VII

5 1 0
                                    

Nakita ni Reighn si Steve na nakaupo sa balcon kaya naman pinuntahan niya ito at sinamahan. "What?" pagsusungit na sabi ni Steve. "Ay, galit? Easy men. Puso mo." pangangasar ni Reighn na mainiting ulo ng lalaki. "Ano nga?" muling tanong ni Steve. "Bakit ba lagi kang masungit?" binalik ni Reighn ang tanong sa kaniya. "Nagka girlfriend ka na?" dagdag pa niya. "Pumunta ka dito para tanungin ako niyan?" tumungo lamang si Reighn habang nakasalumbabang nagaantay sa sagot niya. "Seryoso ka?" tanong ng lalaki. "Oo ngaa! Sagot!" nagulat ang lalaki kaya naman dalidali siyang nakasagot sa tanong. "Oo!" agad na ikinagulat ni Reigh ang narinig niya kaya naman nagtanong siyang muli. "Maganda? Ilang taon siya? Mas matanda ka siguro. Ilang taon kayo? Nag break din kayo agad noh?" napapikit ng marahan si Steve dahil hindi niya alam kung saan magsisimulang sagutin ang mga tanong sa kaniya. "So ilang taon nga ka--" pinutol siya sa pagsasalita ni Steve. "Eight years." napatakip si Reighn nang kaniyang bibig dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi ng lalaki. "Matagal din pala
kayo noh? Anong pangalan niya?"

"Ganyan ka ba talaga?"

"Sorry, ang daldal ko ba? Sorry!"

Napatingin ang lalaki sa damuhan habang nakapatong ang braso sa tuhod niya. "Her name's Athena. 17 ako noon nang maging girlfriend ko siya. Maganda siya, oo, halos lahat nga ata ng lalaki sa campus namin nagkakagusto sa kaniya." nakuha ni Steve ang atensyon ni Reighn kaya naman lumapit pa ito sa kaniya at nakinig. "Masaya lovestory niyo?" napaubo si Steve nang marinig niya ang tanong na iyon. "Love story? Seryoso ka ba?" kumulot ang noo ni Reighn dahil sa naging aksyon ng lalaki. "Bakit? Wala kayong lovestory? Lola't lolo ko nga meron eh, kayo wala?"

"We were in a fixed marriage." napakamot ng ulo si Reighn nang makarinig nanaman ng kakaiba mula sa lalaki. "Ha? Bakit ka pumayag?" hinawi ni Steve ang kaniyang buhok pabalik bago sagutin ang tanong. Ay wow, pacute ka men? Tapon kita eh.

"Ay HAHAHAHAHAA kailangan may paghawi ng buhok?" natawa si Steve sa sinabi niya, nahiya ito kaya naman nalakasan niya ang pagtulak kay Reighn. "ARAAY HAA!" agad siyang tinulungan ni Steve habang natatawa parin sa nangyari. "Sorry! Sorry! HAHAHAHAHA ang kulit mo kasi eh!" pinalpagan ni Reighn ang kaniyang tagiliran dahil sa pagkakasadsad sa damuhan. Oy kayo haa, sa damuhan talaga? Matik na men HAHAHAH

"Okay lang, so ano na? Tuloy mo na yung kwento mo." muling sumambaba si Reighn at nagantay ng susunod na kabanata ng kwento ni Steve. 😎 "Okay ka na talaga?" tumungo naman si Reighn at itinaas ang hinlalaki niyang daliri. "Ano bang feeling ng fixed marriage?" tanong ni Reighn. "Ayos lang naman. At first, we didn't agreed. Hindi pa namin alam kung paano mamuhay ng magkasama.  Siguro, bata pa kami masyado para gawin iyon." aniya ni Steve.

"Ilang taon kayo nung nalaman mo na ikakasal kayo?"

"I was 22 and 20 siya noon. Ang bata pa namin noh? I knew it won't work out."

"Bakit kayo hindi natuloy? May third party?" napangisi si Steve nang marinig iyon mula kay Reighn. "No, wala. Ano ka ba? Kami na yata ang pinaka honest na couple." pagmamayabang nito. "Eh, bakit hindi mo binalikan?" pagpasensyahan niyo na po si Reighn kung madaming tanong, echusera lang yan eh. "We broke up. That's it! Wala na dapat pang balikan." tatayo na dapat si Steve nang bigla siyang hatakin pababa ulit ni Reighn. "Hindi pa tayo tapos magusap." nanlaki ang mga mata ni Steve dahil sa ginawa ng babaeng ito. Ito ang unang pagkakataon na hinila siya ng isang babae. "A-ano pa bang gusto mong malaman?" pautal utal na anong ni Steve. "Kung bakit kayo naghiwalay." napalunok si Steve nang diretso siyang tinanong nito. Ilang minuto lang ang nakalilipas nang namumuhay pa siya ng tahimik at matiwasay, at nang samahan siya ng babaeng ito ay biglang nagkaroon ng kaba sa bawat segundong dumaraan. "B-bakit ba gusto mong malaman? Ang creepy mo." napakamot nalamang ng ulo si Reighn sa sinabi nito sa kaniya. "Alam mo ang gulo mo,  mukha ba kong nakakatakot? May mali sayo eh, pa-check up ka ha!" tumayo na si Reighn at pumasok sa loob upang magpahinga at matulog.

Pagpasok niya sa kuwarto ay narinig niya ang pagbagsak ng tubig mula sa shower. Naliligo si fafa Drei 😋

Wait, ang manyak ng emoji HAHAHA inosente po yung author, bigla nalang po lumabas yung emoji

"Reighn? Are you there?" nanlaki ang mga mata ni Reighn nang marinig niya ang boses ni Drei ngunit hindi siya umimik. Maya-maya pa ay narinig niyang bumukas ang pintuan ng bathroom at bumilis ang kabog ng puso niya dahil alam niya ang mangyayari.

"WAAAAAAAAAAAHH MANYAK! WAAAAAAAAAH TULONG!MANYAAAK! MAMAAAA!"

"AAAAAAGHHHHH! BAKIT KASI HINDI KA SUMAGOT?"

Agad na nakapagtapis si Drei ng kaniyang pambaba habang natatakpan ng mga palad ni Reighn ang kaniyang mata. "What have tou done to my virgin eyes?" napahinga siya ng malalim habang naiisip ang mga nangyari. "BAKIT KASI HINDI KA NAGSALITA NUNG TINAWAG KITA?" tinanggal ni Reighn ang palad niya at sumagot. "BAKIT KASI LUMALABAS KA NG BIGLA BIGLA?" omg those abs thoooooo! "Tumalikod ka muna magbibihis lang ako." nakapamewang si Drei nang sabihin iyon kay Reighn. "Bakit?" nanlaki ang mata ni Drei nang tanungin pa siya nito.

"Tumalikod ka nga! Mag bibihis ako!"

"Bakit ako tatalikod eh nakita ko naman na yung-"

Biglang napatakip si Reighn ng kaniyang bibig nang masabi niya iyon sa harap mismo ng Drei. "Sinong manyakis satin ngayon?" napangisi nalamang si Drei habang nakatakip padin ang bibig niyang nalulunod sa kahihiyan. Sumandal sa pader si Drei at tinitigan siya nito na para bang mangangain. Rawr! "So, gusto mong magbihis ako ngayon sa harapan mo?" hindi na nakasagot pa si Reighn sa sinabi nito sa kaniya. "Ang swerte mo ha! Fine." bago pa man tanggalin ni Drei ang tapis niya, ay biglang sumigaw si Reighn. "Please! Wag mong gagawin yan sa harapan ko,i swear, masasampal kita." napangisi lamang si Drei at itinuloy pa ang panunukso nito sa birhen niyang mga mata.

The Coelans Where stories live. Discover now