III

9 3 0
                                    

Natapos ang gabi at nagsimula nang umawit ang mga ibon. Ang tunog ng katubigan ang gumising sa pagkakahimbing na tulog ni Reighn.

Napaupo ito at kinusot ang mata, bigla nalamang siyang nanibago nang makaramdam siya ng kakomportablehan at malamig na hangin na nanggagaling sa ibabang parte ng katawan niya. "MANYAAAAAKKKK!!!" Malakas na sigaw nito nang makita ang isang binata na mahimbing na natutulog at nakayakap sa baywang niya.

"TULOONGGGG! tulungan niyo koo!!" Nagkatinginan at nataranta ang mga tao nang marinig ang matinis na boses ng isang dalaga. "Ang- ang lalaking ito!! Rapist!!" Biglang napabangon ang binata dahil sa ingay na ginagawa nito. Nagulat nalamang siya nang pinagtitinginan siya ng tao.

"Is that Drei? Drei Coelan?" Sabi ng isang babae. Nang tumingin ito kay Reighn, napamulat siya ng mata at naisip ang ibig sabihin ng mga taong nakapaligid sa kanila. "Bastos ka! Bastos!" Nataranta siya kaya kinuha niya ang kumot at tinapal ito sa katawan ng babae at napatakbo papalayo.

Naiwang magisa si Reighn sa Party grove habang tumakbo naman sa hotel area ang inosenteng si Drei.

"Bro! You won't believe this, the people are having issues about me and a- a- babae siya. Dave, help me. They took pictures. Sisiraan nila ako. I swear." Walang itong sinagot kundi pagkurap ng tatlong beses. "Woah. Calm down, sinong babae? Baka naman girlfriend mo"

"Dude, i'm single."

Biglang humagalpak ng tawa ang kaniyang kapatid na para bang hindi naniniwala. "Really Drei? Ako pa lolokohin mo? Eh araw araw may tinitikman ka." Binigyan siya ng nakakadiring reaksyon ni Drei "Ew dude, hindi naman lagi." Umalis ang kaniyang kapatid habang patuloy na tumatawa.

"Why? What did i said? Totoo naman. Dave! Come back!" Nilagay nito ang palad sa noo at naupo.

Habang nagmumuni muni ang binatang si Dave, bigla niyang nakita ang panganay niyang kapatid na si Steve.

"Hey, busy ka ba?" Tanong ni Dave. "Should i be?" Nagbigay ng pagkapikon na reaksyon si Dave kaya sinagot niya ito. "You've always been a savage. Can you be nice? For once?"

"Do you remember the girl that i introduced to you? Kagabi lang." Tanong ni Dave. "You mean the Reighn thingy?" Nawirdohan ang binata. "What do you mean thingy?" Tanong niya ulit. "Oh, did i said it wrong? Sucks." Sinalo ng palad ni Dave ang kaniyang ulo dahil sa pagkawala niyang gana na makipagusap sa kapatid. Hinayaan niya ito at iniwan dito. Kahit kelan ka talaga Steve Coelan.

Pagkatapos ng lubos na kakahiyang nangyari kay Reighn, halos ayaw na niyang lumabas ng kaniyang kwarto.

"Iisipin ng iba na may nangyari saamin ng lalaking iyon." Pinisil niya ang mukha at tinapik tapik ito upang siguraduhing hindi siya nananaginip. "Sana nga panaginip nalang ito." Dagdag pa niya.

Binuksan niya ang kaniyang cellphone at nagulat sa eskandalong nakita niya sa media. Ikinagulat niya itong lubos nang makita niya ang mga pangyayari kanina sa isang video.

"What the freak? S-sinong-" Tinignan niya ang profile ng taong nagpost nito pero, marked as unknown. Hindi niya malaman kung sino ang gumawa nito. Dapat na ba siyang magsampa ng kaso? Wag OA. Alamin mo muna girl!

Habang nasa kwarto si Drei, nakatanggap siya ng tawag mula sa kaniyang ama kaya naman agad agad niya itong sinagot.

"Hey dad, how is it going?" Masigla nitong tinanong ang kaniyang ama. "Ano nanamang iskandalo ang ginawa mo Drei Coelan?" Nawirdohan ang binata. "What do you mean dad? Behave kaya ako." Sabay tawa nito na para bang nakakaloko. "Look to your phone. I sended you the video." Ibinaba nito ang telepono at tinignan ito sa kaniyang message inbox.

"Anong pinagsasasabi ni- SHIT!" Nagulat siya nang makita ang video na ipinadal ng kaniyang ama. "Who the heck posted this?" Napapikit siya ng mata habang nakahawak sa kaniyang ulo. "This is stressing me out." Nagtungo siya agad sa kaniyang panganay na kapatid, naisip niya na dito humingi ng tulong.

"Steve. Dad is mad. Did you saw-" Agad siyang napahinto ng magsalita ang kapatid. "Unfortunely? Yes. Dahil sa ginawa mo, i've been scolded like a kid." Napakamot siya ng ulo dahil sa narinig. "Ayokong magalit saakin si dad. Steve do something!" Nanatili ang reaksyon sa mukha ni Steve na wala man lang pagaalala. "Just a minute from now, dad will arrive. Ginawa mo yan, deal with it." Napuno ng pagkatakot at pagaalala ang mukha ni Drei dahil sa sinabi ng kaniyang kapatid. Nakaramdam na siya ng pagkapraning, at hindi na siya mapakali. "Ano nang gagawin ko? Shit. Shit. Shit!!"

Bumalik siya sa kwarto niya ngunit nanatili siyang kalmado ngunit sa looblooban niya ay punong puno na ng kaba.

Huminga siya ng malalim at tuluyang kinalma ang sarili. Nasa kalagitnaan siya ng pagiisip ng biglang may tumawag sa kaniya."Sir, Drei!"  "WHAAT?!" Agad naman niya itong ikinagulat."Pinapatawag po kayo ng papa niyo." Nanlaki bigla ang mga mata niya nang marinig niya iyon. Hindi niya alam ang magiging reaksyon ng ama niya kapag nakita siya nito. "Holy crap. I'm going!!"

Pagkababa niya, nakita na niya ang apat na guwardyang nakapalibot sa kaniyang ama. Tila bang binabato siya ng takot at kaba sa bawat hakbang nito papalapit sa ama.

Umupo siya rito kasama ang tatlo pa niyang kapatid. "H-hi dad." Bigla siya nitong nginitian ng walang dahilan. "Don't act son. I know you." Sa bawat komyunikasyong nagaganap, ay masl lalo siyang kinakabahan. "Bring that girl here. Now." Agad agad kumilo ang kaniyang mga guwardya at nanatili silang lima sa silid tanggapan. "You never learn about the consequences of your wrongs, do you?" Tanong ng ama.

Habang malalim na din ang pagiisip ni Reighn, bigla siyang nakarinig ng mga katok na nanggagaling mula sa pintuan. Dali dali niya itong binuksan dahil sa sunod sunod nitong mga katok. "Ikaw ba ang babaeng ito?" Biglang nanlaki ang mata ni Reighn nang pinakita ng isang lalaki ang video na kinamumuhian niya mula pa kanina.

"A-ako nga, bakit?" Pautal utal nitong sabi. "Pinapatawag ka ni Sir Coelan." Bigla siyang hinila mula sa loob at kinaladkad patungo sa isang lugar na hindi siya masyadong pamilyar.

"Is that her?"

#scandalniReighn
#Daveangplayboy
#angbunsongCoelan

The Coelans Where stories live. Discover now