*** Written By: Dangerous mafiaX ***
Chapter 9: IT'S MY FAULT
ZOEY POV
Bwisit na lalaking yun. Bike ko talaga ang pinagintresan niya. Hays. Huminga na lang ako nang malalim atsaka nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa man ako nakakalayo sa lugar na yun nang may humawak sa akin. Paglingon ko mga lasing na lalaking. What the?.
"Anong kailangan niyo?." Hinawaka nila ang parehong braso ko.
"Miss sumama ka na sa amin. Sasaya ka doon." Anong ibig nilang sabihin. Teka. Anong ginagawa nila.
"Bitawan niyo ko. Ano ba!." Pagpupumiglas ko sa pagkakahawak nila sa braso ko. Nakakatakot sila. Anong gagawin ko.
"Wag ka ng pumalag miss." Ouch. Sobrang higpit ng hawak nila. Nasasaktan na ko.
"Ano ba nasasaktan na ko. Aaahh Tulong tulungan niyo." Sigaw ako ng sigaw ng malakas.
"Hoy wag kang maingay dyan miss." Iritang sabi nila sa akin habang hawak pa rin nila ako.
"Mga Hayop kayo bitawan niyo ko." Pagpupumiglas ko pero masyado silang malakas. Tatlo ba naman ang humawak sa akin. Tapos mag-isa lang ako na nandito. Mga siraulong manyakis na lasengerong mga lalaking to. Arrgh.
"Makinis ang balat mo miss." Bigla akong kinilabutan sa paghawak niya sa braso ko.
"Huwag. Bitawan niyo ko." Naluluha na ako dahil sa paglapit nila sa akin.
"Wag ka ng pumalag. Mukhang masarap ka miss. Hmm." Please wag. Tumigil na kayo. Nanggigilid naman na ang luha ko dahil sa sobrang kaba. Ayoko nito. *Huhu*
"Aaaaahh wag, wag---"
"Sinabing wag kang maingay. *Boogsh*" Bigla na lang akong nanghina sa pagpalo ng malakas sa akin ng lalaking nasa likuran kong nakahawak. At hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Napatumba na lang ako sa lupa.
"Ang lakas ng loob niyong saktan siya." May pamiliar na Boses ang sigaw mula sa di kalayuan sa lupang hinihigaan ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya. Sobrang nanghihina na rin ako dahil sa paghampas sa akin ng malakas sa batok ko.
YOU ARE READING
The Queen Nerd Meet The King Badboy
Teen FictionShe's a nerd Nobody and Lonely Walang gustong makipagkaibigan Kinaayawan ng lahat She always bullied. Until she met The king badboy. They hate each other but they can will be friends. But what if they found love.