5: A devil in disguise

2 1 0
                                    

CHAPTER 5

A devil in disguise

"So,is she my grand daughter?"

Sabay kaming napalingun ni mark sa pinangalingan ng Boses na iyon.

Napabuka nalang ang aking bibig dahil hindi ko inaasahang ganito kabilis ang lahat.

"M-mommm--howww-- W-what...what are you doing here?"

"Son, of course I want to visit my one and only grand daughter... Why didn't you tell us?And why is she here? What happened? And who's this lady beside you...is she my daughter-in-law?"

"Hsshhh...let's not talk about it mom...look, I'm so tired and its not the right time.Not yet!"

Dahan dahang tumango ang Ina ni mark at muling ibinaling ang tingin sakin.Nagulat nalang ako ng bigla itong ngumiti sakin ng malapad saka patakbong nilapitan ang anak kong hanggang ngayon ay wala paring malay.

"Princess your Lola is here na wake upppp plss...Lola wants to talk with you...we'll gonna buy a lot of toys I'll tour you around my house and I'll gonna cook for you and I'll give you a lot of gi----"

"Mommmn!don't spoiled her! Yan na nga ba ang sinasabi ko eh "

Hindi na narinig pa ng ina nito ang sunud na sinasabi ni mark dahil bahagyang binulong lang niya ito saka tumingin sakin at muling umiwas kaya umiwas na rin ako ng tingin sa kanya saka muling tumingin sa kanyang Ina na hanggang ngayon ay kinakausap pa rin ang aking anak.

"Siguradong matutuwa ang iyong ama,anak pag nalaman niyang sa wakas mayron na siyang apo...alam mo namang matagal na namin itong hinihingi sayo."

•••

"What?ang bilis naman ata ng mga pangyayari best parang kahapon lang sabi mo sakin na sana hindi na muling magkro cross ang landas niyo..pero ngayon? Tingnan mo nga naman! Hyyysss...mapagbiro talaga ang tadhana...Sana lang hindi ka muling masaktan best.Alam mo naman ang mga lalaki ngayon."

Pagdating na pagdating ko kasi sa bagong bahay namin kinuwento ko sa kanya ang lahat ng pangyayari kanina dahil nagtataka siya kung bakit hindi ko kasama ang aking anak ngayon...kaya...dahil matabil ang dila nito hindi na magkamayaw kung anong sasabihin.

"Alam ko naman yon yuri eh,pero anong gagawin ko? Ano bang dapat kong gawin? Hindi ko to ginustong mangyari...bakit ba kasi napakasaklap ng buhay ko.Hindi ko gustong makasira ng relasyon."

Ang mas masaklap hanggang ngayon ay mahal ko parin siya paano---paano ko patitigilin ang pagtibok ng puso ko kung sa tuwing dumapo ang mga mata niya sa akin tila pinipigilan niya ako sa lahat ng gagawin ko.

Alam kong mali to napakamali kasi may asawa na siya ayaw kong makasira ng relasyon at higit pa roon alam kong wala siyang nararamdaman para sa akin.Attractive lang talaga ako sa paningin niya.

Pero ano bang dapat kong gawin para iwasan siya kung sa tuwing gagawin ko yon patuloy pa rin siyang lumalapit sa akin?

Paano ko nga ba siya maiiwasan o kaya'y maiiwan kung --- kung kahit ang anak ko hinadlangan ako?

Makakaya ko bang putulin ang kaligayahan ng anak ko para maiwasan lang siya at matigil na ang kahibangan kong ito?

Hindi...hindi...

Handa akong harapin muli ang nakaraan magiging masaya lang ang aking anak.


Tila wala sa sariling sumasayaw si scarlet sa gitna ng mga lalaki pero wala siyang pakialam roon nais lamang niyang magpakalunod sa alak upang sandaling malimutan ang lahat.

BEARING HIS CHILDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon