atensiyon kaya gustong gusto kitang maka usap.Pero iniiwasan mo ako at tinatakasan.Pero kahit na ganon alam mo bang sa una pa lang ay minahal na kita? Alam kong parang may mali at kahit pilit mo akong pinapalayo ay hindi ko nagawa dahil kahit na sa malayo ay tinatanaw parin kita."
Nakayuko lamang ako habang sinasbi niya iyon naramdaman kong naglakad siya palapit sa akin saka may naramdaman akong malamig sa aking leeg.Nagulat ako nang makita iyon
"Yung kwintas?! Paanong-"
"Nakuha ko yan nung nawalan ka nang malay sa lugar nang insedente at hindi ko sayo naibalik kaya tinago ko dahil nararamdaman kong may parte siya sa buhay ko."
Napahawak ako sa kwintas at napangiti 'kaya pala nahihirapan akong makalimot dahil buhay ka pa'
Nagulat ako nang hawakan ni Crix ang baba ko at inangat ang ulo ko para tumitig sa kanya
"Kung nakalimutan man kita nang aking isipan pasensiya na pero kahit na ganon makalimutan man kita ang puso ko ay ikaw lang ang naalala .Kung ano man ang mga nagawa ko sa iyo na labis kang nasaktan ngayon pa lang ay humihingi na ako nang kapatawaran,Alam kong nasaktan kita kaya humihingi ako nang pasensiya.Hmm Ang sabi mo kapag nagkalapit tayo ay lagi tayong napapahamak?Pero para sa akin isa lamang iyong pagsubok dahil mas gugustuhing kong mapahamak basta ikaw ang kasama dahil nararamdaman ko ang sakit.Nararamdaman ko ang tunay na sakit na matagal ko nang gustong maramdaman.Kung ang pagiging mortal lang ang balakid para sa ating pagsasama,mas pipiliin kong maging mortal basta kasama ka."
Tumulo ang luha sa aking mga mata hindi dahil sa nasasaktan ako o nalulungkot bagkus nasisiyahan dahil sa mga salita ni Crix.
"Ngunit hindi tayo maaaring-"
"Hindi ang mundo ang magdidisisyon para sa atin kung hindi ang ating puso.Hindi natin susundin ang nakasaad sa propesiya kung hindi ang ating puso lamang.Ang ating puso ang ating susundin hindi ang ano mang nakasalaysay para sa atin."
'Pero kapag ang puso ang aking sinunud ay gusto kong mamuhay nang normal sa mundong aking kinagagalawan kasama ka ginoo'
" bakit mo to sinasabi?"biglang bigkas ko
"Dahil sinunod ko ang puso ko,na mas piliin ang taong mahal ko at ikaw iyon Shara.Mahal kita nung una pa lamang kitang makita at hindi kana mawala wala sa aking isipan.Alam kong mahirap paniwalaan pero kahit na nakalimutan kita hindi parin iyon naging dahilan para kalimutan nang aking puso ang pagmamahal niya sa iyo.Kung nakalimot kana ako na lang ang gagawa nang paraan para muling ibalik ang pagmamahal na sa nakaraan ay sa akin mo inialay,kung nawala man talaga ito sa ilang buwan mong pananantili dito"
Napaiyak na talaga ako sa kanyang mga tinuturan
"*sniff*Pilitin ko mang kalimutan ka ay hindi ko magawa .Kahit nahihirapan na ako nang sobra ang laman nang puso ko mahal ay mananatiling ikaw na kahit kailan ay hindi ka pinakawalan"
Niyakap niya ako nang mahigpit
"pasensiya na talaga sa aking pagkukulang, ngunit maraming salamat dahil hindi mo ako pinakawalan.Pero ngayon pa lang ipapangako ko sayong hindi na kita iiwan at hinding hindi na kita pakakawalan.Hindi ko pipiliting maalala ang nakaraan dahil alam kong kahit noon ikaw na ang tunay kong mahal"
Napayakap din ako sa kanya dahil sa sobrang saya hindi ako makapaniwala na nangyayari to.Ilang dekada na ang lumipas pero heto at ang pag ibig naming nawalay ay muling nagkatuluyan.Hindi talaga balakid ang mundo kung ang totoong pag ibig ay nararapat sa iyo,oo at mara ramdaman mo ang hirap subalit ang hirap na iyon ay ang magpapatatag sa inyo at isang pag subok lamang na susubok sa tunay niyong tatag nang pagmamahalan.
"Let's forget about my memories because my heart want a new beautiful memories of us"
Hawak kamay kaming naglalakad sa dalampasigan at masayang nagkukwentuhan tungkol sa nakaraan.
"I love you"
"I love you more.despite all the pain that i made to you.Mahal kita ngayon at magpakailan pa man.My life is you, without you my heart will die and my soul will burn and the ashes will fly over the wind."
Kasabay nang kanyang mga salita ay ang pagdampi nang kanyang labi sa akin.
'a love is important than memories without love memories is useless'.
----------------WAKAS-----------------
BINABASA MO ANG
Heart of Burden Memories
Short Story"My life is you, without you my heart will die and my soul will burn and the ashes will fly over the wind." If true love really occur the world can never stop you from loving someone .Mahirap man gawin,mahirap mang isipin pero ang pagmamahal na ibin...