#2 EXPECT THE UNEXPECTED

3 0 0
                                    


"Karma has no menu. You get served... What you deserved!"
                                          — Silent Horror

"Expect The Unexpected"

MAY isang manlalakbay na dalawang linggo nang naglalakbay. Mahilig sa challenges ang taong ito, kaya pinili niya ang maglakbay ng ilang miles sa pamamagitan ng paglalakad kasi nga, challenging daw.

At iyon nga, dahil sa pautot niyang maglakad ng ilang araw, nakaramdam siya ng labis na pagka-uhaw. Kasalukuyan siya ngayong naglalakad sa bukid at nag-aabang lamang ng madadaanang bahay na puwedeng hingan ng maiinom.

At wow carabao! May natanaw siyang isang kubong hindi malayo mula sa kaniyang kinaroroonan! Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa at kaagad iyong nilapitan.

Tok! Tok! Tok!

Walang sumagot.

Tok! Tok! Tok!

May narinig siyang kumakaluskos mula sa loob, at maya-maya pa'y pinagbuksan siya ng isang matandang babae.

"Ano'ng need mo, nonoy?"

Tanong nito sa manlalakbay sabay ngiti ng malapad, dahilan upang ang manlalakbay ay palihim na mapangiwi.

Ilang taon ka na bang hindi nagto-toothbrush, La?

Wait, bakit may amoy inidoro?!

Sabi ng maarteng brain ng manlalakbay, 'kala mo kung sinong malinis.

"Ah, kung puwede po sanang makahingi ng maiinom, La."

Magalang na wika nito habang nakangiti. Tse, plastik!

"Ah, gano'n ba? Sige come in lang."

Kaagad siyang pinapasok ni Lolang hindi nag to-toothbrush, at kaagad din naman siyang pumasok. Tinuro ng matanda ang isang banga, kung saan nakalagay ang tubig.

Napansin ng papansing manlalakbay na isa lamang ang platong naroon sa kusina ng matanda at may isang pares lang din ng kutsara't tinidor, at isa lang rin ang tasa na naroon na ngayon ay nakapatong lamang sa takip ng banga.

Bakit amoy bunganga parin hanggang sa kusina? Kaderder nemen!

Reklamo na naman ng maarteng brain ng maarteng manlalakbay na mukhang naupuan ng gorilla ang ilong sa sobrang pango. Yucks, laiterong pangit.

Kaagad naman na nagsalin ng tubig sa nag-iisang baso ang manlalakbay at akmang iinumin na niya ito, nang may maalala siya.

Wait, kung isa lang ang baso ni Lola, ibig sabihin ito rin ng ginagamit niya?

Nababahalang tanong ng pangong manlalakbay sa kaniyang brain na maliit, habang paulit-ulit na nag re-replay sa kaniyang utak ang marumi at maraming tinga sa ngipin ng matanda. Dumagdag pa ang mala-imburnal nitong amoy na hininga.

Napalunok siya ng saliva at dahil no choice siya, uminom siya sa paraang alam niyang hindi ginagawa ng matanda.

Ang uminom sa may bandang hawakan ng tasa!

Like this (libre bully) :

Skrrt! I'm so intelligence!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Skrrt! I'm so intelligence!

Puri ng manlalakbay sa kaniyang sarili. Intelligence daw siya eh. Okay.

Dala ng sobrang pagka-uhaw, naka limang tasa ang manlalakbay. Ang lakas manlait, ang lakas pa maka inom. Kapal fess diba?

Bakit parang ang unique ng lasa ng tubig ni Lola?

Dahil sa dami ng kaniyang na inom, nakaramdam siya ng call of nature. Buti nga sa kaniya.

"Uhm, La? Pwede po bang maki-ihi?"

Nahihiyang paalam ng manlalakbay.

"Sige lang, nasa may bandang likuran lang matatagpuan ang ban—"

Hindi pa man natatapos magsalita si Lola, ay kaagad nang pumasok ang manlalakbay sa banyo at doon inilabas ang kaniyang sama ng loob. At home na at home ang yawa.

***

Ugh~ Refreshing~

Kakalabas lang ng manlalakbay sa banyo at nang makadaan siya sa kusina, kaagad na nanlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.

Si Lola.

Umiinom.

At gaya niya, ay sa may bandang hawakan rin ito ng tasa umiinom— sa parehong tasang ginamit niya kanina.

"Oh, tapos ka na pala—"

Hindi niya na naman pinatapos magsalita si Lola, at muling pumasok sa banyo nang maramdaman ulit ang call of nature.

Hanep, kaya pala ang unique ng lasa ng tubig ni Lola. Focc. Huhu.

*Pooooot!*

-The End-

Short Stories (Compilation) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon