(this is just a short novel hehe hope you liked it)
Madaling araw pa lang ay nagising na si Shara buhat sa isang panaginip.Isang Panaginip na ala ala sa nakaraan na nagpagising sa natutulog niyang mundo.
Hindi na siya muling nakatulog ng magising,kaya napagdisisyunan niyang bumangon na lamang para maghanda sa morning excercise niya.
Madalas ganon ang nangyayari sa kanya, laging nanaginip at hindi na nakakatulog pang muli,nasanay na siya subalit kahit ganoon hindi niya parin maiwasang isipin ang mga ala ala sa nakaraan na laging nanggugulo sa kanya.
Tumungo siya sa CR saka nanghilamos at nag ayos, pagkuway nagbihis na siya at lumabas nang condo dala ang isang maliit na barbel.
Tumakbo siya ng mabilis para mapagod subalit hindi man lamang siya tinatablan ng pagod bagkus mas ginaganahan siya kaya ang nangyari ay naglakad na lamang siya.
Pagkarating sa may tindahan ay bumili siya ng tubig saka muling naglakad takbo.
Napatigil siya sa harapan ng isang Banco kung saan maraming tao at pulis na nakapalibot dito tila may nangyayaring holdapan .
Tinignan niya ang lugar saka pinagmasdan ang nasa loob na malinaw niyang napagmamasdan.
Mayroong labing walong employee ang nakaluhod at may mga lalaking armado ang nakatotok ang mga baril sa mga ito subalit nagulat siya sa isang lalaking seryosong naktitig sa mga armadong lalaki at naglakad palapit sa mga armadong lalaki.
"Hindi,panaginip lang to"bigkas niya sa sarili na hindi makapaniwala sa kanyang nakita
Pumikit siya at umiling iling ng ilang ulit para kumbinsihin ang sarili na panaginip lang ang lahat na hindi totoo ang lalaking nakita niya sa loob
"kasama lang to sa nakaraan"kumbinsi niya parin sa sarili
Pero hindi niya nakumbinsi ang sarili nang biglang maghiyawan ang mga tao na nagpamulat sa kanya. Pinuri nang mga taong naroon ang kalalabas lang na lalaki bihag ang mga armadong lalaki.
Napailing iling parin siya hanggang sa nagtama ang paningin nila tila naging bato siya sa kinatatayuan nang magtama ang kanilang mga mata mabilis din ang naging pagtibok ng kanyang puso na siyang ikinabahala niya,mabilis niyang iniwas ang tingin saka tumakbo na nang mabilis palayo sa lugar
"Imposibleng si Crix yon pero aist Shara sarili mo lang ang niloloko mo"
Napahawak siya sa kanyang dibdib na mabilis na kumakabog tila pagod na pagod eh hindi naman siya naka-karamadam ng pagod saka napaupo sa isang bench .Huminga siya nang malalim at tumayo saka tumungo sa malapit na restau.
"what's your order ma'am?"naka ngiting turan sakanya ng waitress
"Ahm lasagna and a pineaple juice please"nakangiti rin niyang turan
Habang hinihintay ang pagkain niya ay kinuha niya muna ang isang magazine at doon itinutok ang atensiyon.
Nang may maramdamang presensiya ay nag angat siya nang ulo at laking gulat niya nang makuta kung sino ito.
"Maraming salamat ginoo"
Napatango lamang si Crix sa isang babae at mabilis na nilisan ang lugar saka tumungo sa isang restaurant na nadaanan niya kanina.
Maaga pa kaya kaunti pa lamang ang mga costumer at madali niyang mapag mamasdan ang mga nandoon,ngunit isang tao ang nakakuha nang atensiyon niya hindi niya alam pero may naramdaman siyang kakaiba nang magtama ang paningin nila kanina mas lalo pa siyang nagtaka nang mabilis itong tumakbo.
Alam niyang ito yung babaeng tumakbo dahil sa isang heart gold necklace na may itim sa gitna nang puso.Napakatitigan niya ito kanina dahil familiar ito sakanya tila isa itong bagay na pag mamay ari niya
"Pag aari ko nga ba?"napailing na siya at astang lalapit na dito pero nakasabay niya ang waitress na magdadala nang pagkain nito kaya siya na ang nag insist na magdala nito
"One black coffee "
"ok sir thanks"saad nito
Dala ang tray na may lamang pagkain nito ay tumungo siya sa kinaroroonan nito at inilatag ang tray sa lamesa.
Nakita niya ang pagkagulat sa mga mukha nito na mabilis ring nawala.Napa ngiti siya sa inasal ng babae dahil ang kyut nitong tingnan.
Umupo siya sa harapang upuan nito at nakatingin lang dito
"your the girl who run earlier right?"saad ni Crix
"ah- o-oo ba-bakit?" nauutal ngunit malamig nitong tanong sa kanya tila may bahid nang pagkairita at kaba
"ito na po ang kape niyo sir"
Tumango siya sa waitress at ibinalik uli ang tingin kay Shara
"bakit ka tumakbo nang makita mo ako are you scared or what?"
"ha?Hindi ah nag ja-jogging ako kaya kailangan ko nang tumakbo"
Napailing ito saka tinutok na ang atensiyon sa pagkain
'who are you lady?' saad niya sa kanyang sarili hindi niya kasi alam kung bakit iba ang pakiramdam niya dito
"i see. Crix Harkenton nga pala"saka inilahad niya ang kanyang kamay
Napatingin si Shara sa kanyang kamay at pinagmasdan ang isang peklat na nandito akala niya ay di na iyon tatangapin dahil pinakatitigan na nito ang peklat sa kamay
"Shakira Scollen"
Nagtagal nang ilang minuto ang kanilang kamayan dahil sa hindi malamang dahilan tila parehas nilang ayaw bitiwan ang isat isa
"Shakira hmm sound familiar but it's better if i call you Shara"
Nagulat ito sa sinabi niya at biglang binawi ang kamay
"ahm I'll go ahead bye"
dalidali itong lumabas sa restau at nakalimutan nang magbayad
'teka anong nangyari don masama bang tawagin siyang Shara well her name sound familliar but I love to call her Shara masama ba?dapat sinabi niya hindi yung mang iiwan siya.Napailing na lamng siya at pinagmasdan itong palayo.
Teka hindi kaya pareho silang hindi ordinaryo at iba sila sa mga tao kaya ito umiwas at lumayo
'Hmm see you again lady' saad niya saka tumungo sa counter at binayaran ang pagkain ni Shara at ang kape saka umalis na sa restau.
Pagkarating sa Condo ay napahandusay si Shara sa upuan at napahawak sa dibdib saka bumalik sa kanyang isipan ang sinabi ni Crix
'Shakira hmm sound familiar but it's better if i call you Shara'
'it's better if i call you Shara'
"arghh stop it!"hiyaw niya saka napatayo at sinipa ang lamesa nang malakas at tumama ito sa pader na nagkaroon ng crack
Biglang bumalik sakanya ang ala ala na ito rin ang nagpangalan sa kanyang Shara ito ang unang tumawag nang ganon sakanya
"wake up Shara pangalan lang yan nababaliw ka na naman"saad niya sa sarili
Kasalanan niya to eh hindi na dapat siya nagpakita! hindi na dapat! arghh nakakainis siya
"I need to get rid of him hindi na dapat siya bumalik!"
Tumungo siya sa kanyang silid saka kinuha ang cellphone,kailangan niyang matawagan ang kanyang kaibigan
"Lucas Book a flight for me.Away from this country"
"But Shara-"
"NOW!!"
"ok sige"
Ibinaba niya ang Cellphone sa kama at mabilis na kinuha ang maleta at ipinasok doon ang mga importanteng gamit
Hindi maganda ang muli nating paglapit sa isat isa kaya ako ang lalayo.
BINABASA MO ANG
Heart of Burden Memories
Cerita Pendek"My life is you, without you my heart will die and my soul will burn and the ashes will fly over the wind." If true love really occur the world can never stop you from loving someone .Mahirap man gawin,mahirap mang isipin pero ang pagmamahal na ibin...