VI

9 2 0
                                    

"Really? Thank you talaga!!" sobrang kasiyahan ang naramdaman ni Drei nang sagutin siya ni Reighn. "I will be good to you always! I promise!" tumungo lamang si Reighn bilang sagot sa kaniya.

Agad niyang tinawagan ang kapatid na tuwang tuwa din sa natanggap nitong balita. "Sinabi ko na kay Dave. Salamat talaga Reighn!" she gave a smirk. "It's just an act. Wag mo seseryosohin." tumawa naman ang binata. "Baka nga ikaw unang mafall sakin eh." siniringan siya ni Reighn at tumahimik.

Habang nakain ang dalaga, bigla siyang inakbayan ni Drei kaya naman dali dali siyang umiwas. "Oh, bakit ka umalis?" napahawak sa baywang ang dalawang kamay ni Reighn at natawa. "You're taking advantage, hindi ba dapat sa labas lang natin ginagawa yan?" nginitian naman siya ni Drei. "Girlfriend kita Reighn, i can do whatever i want." bigla siyang napatakip ng dibdib niya. "Manyak na 'to." hinila ni Drei ang kanan niyang kamay at inihiga sa kama. "Syempre, hindi ko gagawin 'yon sayo." labis na ang kabang nararamdaman ni Reighn kaya hindi niya mapigilang manlamig. "What do you prefer, classic or rock?" tanong ni Drei. "Classsic." sagot ni Reighn. "Ang corny mo." siniringan lamang siya ni Reighn. "Ikaw, hot or cold?" dali daling sumagot si drei. "Gusto ko yung mainit, yung nagbabaga. Yung tipong pagnaramdaman mo, ughh!" agad siyang hinampas ni Reighn. "Kahit kelan ka, puro kabastusan!" natawa ang binata sa katarantaduhan niya. "Sorry misis ko! Hahaha next, hmm wine or beer?" ngumisi ang dalaga. "Milk." sagot niya. "Huh? Bakit? The first time na nakita kita, you're drunk." tumawa ang dalaga nang maisip ang gabing iyon. "That was my first time. I don't drink."

Habang tumatagal, paparami na ng paparami ang mga katanungan sa pagitan ng binata at dalaga. Doon nila lalo pang mas nakikila ang isa't isa. Dumaan ang araw at gabi ngunit magkasama padin ang dalawa.

"Anong tawag ko sayo?" tanong ni Drei. "Edi Reighn." kumulot ang noo ng binata dahil hindi nito naintindihan ang ibig niyang sabihin. "I mean, call sign natin as 'magkarelasyon' " tumungo lamang ang dalaga at nagsalita. "Di ako sanay." natawa ang dalawa sa reaksyon ng isa't isa. "Love? Hun? Baby? Darling? Sweetie? Bobby? Ano pa ba?" aniya ni Drei. "Cute yung bobby, don't you think?" ngumisi ang binata. "Good choice, anyways are you sleeping over? Ipagluluto kita." ang sweet naman ng mokong na 'to.

"Nako, wag ka na magabala. Uuwi naman ako. Dito na nga ako natulog kagabi eh." ngumisi ang binata na para bang may tinitignan sa leeg niya. "Bakit?" tanong ng dalaga. "Your hickies." shit! Biglang napatingin sa salamin ng cabinet ang dalaga upang siguraduhin nga ito. "Oops, sorry." pangangasar ng binata. Paulit ulit na tinignan ng dalaga ang mga marka sa leeg niya, nakikita ito kahit na malayo dahil nagkulay lila ito. "Did you bite it hard?" aning ng dalaga. Bigla namang nanlaki ang mata ng binata at nakaramdam ng hiya. "Why?" tankng ng dalaga. "Bakit mo kasi ako hinalikan?" dagdag pa niya. "Bakit ka kasi nagpahalik?" o0oOohHh b0om! Wala ka pala eh.

"Edi tatakpan ko ng buhok ko, problem ba yun?" lumapit ang binata sa kaniya at bumulong. "Hindi pala problema eh, so pwede kong gawin yun lagi?" napatingin ang dalaga sa repleksyon ng binata sa salamin at napahinto sa ginagawa niya. "What do you mean?" hindi nagsalita ang binata ngunit ngumisi ito kaya naman agad siyang hinampas ni Reighn ngunit nakaiwas ito sa unang pagkakataon "Kahit kelan ka Drei."

Nagpaalam na pupunta ng kusina si Drei upang magluto ng hapunan, napagisipan na din ni Reighn na doon matulog dahil may marka ang leeg niya. Ayaw niyang may makakita pa nito kaya naman pinili niya na dito na magpalipas ng gabi.

Bumaba ang dalaga upang kausapin ang kaniyang 'boyfriend'. "Drei, are you sure about this? Hindi ba nakakahiya?" tumungo ang binata. "What do you mean?" dagdag na tanong ni Reighn. "Hindi naman halata. Just put make-up on it kung nahihiya ka." nanaray ang dalaga matapos na marinig ang binata. "Why? You don't have to hide it, so the people would know your mine." kilig ka gourl? Rupok ha! May namuong kilig sa loob-looban ni Reighn ngunit itinago niya ito upang maingatan ang kaniyang poise.

"Drei, this is my first time having hickeys." aniya ni Reighn. "Weeh? First time ba talaga?" biglang napaisip ang dalaga. "O-oo yung galing sayo." natawa ang binata sa naging reaksyon niya. Nakakahiya ka Reighn. "So, may naka one night stand ka na?" tanong ni Drei habang isinasalin ang bacon sa plato. "Uy, manigas ka. I'm a virgin." napatingin sakaniya si Drei. "Seryoso?" sumagot ng walang pagdadalawang isip si Reighn. "Oo. Anong akala mo sakin?" habang nagtitimpla ng juice si Drei, hindi siya makapaniwala sa sinabi ng dalaga. Ngayon lang siya nagka 'girlfriend' ng isang virgin. It's tempting him na magkagusto kay Reighn, pero malinis ang intensyon nito sa dalaga. That thing just turns him on, masuwerte nalang siya at nakilala niya ang dalagang ito.

Habang kumakain, nakarinig sila ng mga katok sa pintuan. "Ako na." sabi ni Drei, dali dali niyang binuksan ang pintuan nakita niya ang dalawa niyang kapatid na tila gustong sumalo sa kanilang hapunan. "Hey Reighn! Or should i say, Drei's 'girlfriend'" nagtawanan ang mga binata. Bakit ba binata ang tawag sa kanila? Eh halos mga gurang na ito eh.

"Where's Carl?" tanong ni Drei. "As always, busy sa business ni dad." tumungo si Drei. Habang nakain, nanatiling tahimik si Steve. Siya ang nagyaya kay Dave upang magtungo dito. Gusto niyang tignan ang sitwasyon ng dalawa. "Bakit kayo napadalo?" tanong ni Reighn. "Don't worry, hindi naman ikaw ang pinunta namin." tila hinampas ni Steve ang mga salitang ito sa mukha ni Reighn. "Bakit ba ang sungit mo? You're mean, old man." pabulong niyang sinabi ang huling salita ngunit narinig ito ni Steve. "May sinasabi ka ms. Davis?" agad itong sumagot. "Wala po mr. Coelan." biglang tumingin ang tatlo sa kaniya. Ano ka ba Reighn? Lahat sila Coelan. Haist.

"Oops, hehe." habang sabay sabay na kumakain ang apat, biglang nagbukas ng usapin si Dave. "Anyways, dad gave us a proposal pero saakin niya lang sinabi. It's a private matter." umiling si Drei na parang sumasalungat sa sinabi niya. "You can say it here, she's part of our family now."

#ms.Davisvs.Mr.Coelan.
#landiansabed
#hickeysjpeg.
#stevethesavage

The Coelans Where stories live. Discover now